"Sige," ewan ko kung narinig pa niya ang sagot ko. Pagbalik niya ay kasama na si Tita Charry, ang Mama ni Insan at kapatid ni Mama.
"Hi, Tita, bless po, long time, no see," sabi ko at nagmano sa kanya.
"Oo nga e, buti at nandito ka na agad?"
"Oo nga, Tita, buti nga po at dito muna ako. Para naman po hindi ko masyadong ma-miss si Mama, magkamukha po kasi kayo," natawa kami parehas sa sinabi ko.
"Identical twins kami e. Pumunta nga rito ang Mama mo bago s'ya umalis. Tapos magka-video call kami kanina," nasabi nga niya kanina.
"Ayos ah, madalas po siguro kayong mag-video call," ang cool nila parehas.
"Ah, oo, nabanggit nga niya sa akin na may nililigawan ka raw malapit dito."
"Si Mama talaga, oh,"
"Ayos lang, normal lang naman sa age mo 'yan, si Kris nga hindi masyadong nagsasabi pero alam ko, may nagugustuhan na ngayon," 'langya si Insan, hindi nagkukuwento sa akin!
"Talaga po? 'Di pa po kasi kami nagkakausap uli e. Nagkita po pala kami ni Insan sa Batangas no'ng minsan."
"Ah talaga? Nasabi nga n'ya sa akin na pupunta nga raw s'ya sa Batangas dahil may nag-book sa kanila ng gig," ayos din ang buhay ni Insan e, kung saan-saan nakararating.
"Oo, nga raw po," ngumiti ako sa kanya.
"Anda, Anda, Anda! Hindi santo ang pamangkin ko, 'wag mong titigan,"
"Ah, opo, Ma'am,"
"'Yan nga pala si Anda ang kasambahay natin, kung may kailangan ka ay sa kanya mo na lang sabihin," pagpapakilala sa amin ni Tita.
"At your thervice, Thir," sabi ni Anda.
"Okay po," napangiti ako sa kanya at kay Anda. "Tita, thank you," nginitian ko uli siya at ganoon din ang ginawa niya.
Mukhang magiging masaya ako rito. May makulit akong kasama sa bahay bukod kay Insan. May pagtatanungan ng girl's perspective kapag kailangan.
"Magpahinga ka na muna, padating na rin si Kris, sasamahan ka ni Anda sa magiging kuwarto mo," ang bait talaga ni Tita Charry sa akin kaya siya ang itinuturing kong second mom ko. Third, si Tita Isay, joke lang!
"Sige po, Tita, see you later," sabi ko tapos sumama na kay Anda sa bago kong kuwarto.
Teka pala, ite-text ko muna ang aking pinakamamahal.
FROM: ME
Good evening, Mojow!😁
FROM: MOJOW
Miss ako agad? 😂
FROM: ME
Miss na miss, puwedeng pumunta d'yan, mamaya?😁
FROM: MOJOW
Puwede naman, nandito rin si Philip.
FROM: ME
Nand'yan? Teka lang, hintayin mo ako, 10 minutes.
FROM: MOJOW
Oo, bilisan mo, baka umalis.
FROM: ME
'Wag mo muna paalisin, kakausapin ko! See you!
Nagbihis lang ako nang mabilis tapos ay umalis na ako. Wala si Tita, nasa kuwarto raw kaya pinasabi ko na lang kay Anda. Pagdating ko kina Mojow, kumakain sila ng pizza.
"Good evening," sabi ko sa kanilang lahat at ngumiti.
"Good evening," sabi nila in chorus.
"Kuya Cee, kain ka, dala 'yan ni Kuya Philip," sabi ni Nika sabay kagat sa hawak na pizza slice.
Deretso ako sa tabi ni Mojow na mabuti na lang ay bakante. Siyempre naman! 'Wag nang umarte! Do'n naman talaga ang gusto kong puwesto.
"Na-miss mo ako, Mojow? Alam ko na, 'wag mo nang sagutin," banat ko. Tinaasan ako ng kilay!
"CEEra ulo," sabi niya kaya natawa 'yong iba.
"Kumain ka na lang, nalipasan ka yata ng gutom," sabi niya.
"Busog ako," sabi ko, pero ayaw ko lang talagang kumain ng pagkain na dala ng kabilang panig.
"Joke ba 'yan?" nang-aasar na naman.
"Ha? Paano mo nasabi?" nakapagtataka naman na alam niya.
"Kanina ka pa nakatingin do'n sa pizza e," sabi ni Mojow sa akin tapos ilang minuto ang lumipas, biglang nagpaalam si tisoy na uuwi na.
"Ah, bakit? May lakad ka? Anyway, thanks sa pizza," sabi ni Mojow sa kanya na malaki ang ngiti.
"You're always welcome, Joan," sabi ni Philip sa kanya kasama ang malagkit na ngiti.
E 'di kayo na! Hindi ako nagseselos, gusto ko lang bumili ng bagong pizza. 'Yong mas masarap d'yan, mas masarap naman d'yan 'yong sa pizza place na kinainan namin ni Mojow noong pumunta kami sa MOA.
"Wait lang, Philip," sabi ko at tumayo para sundan siya.
"Why?" tanong niya.
"I have something to tell you," sabi ko.
"What about?" tanong niya.
"Tara, do'n na lang sa labas, wait lang, Mojow," sabi ko habang naglakad na kami palabas ng front door.
"Ingat ka do'n, ha? Kung alam ko lang na aabot, sana pala nag-apply ako ng US visa para nakasama ako sa'yo," sabi ni Mojow kay tisoy at ngumiti lang ang tisoy. In-assure naman ni tisoy na okay lang, baka next time na lang.
Ang sweet talaga ni Mojow kaya mahal ko.
"So here's the thing," sabi ko nang nalabas na kami.
"What?" naiinip niyang response.
"Ah, nililigawan ko na rin kasi si Mojow ngayon, just so you know," naging seryoso ang mukha niya. Caught unprepared, tisoy?
"Oh... I see; thanks for letting me know."
Ngumiti naman siya kahit paano. Hindi na rin naman siya na-shock dahil alam na rin naman siguro niya na pupunta ako sa ganoon.
"May the best man be with Joan na lang, pre," sabi ko at nakipagkamay sa kanya. Tinanggap naman niya ang kamay ko.
"Yeah, may the best man be with her," sabi niya.
Ito ang maganda kay Philip, marunong siyang makisama. Kasi kung sa ibang lalaki 'yon, babakuran na si Mojow, pero hindi niya ginawa kaya palagay ko, okay naman siya, pero, ako ang mananalo! Belat mo, tisoy.
"Anything else, dude?" tanong niya.
"Hmm... have a safe trip! Ako na muna ang bahala kay Mojow habang wala ka," as always, kahit naman pati nand'yan siya ay ako pa rin ang bahala.
"Thank you, dude," sabi niya.
"Welcome! Wala sanang maging problema sa atin, gano'n pa rin. Nasa kanya na naman ang desisyon," sabi ko.
Totoo naman 'yon, kahit naman kasi tisoy ang tawag ko sa kanya ay hindi naman ibig sabihin no'n na badtrip ako sa kanya. May pinagsamahan din naman kami kahit paano. At tsaka, tisoy naman talaga siya, laking States e.
"Yeah, that's right; bye, dude. I need to go," sabi ni tisoy.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 27
Start from the beginning
