(Anak, kumusta ka na?) napangiti ako nang marinig ang boses niya.
"Ayos naman, Ma, kakauwi ko lang galing Batangas."
(Ano'ng ginawa mo do'n?) naupo ako sa kama habang kinakausap siya.
"Nag-outing kasama sina Mojow,"
(Kayo lang?)
"Hindi, Ma, kasama sina Tita pati 'yong mga kapatid at kaibigan n'ya."
(Ah, gano'n ba, ano? Nagtapat ka na ba, ha?)
"Oo, ma,"
(Talaga? Wow! Sa wakas naman,) halata sa boses niya ang saya.
Natawa ako, "bakit parang mas masaya ka pa sa'kin, Ma?"
(Masaya talaga ako, alam ko kasing masaya ka dahil sa kanya.)
"Ang drama mo, Ma, bakit ka ba tumawag?"
(Ah, magka-video call kasi kami ng Tita Charry mo kanina. Do'n ka na lang daw muna tumira sa kanila, para naman may ka-jamming si Kris, tutal naman lagi kang na kina Joan, mas malapit 'yon sa kanila.)
"Ayos ah, miss ko na rin sina Tita at si Insan e, sige, punta na ako do'n mamaya, Ma."
(Sige, anak! Bye na, magha-harvest pa ko sa Farmville ko at baka malanta pa, baka pati may bago akong neighbor request.) Mama ko talaga, ang techie kahit may edad na!
"Sige, Ma, regards kay Cheska."
(Kay Cheska lang?)
"Yeah," sabi ko at napangisi.
(Cee, don't be like that, Papa mo pa rin 'yon, sige, sige, Ingat d'yan, bye.)
Ibinaba na niya ang tawag, ayos! Lalo akong mapapalapit kay Mojow, mababantayan ko siya laban sa foreign object aka 'yong tisoy!
Ang suwerte nga ng isang 'yon dahil ang lapit ng bahay kina Mojow. Buti na lang, malapit din do'n sina Insan Kris.
Kakausapin ko pa nga pala ang tisoy na 'yon. Mabuti nang alam niyang may kalaban siya sa puso ni Mojow. Panis nga 'yong proposal na ginawa niya sa proposal na ginawa ko.
Makalipas ang isang oras ay natapos din ako sa pag-e-empake ng mga dadalhin kong gamit kina Tita. Bumiyahe na rin ako pa-Royce at dumeretso na sa bahay nina Insan. Katabing lugar lang no'ng kina Mojow, puwede nga na lakarin sa sobrang lapit.
Nag-doorbell ako tapos isang teenager na babae ang nagbukas ng gate. Maliit na babae, may itim na buhok hanggang balikat. Bilugan ang mga mata, matangos ang ilong at payat siya.
"Thir, kayo po ba thi thir Thee?" sabi niya.
"Cee, ang pangalan ko," sagot ko.
"Oo nga po, Thir Thee. Pumathok na po kayo, ako po thi Anda,"
"O-kay, nand'yan ba sina Tita at Kris?" tanong ko nang nakapasok na sa gate.
"Nandito po si Ma'am pero wala pa po si Thir Krith, upo po muna kayo," sabi niya.
"Thige," sagot ko, nahawa agad ako sa kanya! Ano ba naman 'yan?
"Mapagbiro ka, Thir Thee, ha?" sabi niya kaya natawa ako at nag-sorry dahil hindi pala siya nagbibiro. Akala ko kasi ay nagti-trip siya pero wala raw 'yon sa kanya.
Pumasok na rin ako sa bahay nila at naupo muna sa sofa sa kanilang sala.
"Thir, thandali lang po, tatawagin ko lang thi Ma'am," sabi ni Anda at agad namang nawala sa paningin ko.
ESTÁS LEYENDO
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 27
Comenzar desde el principio
