"'Di ka naman magsisinungaling e, hindi mo lang sasabihin kay Mommy," tingnan natin kung ano ang mangyayari sa usapan na ito.

"Well, 'yon ay kung sasamahan mo ako sa mall show nina Yani at KK sa Friday," sabi ni Nika. Matalinong bata, marunong makipag-deal.

"Ano? Ang sikip-sikip do'n tapos ma-" hindi na natapos ang sinasabi si Mojow dahil sa dumating.

"What's up, my dear kids?" sabi ni Tita Isay na may ngiti sa labi.

"Ah, may sasabihin ako sa'yo Mee, si ate kasi kanina-" sabi ni Nika sabay tingin kay Mojow na para bang namba-blackmail. Nika, grabe ka! Ang mean mo sa ate mo!

"Jonika Marie dela Vega!" sigaw ni Mojow, galit na talaga ang unggoy kong mahal!

"Ano kasi Mee, sasamahan daw ako ni Ate sa mall show nina Yani at KK sa Friday," sabi ni Nika.

"Ate mo, sasamahan ka? Talaga? E 'di ba ayaw n'yan sa masikip na lugar, e siguradong masikip do'n," sabi ni Tita.

Si Nika napatingin uli kay Mojow na parang sinasabi na magsalita naman kahit paano. Hindi nagsalita si Mojow kaya si Nika uli ang nagsalita, nakikinig lang din ako sa nangyayari.

"'Di ba Mee, pinapayagan mo na ako?" tanong ni Nika sa Mommy nila.

"Basta may kasama ka," sagot ni Tita.

"Ate, 'di ba sasamahan mo ako?" sabi ni Nika.

Galit na ang ate niya. Sa totoo lang, wala namang masama sa nakita ni Nika, sinagip ko lang naman ni Mojow. Napatingin ako kay Mojow, naaasar na siya pero nagpipigil lang dahil ayaw lang din sigurong magkaroon ng awkward conversation kay Tita.

"Oo, sasamahan na kita," sagot ni Mojow kaya napatalon si Nika.

"Yes!"

"Ay, s'ya nga pala, 3 PM tayo aalis mamaya, 9 am pa lang naman kaya mag-enjoy muna tayo," sabi ni Tita.

"Sige, Mee," sagot ni Mojow.

"Hello, Cee, nand'yan ka pala," ngumiti pa siya sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Hello, Tita, tinuturuan ko po si Mojow mag-swimming," sabi ko tapos ngumiti siya nang malaki.

"Ayos yan, go lang," umalis na rin siya pagkasabi niya no'n dahil magvi-video chat pa raw sila ng asawa niya.

"Sino bang yumakap? Ako ba?" sabi ko at ngumisi pa sa kanya. Ang sarap kasing asarin ni Mojow, asar na asar lagi!

"Hay..."

"S'ya, s'ya, ako na ang sasama sa kapatid mo," ayan, ha? Kahit wala akong interes sa mga ganoong bagay, gagawin ko na!

"Funny! Hindi puwede, malalaman ni Mommy," sabi niya. Irritation strikes again.

Gusto ko lang naman i-break 'yong tension. I don't like tension. It's not good for the health.

"Eh 'di sasamahan ko na lang kayo,"

"Talaga?"

"Oo, wala naman akong gagawin, you know, jobless and all,"

Nang hapon ding 'yon ay naghanda na kami sa pag-uwi. Nakatulog kaming lahat sa biyahe, well, except sa driver, siyempre.

Pagdating namin sa Royce, grabe! Gusto ko na bumulagta sa kama. Bumiyahe pa ko pauwi sa Wheeler para iuwi ang mga dala kong gamit at magpahinga rin nang kaunti.

Nakatutuwa naman ang nangyari kanina. Si Mojow napayakap sa akin kahit hindi sadya, nakatatawa lang, nagka-moment tuloy kami.

"Hello, Ma?"

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now