"Sige,"

"Tense 'yong ulo mo, Mojow, relax lang," sabi ko sa pinakamahinahong boses sa balat ng lupa.

STEP 9: CONTROL YOURSELF FROM KISSING HER.

'Yong mga labi niya ay mukhang malambot na para bang masarap halikan.

Napapalunok ako ng laway, Cee, control yourself.

Hindi mo siya dapat i-take advantage dahil nagtiwala siya sa'yo.

Erase, erase! Maghintay ka sa tamang panahon, Cee. Hindi ka pinalaki ng Mama mo na walang respeto.

Napalunok na naman ako ng laway. Buwisit na laway 'to! Ano'ng problema mo?

"Cee, 'wag mo akong bibitiwan, ha? Baka malunod ako," bulong niya.

Ang sarap namang pakinggan kahit dahil lang sa hawak ko siya sa likod at dahil ayaw niyang malunod.

"Ayos lang malunod ka," banat pa Cee!

"Ano? Ayos lang?" tanong niya sa akin at napangiti naman ako dahil doon.

"Oo, malunod sa pagmamahal ko,"

"Ssssh... mamaya na ang k'wento, relax muna, isipin mo lang, nakahiga ka sa kama."

Maya-maya ay mukhang na-relax na niya ang kanyang buong katawan. Kaya unti-unti kong inalis ang kamay kong nakasuporta sa likuran niya, let's see kung lulutang na siya. Humakbang ako paurong habang nakatitig sa kanya.

3...

2...

1...

"Ahhh!" sigaw niya.

Nagkakawag si Mojow, akala yata niya ay malulunod na siya, paano kasi na-out-of-balance sa pagka-float kaya lumubog sa pool. Effective itong teaching technique na ito! Bakit hindi gumana?

"Mojow, Mojow," tawag ko sa kanya.

Paghawak ko sa kanya sa balikat ay napayakap siya sa akin nang mahigpit sa sobrang takot siguro. Nagulat naman ako kaya nanlaki ang singkit kong mga mata.

"Ehem!" may narinig akong sumigaw, "akala ko kung ano'ng meron, ito pala," sabi ni Nika.

Kumalas tuloy bigla si Mojow sa pagkayayakap sa akin. Sayang! Sayang talaga, Cee? Umayos ka nga!

"'Yong ate mo, chinachansingan ako," sabi ko tapos natawa para walang awkward moment.

"Eh para naman kayong si Yani at KK e, tigilan n'yo nga 'yan, kinikilig ako!" sabi ni Nika tapos 'yong mukha niya mapang-asar na nakatingin sa ate niya.

Ano ba 'yan? Para kaming nasa pelikula.

"'Yon na ba ang love team na sikat ngayon? 'Di na ako updated," sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Oo, kaya, kuya Cee, ang dami ko ngang picture nila sa phone ko," sabi ni Nika habang winawagayway ang kanyang phone sa harapan namin.

Proud na proud dahil sandamakmak ang picture ng sinasabing idol niya sa kanyang phone.

"Wala kang nakita, Nika," sabi ni Mojow.

May tono ng awtoridad at pagbabanta. Kinilig na nga 'yong bata e! At tsaka, boto sa akin 'yan, Mojow, bakit parang pagagalitan mo?

"'Di ba ate, sabi mo, masamang magsinungaling?" sabi ni Nika habang nakangisi.

Natawa na lang ako, ang galing niyang mang-asar dahil alam niya kung paano aasarin si Mojow.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now