Umiling ako nang umiling, pinananatili pa rin ang titig sa babaeng nasa picture--sa babaeng kamukhang-kamukha ng Destinee na nasa harap ko ngayon.

Siya nga ang nasa picture . . . parehong-pareho. Pero hindi ito ang nakasama ko noon.

“Destinee . . .”

“What?”

Nag-angat ako ng tingin sa kan’ya, mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.

“Nagkita rin tayo noon . . . pero hindi tayo nagkasama.”

Lalong kumunot ang noo niya pero hondi siya nagsalita.

“Destinee . . . w-wala ka ba talagang kapatid?” napapaos na tanong ko dahil napagtatagpi-tagpi ko na ang mga bagay.

Tumawa siya. “A-Ano bang sinasabi mo?”

Lumunok ako bago itinuro siya sa picture. “Hindi ito ang nakasama ko noon . . . pero nagkita rin tayo.”

Umiling siya  “Hindi kita kilala at hindi kita naaalala.”

Tumango ako nang marahan. “Pero napansin ko si Destinee . . . yung Destinee na nakasama ko . . . dahil sa ’yo.”

Umawang ang bibig niya, hindi maintindihan ang gusto kong iparating.

“W-What?”

Lumunok ako. “Napansin ko si Destinee . . . kasi una kitang nakita . . . kaysa sa kan’ya. Nauna kitang nakita at ’yan na ’yan ang itsura mo.” Muli, napalunok ako. “At napansin ko siya noon sa pagtataka kung bakit mag-isa na lang siya noong oras na ’yon . . . kasi magkamukha kayo.”

Umiling siya nang umiling. “N-No . . .”

Nagbuntonghininga ako. “May kapatid ka ba, Destinee?”

Matapos kong sabihin ’yon, pumatak ang luha niya habang umiiling nang marahan at paulit-ulit, bahagyang nakaawang ang labi.

“Hindi ako sigurado . . . pero baka kapatid mo nga yung nakasama ko noon.”

Pilit siyang tumawa kasabay ng mabilis na pagpunas ng luhang pumatak sa pisngi niya.

“Paano ako magkakaroon ng kapatid? Wala nga akong kapatid! Why are you forcing that narrative of yours?!” she said, almost shouting. Napapatingin na rin ang ibang customer sa amin pero hindi ko na ’yon pinansin.

Nagbuntonghininga ako. “Hindi ko na matandaan kung paano kita nakita noon, basta alam kong nagkita tayo . . . at ’yan na 'yan ang ayos mo noon,” sabi ko habang itinuturo siya sa picture. 

“At napansin ko yung Destinee na nakasama ko noon dahil mag-isa siya, malungkot, pero iba na ang ayos niya. Tulad ng sinabi ko noon na nakatirintas ang buhok niya at nakapatong sa kanang balikat . . . ’yon. Pero hindi ganito.”

Tumitig siya sa picture na nasa lamesa habang tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ko.

“Namukhaan kita kasi sa pagkakatanda ko, nakita kita nang malapitan. Kaya noong sumunod na beses na nakita ko ang mukha mo . . . inakala kong ikaw ’yon . . . kaya nagtaka ako kung bakit mag-isa ka na lang . . . kaya noong makita ko ulit ang kamukha mo, tinulungan ko siyang tumakbo palayo sa mga himahabol sa kan’ya sa pag-aakalang ikaw siya . . . kaya itinanong ko sa kan’ya kung nasaan ang mga kasama n’ya at bakit mag-isa na lang siya.”

Tumawa siya ulit kasabay ng pag-iwas ng tingin.

“Sinabi niyang wala siyang kaibigan . . . at sapat na ang kapatid niya bilang kaibigan sa kan’ya. Kaya mas lalo akong nagtaka. Hindi ko naisip na magkaibang tao pala yung una kong nakita at yung nakasama ko noon. Ni hindi naisip ng batang isip ko na baka magkapatid sila  kahit paulit-ulit na binabanggit ng nakasama ko yung kapatid niya.”

Napalunok ako nang makita ang mas marami pang luha na tumulo mula sa mga mata niya.

“Pero hindi ko alam kung bakit Destinee ang ginamit niyang pangalan noong nagpakilala siya sa akin.”

Nagbuntonghininga siya bago nag-angat ng tingin sa akin. “Gusto mo bang pumunta sa bahay? I will show you, and prove it to you, wala akong kapatid. Wala, Constantine!”

Napalunok ako kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko habang ikinukuyom ang mga kamao.

“Kung gano’n . . . bakit hindi mo alam kung bakit ka miserable tuwing sasapit ang March? Hindi mo ba naisip itanong sa sarili mo ’yon?” Muli, napalunok ako. “Ayaw mo man lang bang . . . malaman kung ano yung totoo? Ayaw mo man lang bang magtanong kahit na para sa sarili mo, alam mo na yung sagot?”

Lumunok siya. “Bakit pa ako magtatanong tungkol sa sarili kong buhay? Alam ko ang buhay ko. Kilala ko ang sarili ko, Constantine. Kung ikaw, nagdududa pa rin matapos ng lahat ng sinabi ko, hindi ko na kasalanan ’yon. Ako na itong nagsasabi sa ’yo--ako na may sariling buhay na pilit kinukwestiyon mo. 

“Kung hindi mo matanggap ang katotohanan na hindi ako yung kapatid ng lintik na babaeng hinahanap mo, wala na akong sasabihin sa ’yo. Paniwalaan mo na lang ang gusto mong paniwalaan pero tapos na ako!”

Sa paraan ng pananalita niya ngayon, alam kong naputol na ang pasensiya niya sa akin. Sigurado akong galit na galit na siya . . . at hindi ko na alam kung paano ko pa aayusin itong sa aming dalawa ngayon.

Pagkatapos niyang kuhanin ang picture sa lamesa, ibinalik niya ’yon sa bag saka nagmadaling lumabas ng coffee shop. Napabuntonghininga ako bago sumunod sa kan’ya. Dederetso na sana siya sa waiting shed nang hinawakan ko ang palapulsuhan niya para pigilan. Pumiglas siya bago galit na humarap sa akin.

“Ano pa ba, Constantine?”

Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. “I-Ihahatid na kita. Sige na.”

Nagbuntonghininga siya bago sumunod sa akin sa parking lot. In-unlock ko ang sasakyan bago siya pinagbuksan sa shotgun’s seat. Tahimik siyang sumakay doon bago ko isinarado ang pinto saka umikot papunta sa kabila para sumakay sa driver’s seat. Ini-start ko ang engine saka nagsimula nang mag-drive.

Buong byahe, nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Hindi man lang lumilingon sa akin. Nang makarating kami sa harap ng bahay nila, napabuntonghininga ako.

“Destinee . . . I’m sorry.” Napalunok ako bago lumingon sa kan’ya. Hindi siya gumagalaw, pinananatili lang ang hawak sa seatbelt. “I’m sorry, napaiyak na naman kita. I’m really sorry, nabigla lang ako.”

Lumunok siya bago yumuko. “No. I'm sorry. I’m sorry I cried. Hindi ko rin alam kung bakit.” Tumingin siya sa akin. “But I will not say sorry for everything I’ve said earlier. That’s my truth and you can never twist it no matter how many coincidences your friend and I had. But please . . . if you won’t be able to see me as I am--as I truly am--layuan mo na lang ako.”

Napaawang ang bibig ko, lalo na nang makitang nagtubig muli ang mga mata niya.

“Pinakilala ko nang maayos ang sarili ko sa ’yo. Pinakisamahan kita kahit na alam kong minsan, ibang tao ang nasa isip mo . . . hindi ako. Ilang beses ko nang nilinaw sa ’yo na ito ako--wala akong kapatid. I am not associated with someone you’re looking for. Kung hindi mo matanggap ’yon . . . kung hindi mo kayang respetuhin ’yon . . . tama na talaga siguro ’to.”

Muling pumatak ang mga luha niya at ako, walang nagawa kung hindi ang panoorin siyang tanggalin ang seatbelt. Napalingon kami pareho sa harap nang makita na may paparating na sasakyan.  Nag-iwas siya ng tingin doon at saka lunabas ng kotse bago binuksan nang mabuti ang gate dahil paparating na ang sasakyan ng papa niya.

Napahilamos na lang ako. Akala ko . . . maaayos ko na. Sinabi ko noon sa sarili kong kalilimutan ko na lahat.

Pero dahil sa litratong ipinakita niya sa akin, nanumbalik lahat . . . at hindi ko na magawang kalimutan o balewalain ang mga bagay na tungkol doon.

Nagbuntonghininga ulit ako bago nag-drive pauwi.

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon