Tumango siya at ngumiti. Tinawag ko na ulit ang waiter para um-order ng dalawang flavored beer. Parehong apple ang in-order namin dahil para sa akin, sa lahat ng flavored beer, 'yon ang pinakamasarap. Nagpasama na rin kami ng isang small bucket ng yelo at baso para sa kan'ya. Habang naghihintay, naghugas na kami ng kamay sa handwashing area. Wala pang limang minuto ang nagdaan, ini-serve na sa amin ang mga in-order namin.

"Ayan, thank you!" masayang sabi niya sa waiter.

Nang makaalis ang mga nag-serve, isinuot na naming dalawa ang disposable gloves. Dahil nga malaki sa kan'ya ang size, tinulungan ko ulit siyang ibuhol 'yon para hindi natatanggal sa kan'ya. Nagpasalamat siya sa akin bago kami nagsimulang kumain. Kinuha ko ang isang drumstick saka inilagay sa plato niya. Kumuha ako ng isang pakpak saka kami nagsimulang kumain.

"So, what's your thoughts about the book I wrote?" She laughed. "Was it terrible?"

Umiling ako bago uminom ng beer. "It's not. Okay naman ang story at ang concept. Hindi lang talaga ako mahilig sa romance."

She laughed. "I expected to hear that. So, ano pa?"

Nagkibit-balikat ako. "I like how he truly loved his girlfriend even though she's dead already. Pinakita talaga sa story na kalahati ng buhay ng bidang lalaki, nawala noong nawala din ang babae. So, kahit hindi ako convinced na may tao talagang maghihintay ng apat na taon para lang makita ang iba't ibang version niya sa iba't ibang universe, naintindihan ko na rin. After all, love really made us do things we never thought we could do."

Tumango-tango siya bago sinalinan ng beer ang baso na may maraming yelo bago siya uminom. Ngumiwi siya pero ilang sandali lang din, tumingin siya sa akin na parang nagulat dahil masarap naman pala. Kinuha ko ang drumstick at inilagay ulit sa plato niya. Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Ipinagpatuloy na niya ang pagkain bago nagsalita. Muli akong pumiraso sa manok at kumain.

"They were diaper besties. Simula pinanganak sila, they are destined to be together. Buong buhay ni Cyrus, kasama niya si Celeste kaya noong nawala ito, hindi na niya alam ang gagawin sa buhay niya. He just can't live without her anymore so he was ready to die with her. Gladly, someone offered him help—the doctor slash professor. He would look forward to a day—and that's every 29th of February which only happens every leap year. Cyrus never thought that it was the professor's way of saving him—of keeping him alive."

Napatango-tango ako. Ngayon ko lang na-realize ang bagay na 'yon, ah? Minsan talaga, para malaman ang iba't ibang side ng story na binasa mo, kailangan talaga na magtanong ka sa author tungkol sa backstory ng ibang character.

"In exchange of that, makikita niya ang ibang version ni Celeste sa parallel universe. The professor thought that he would stop upon realizing that his girlfriend is really dead—na kahit may kamukha ito sa iba't ibang sandaigdig, magkaibang-magkaiba pa rin sila ni Celeste. But Cyrus became greedy and kept on waiting for the leap year to happen. Ang importante lang naman sa kan'ya, makita at makasama ulit si Celeste—o ang kamukha ni Celeste—kahit na iba na ang katauhan o personality nito sa ibang universe."

Ininom niya ang natitirang beer sa baso bago sinalinan ulit ito. Nilagyan niya ulit 'yon ng yelo bago nagpatuloy sa pagkain.

"At least, 'di ba? Sa huli, na-realize niyang mali 'yon. Natuwa talaga ako sa magandang character development niya. Ang ganda ng pagkakasulat sa totoo lang. Kung mahilig siguro ako sa romance books, baka 'yon ang pinakamaganda." Tumawa ako. "Sa totoo lang, mas gumanda ang story noong nalaman ko yung ibang detalye dahil naikwento mo."

Tumango-tango siya. "Oo. Kaya mainam talaga na magkakaroon ng backstory muna lahat ng character bago simulang isulat ng author yung mismong story. Para kapag may nagtanong tungkol doon, madali naming masasagot. At madaling gumawa ng mga special chapters, 'di ba?"

Sandali kaming natahimik bago ako nagtawag ng waiter dahil naubos ko na ang beer ko. Um-order ulit ako ng isa pero pinigilan ako ni Destinee.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi ka ba malalasing? Magda-drive ka pa, ah?"

Tumawa ako. "Hindi ako nalalasing sa gan'yan. Hindi naman 'to hard liquor, eh."

Ngumuso siya. "So, p'wede bang um-order ako ng isa pa?" Pinakita niya sa akin ang bote ng beer. "Mauubos na rin ang sa akin, eh."

Tumawa ako. "Sigurado ka? Hindi ka naman ba malalasing? Hindi ka sanay uminom, Destinee."

Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman siguro. At ihahatid mo naman ako, 'di ba?"

Tumawa ako bago sinabing dalawang bote na ang o-order-in naming flavored beer. Nagpatuloy kami sa pagkain nang may maalala akong itanong.

"Bakit pala 'yan ang naisip mong isulat? Ang dark lang. Bakit 'yan ang concept na naisip mo?"

Bahagya siyang ngumuso bago tumingin sa kawalan habang hawak ang manok. Ilang segundo siyang natahimik at nag-isip bago nagsalita, wala pa rin sa akin ang tingin.

"Ewan ko." Nagbuntonghininga siya bago tumingin sa akin at ngumiti nang maliit. "Alam mo 'yon? Kompleto naman ako. Buo ang pamilya ko. Pero parang may malaking kulang sa akin. Parang may hinahanap ako na hindi ko naman alam kung ano."

Ibinaba niya ang mga buto ng manok na kinain niya bago pumiraso ng panibago.

"At bigla lang nag-spark yung idea sa akin noon. Basta naisip ko lang, gusto kong magsulat ng story tungkol sa isang taong hinahanap ang kalahati ng buhay niyang nawala."

Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan namin tungkol sa pagsusulat niya ng story na 'yon pati ang ibang scenes na dapat isasali niya pero dahil magmumukhang filler chapters lang, naisip niyang 'wag nang isama. Tutal, hindi naman maganda ang story na humaba lang dahil sa scenes na hindi naman kailangan. Tama naman ang desisyon niya dahil mataas ang nakuha niyang grades nang dahil do'n.

Pinlano na rin naming mag-enroll nang sabay dahil base sa schedule na p-in-ost ng school namin, sabay ulit ang department namin. Naging excited na naman ako nang dahil do'n kasi may dahilan na naman ako para makita siya—para makasama siya.

Nang maubos namin ang iniinom at ang manok sa harap namin, kita ko na ang pagpungay ng mga mata niya. Gusto kong tumawa dahil ang cute niya ngayon pero hindi ko naman magawa dahil baka ma-offend.

"Uwi na tayo?" tanong ko, bahagyang natatawa. "Mukhang inaantok ka."

Tumingin siya sa labas. "Maaga pa naman. At nagpaalam naman ako sa parents ko." Lumingon siya sa akin. "Inaantok nga ako pero ayaw ko pang umuwi."

Tumawa ako. "May gusto ka bang puntahan?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Gusto ko lang umalis. Lubusin ko na, bihira lang naman ako mali-late ng uwi." She laughed. "Alis tayo?"

Tumango ako bago niligpit ang pinagkainan para madaling linisin ng waiter ang table namin. Pagkatapos, nagpunta na kami ng handwashing area para maghugas ng kamay. Pagbalik namin sa table, nagtanong ako sa kan'ya.

"Saan mo gustong pumunta? Pupuntahan natin."

Nagbuntonghininga siya bago ngumiti sa akin.

"Sa amusement park. Gusto kong pumunta sa amusement park."

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now