Napaangat ako ng tingin sa kan'ya nang makita ang isang drumstick ng manok. Ngumiti siya sa akin bago kinuha ang isang pakpak.

"'Wag kang magreklamo. Malasa din naman ang pakpak. Isa rin po sa pinakamasarap na parte ng manok kaya tanggapin mo na yung isang drumstick. Hmm?"

Nang sinimulan na niyang kainin ang pakpak, muling nag-init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili kong isipin na . . . baka nga may nangyaring hindi maganda sa dating Destinee na nakasama ko . . . kaya sinasabi niya na only child siya.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, nagsalita siya.

"Ang lalim ng iniisip mo." Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. "May problema ba?"

Bahagya akong ngumiti bago umiling. "Hindi naman. Stressed lang."

Tumango-tango siya bago kumagat sa hawak na manok. "Bukod sa acads, iniisip mo pa rin ba yung friend mo?" Hindi ako nakasagot. "Iniisip mo ba na sana . . . siya ang kasama mo ngayon dito?"

Napaawang ako ng bibig bago umiling. "Hindi." I sighed. "Hindi ko lang maiwasang isipin na, sa tagal naming hindi nagkita, baka may nangyari nang hindi maganda sa kan'ya."

Bahagya siyang napasimangot dahil do'n. "Hindi ko kayang sabihin na hindi naman siguro. Pero hindi rin naman kasi imposible. Pero sana hindi. Sana maayos lang siya."

Itinuloy ko na lang ang pagkain. Hindi ko magawang sumagot sa kan'ya dahil sobrang nauubusan na ako ng pag-asa na siya nga 'yon . . . na yung kasama ko ngayon ang taong hinahanap ko.

Pero sa bawat salitang binibitiwan niya, wala akong mahimigang pagpapanggap. Hindi ko maramdaman ang pagsisinungaling niya . . . at ramdam ko rin na sa lahat ng gusto kong malaman tungkol sa kan'ya, wala siyang tinatago talaga.

"Now that we're talking about her once again, it makes me curious. What did she do to make you love her that much? What made you love her that much?" she asked while chewing the chicken.

Humigop ako sa iced tea bago kumuha ng panibagong parte ng manok.

"Ewan ko." I laughed. "Hindi ko masagot. Basta noong nakita kong hinahabol siya ng mga estudyante, hindi na ako nagdalawang isip na iwanan ang mga kasama ko para tulungan siyang makatakas. Noong nasa loob kaming dalawa ng photobooth at kurtina lang ang tanging harang namin para makapagtago sa makipot na lugar na 'yon, parang ang dami kong nakita."

Uminom rin siya ng iced tea bago nagsalita. "Tulad ng?"

Bahagya akong ngumiti habang nakatingin sa hawak kong manok. "Yung mata niyang parang walang pakialam sa mundo. Hindi ko masabing emotionless siya o malungkot. Yung mata niya na parang tinatamad o naiinip—'yon ang una kong napansin. Tapos, sa ilalim ng kanang mata niya, may nunal siya."

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. Pinanood ko siyang kumagat sa hawak na manok saka nginuya-nguya ito bago tumingin sa akin. Sa oras na 'yon, nakita ko sa mga mata at nunal niyang nakita ko rin noong panahong 'yon.

"Tapos?"

Napaiwas ako ng tingin bago ipinagpatuloy ang pagkain saka muling nagkwento.

"Pareho kayong may nunal sa kanang mata. Parehong brown na brown din ang mga mata n'yo."

Umawang ang bibig niya bago tumawa. "Ohh, oo nga, 'no? Kaya siguro naisip mo na ako 'yon."

Suminghap ako kasabay ng pag-alala sa sa itsura niya noong panahong 'yon. Kabisado ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Kaya hirap na hirap akong makalimutan siya.

"Matangos ang ilong niyang may kaliitan." Bumaba ang tingin ko sa labi niya. "At yung labi niyang hindi pa nilalagyan ng pangkulay noon, kulay pink na kaagad. Medyo manipis ang labi niya at . . ."

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now