Chapter 36: Rennis versus Jossa

49 0 0
                                    

"He is the Beginning and He is the End. She is the First chosen and she is the God's Last Servant."


TUMAYO mula sa pagkasadsad sa lupa si Jossa. Hinawakan niya nang mahigpit ang kaniyang espada. Sa kaniyang pagtayo pinunasan niya ang labi gamit ang kaniyang kaliwang kamay, para mabura ang dugo na sinuka niya. 

Hindi pa siya nakabawi nang mabilis na namang umatake si Coniton. Oobserbahan niya lang ang mga kilos ng kalaban, kapag mapagod na ito at mawalan ng lakas, siya naman ang aatake. Pero hindi ibig sabihin na magpapatama siya sa mga atake ni Coniton, kailangan niya ‘yong iwasan.

“Lumaban ka, Jossa! Ano?! Hindi mo ba alam kung paano mo gamitin ‘yang kapangyarihan mo?! Ikaw ang may totoong may-ari jiyan, bakit hindi mo man lang magawa?!”

Ilang beses na siyang inatake ni Coniton pero ilag lang siya nang ilag. Kitang-kita na ni Jossa ang paghingal ni Coniton, at ang paghina ng kapangyarihang pinapalabas nito. Isang itim na usok lamang si Coniton, kapag gagamitin niya ang kulay dilaw niyang kapangyarihan, hindi gagana ang apoy sa kalaban.

Kapag naman rosas na kulay, panigurado hindi tatalab ang paglambot ng puso nito, at mas lalong hindi rin gagana ang pula, kung saan ang maghihina ito at mawawalan ng kapangyarihan. Isa lang ang natitira ang puting liwanag na ginamit sa kaniya ni Coniton kanina. 

Humugot ng malalim na hininga si Jossa, at iniwasan muli ang atake ni Coniton. Mababakas na ang inis sa mukha nito, na alam niyang ganoon din ang kaniyang ekspresyon tuwing sa beast mood siya. 

Hindi lang makapaniwala si Jossa na ang kalaban niya’y kamukhang-kamukha niya. Minsan tuloy magdadalawang-isip siya kung aatakihin si Coniton o hindi. 

“Nakakapagod kang kalaban, Coniton. Sinasayang mo lang ang oras ko,” insulto niya rito habang inaayos niya ang kaniyang magulong buhok. “Natatakot akong saktan ang kamukha ko.”

Sa mga oras na ‘yon umusok na ang ilong ni Coniton sa inis. Iyon lang naman ang hinihintay ni Jossa na pagkakataon para mawala ang kalaban sa focus. Kaoag kasi nadala sa sobrang galit ang isang nilalang o kalaban, nawawalan na ng focus at ang tanging iisipin na lamang maglabas ng kapangyarihan para matamaan o matalo ang kalaban. 

Salamat na lang sa mga movies na napanood niya, may ideya siya kung paano makipaglaro sa mga katulad ni Coniton. Pero hindi dapat siya maging kampante, alam niya na malakas pa rin ang kapangyarihan nito. 

Sunod-sunod ang naging atake ni Coniton kay Jossa, at iwas naman siya nang iwas. 

Kitang-kita iyon ng apat at hindi nila maiwasan na mag-alala para sa huling lingkod. 

“Kailangan na ba nating umeksena?” tanong na pabulong ni Genesis sa kasama. 

Umiling si Elias. “Nope, based on my observation, mukhang strategy ni Jossa ‘yan.”

“Huwag na tayong makialam sa kanila, naguguluhan ako kung saan ang tunay na Jossa. Baka magkamali tayo,” tanggi naman ni Roque. 

“I will leave it to you guys, maybe Jossa needs help,” Exodus muttered. 

Before anyone can stop him, he is already running towards Jossa’s position. Halos mapanganga ang tatlo nang mabilis lang hulaan ni Exodus kung sino si Jossa. 

“Hayaan na natin si Exo, tungkulin niya ‘yan. Back-uo lang tayo,” anyaya sa kanila ni Genesis. 

Tumango naman si Elias at Roque, saka binalik ang kanilang atensyon na tatlo sa mga marami pang Evix. Wala yatang pagkaubos ang mga ito at mas lalo lang dumarami. 

“Lady Jossa, leave it to me. Follow Rennis, don’t let him escape this time.”

Napalingon si Jossa kay Exodus nang tumabi ito sa kaniya, at tinulungan siya mula sa pagkakatayo. May mga ilang sugat ang lalaki sa kamay at maging sa paa nito, pero mukhang balewala lang sa isang ‘to. At hindi naman hahayaan ni Jossa na maging pabigay siya sa labanan na ‘to. 

The God's Last ServantOnde histórias criam vida. Descubra agora