Chapter 18: The First Call

74 4 3
                                    

***

"HINDI na ba siya magigising?" tanong ni Genesis sa kaharap niyang si Exodus. Nakatingin lang si Jossa sa dalawa, habang nag-aaway. She didn't believe that these two were close.

But what she witnessed, she will believe perhaps. Hindi alam ni Jossa kung ano ang nangyari sa kaniya, natagpuan niya na lang ang sarili na nagising sa isang napakaliwanag na lugar na walang makitang kahit na ano. Walang katapusan na kaputian na naman ang sumalubong sa kaniya. Akala niya talaga noong una ay nasa Divinity Church pa rin siya pero hindi.

Jossa heard weird voices calling her from behind. Sinundan niya iyon nang sinundan hanggang sa lumagos siya sa isang tunnel at napunta siya sa kulungan na pinanggalingan niya kanina. And there, she saw these two fights because of her. She saw herself lying on the floor with blood. Her chest was open, and her heart was gone. She remembered that creature took it away. She fisted her hand in anger. Dahil sa nilalang namatay siya nang wala sa oras. Hindi niya man lang nagawa ang mga pangarap sa buhay.

And here is Jossa, watching the two idiots in front of her. Kung alam lang nga dalawa na naroroon siya'y  malamang kanina pa ang mga ito nanahimik. But they thought she was not here. Paano ba naman kasi siya makikita? Kanina pa niya sila kinakaltukan pero tumatagos lang ang kaniyang kamay sa dalawa. It's useless.

"She's dead, bro. Jossa is dead. How will she wake up?" Exodus replied in a cold voice. Nakapamulsa siya habang walang emosyon na nakatingin sa kaibigan niyang si Genesis.

"Kailangan natin siyang maitakas dito, habang hindi pa dumarating ang iba. Dalhin na natin siya sa ligtas na lugar. Hindi dapat ito ang nangyari sa kaniya Exu. Alam mo iyan," seryosong saad ni Genesis habang nakatingin sa katawan ni Jossa na wala nang buhay.

Ngayon lang nakita ni Jossa si Genesis na ganito kaseryoso. She is used to his jolly and flexible personality, but when she saw how he reacted because of what had happened to her, somehow she felt guilty. Nakikita niya naman na seryoso talaga ito sa pakikipagkaibigan sa kaniya.

"But the first call is not yet come, Genesis. And we don't know who did this to Jossa. We should find the killer first. I know God Weyah knew already about this," Exodus explained without hearing Genesis complain.

Jossa's forehead creased from what she heard. What is Exodus talking about? And that Weyah, it mentioned that creature earlier! Ano ba talaga ang nangyayari? Hindi niya pwedeng iwan ang dalawang ito, maybe this is the way to know the truth and the answers to her queries! Damn it! She feels like her head is exploding at any minute!

"Dalhin natin siya sa tinutuluyan natin, Exodus. Sigurado magiging ligtas doon si Jossa. Baka may magawa pa si God Weyah sa nangyari sa kaniya. Kailangan pa natin si Jossa. Hindi dapat ito nangyari, dapat nakaabot siya sa unang tawag." Napasabunot pa sa kaniyang buhok si Genesis habang problemadong-problemado ng mga oras na iyon.

At maging si Jossa ay naguguluhan na rin sa sinasabi ng dalawa! These two are making her crazy! Kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isip niya.

"You should report to God Weyah of what had happened. I am responsible for Jossa," Exodus calmly replied to his friend.

Napailing na lang si Jossa. Ang kalmado pa rin ni Exodus kahit silang dalawa ni Genesis ay namomroblema na!

"Exodus, ang usapan natin." Huling bilin ni Genesis, bago itp biglang naging puting maliit na ilaw at lumipad papalabas!

Jossa's jaw dropped at what she saw! What is that?! Totoo ba ang nakita niya? Bakit naging ganoon si Genesis? Ano siya?!

Napatingin siya kay Exodus na nakatingin sa  kaniyang katawan. Hindi man lang ito nagulat sa kung ano ang nangyari kay Genesis. So he probably knows about it! Or, maybe Exodus is like his friend too?!

The God's Last ServantWhere stories live. Discover now