Chapter 5: Program

142 11 3
                                    

This chapter is dedicated to Ate Lena Lena0209.


***

HINDI na maalala ni Jossa kung saan nagsimula ang lahat, kung paano nagbago ang araw niya simula noong mawala ang dati niyang mga kaklase.

 The nuns are curious about her ability; they are always asking her if she did that thing with her former classmates. Isa raw hindi maipaliwanag na kakayahan ang mayroon siya. Kalat na kalat na nga sa buong campus ang tungkol sa ginawa niya at sa nangyari. Kaya hindi na siya magtataka kung paano nalaman ng mga bago niyang kaklase ang tungkol doon. 

It's been a month, pero sariwang-sariwa pa rin sa kaniya ang mga nangyari. Parang ang bilis ng mga araw at ng oras, hindi niya nga inaasahan na makakaya niya ang isang buwan na nanatili rito. 

Imagine? Jossa is here with the four corners of the Divinity College. Hindi man lang sila binigyan ng isang pagkakataon na makalabas man lang nang makapagliwaliw. 

She is sick of their rules. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang mayroon dito sa Divinity College, marami siyang  nasaksihan na kababalaghan. 

Ang una, nakita niya si Siter Eva na baliktad ang cross kung magdasal. Pangalawa, iyong pagtingin sa kanila ng mga madre kapag sumapit ang alas dose. Pangatlo, ang hindi ng mga ito pagpayag na makalabas sila ng campus kahit gusting-gusto na niyang nang lumabas, nakakasawa na kaya ang mga nakikita niya rito! Puro puti ba naman! At ang panghuli, ang kanilang mga rules na labag sa kaniyang loob. 

Ilang araw na ring kinukulit ni Jossa sina Elias at Roque na itakas na lang nila siya, pero hindi sila pumapayag. Palibhasa kasi,mas naiisip ng nga ito ang kanilang kapakanan. Mga hindi tapat na bodyguards. Kung sabagay, kung buhay nila ang nakataya dahil sa last will, baka ganoon din ang gagawin niya. 

Kung bwisit na siya sa araw na 'yon, nadagdagan pa nang matanaw niya si Genesis sa hindi kalayuan. Ang laki na naman ng ngiti nito nang makita siya. 

This guy! He is an ass! How many times does she need to tell him that she wants a peaceful environment? Kahit sana ibigay nito iyon sa kaniya ng isang buwan, o kaya ay habang-buhay na. Pero sadya talagang ang kapal ng mukha nito at hindi man lang makaramdam. O, kaya baka, hindi talaga iyo makaintindi ng ibig niyang sabihin?

Akma na sanang tatayo si Jossa nang isigaw ni Genesis nang malakas ang pangalan niya. All of the students in the cafeteria were looking at her at that time. This Genesis, he is losing her patience! Napapikit na lang siya nang mariin saka ngumiti ng hilaw sa mga tumingin habang papaalis na ng cafeteria. 

Alam niya na ilag sa kaniya ang lahat dahil sa nangyari. Pero ang hindi niya maintindihan, kung bakit lapit nang lapit si Genesis sa kaniya? Hindi ba ito natatakot sa maari niyan gawin? Tanga rin yata ang isang 'to, e. Naghahanap yata ng sample. 

Sinundan siya ni Genesis nang paliko na siya papunta sa CTE building. "Sandali, Jossa!"

Hindi niya ito pinakinggan. Nagbibingi-bingihan siya, baka sakali na maramdaman nito at ma-realized na naiinis na talaga siya. Ilang araw niya na rin itong hindi pinapansin at iniiwasan. 

"Hey, Jossa! Wait!" Genesis shouted behind her back. Because of his long legs, it is easy for him to reach her. Kaya naman, agad nitong hinawakan ang kaniyang braso. 

Agad na lumingon si Jossa at binawi ang braso sa lalaki. Sumalubong ang kaniyang kilay. "Problema mo ba, ha? Will you stop following me? Hindi ka na nakakatuwa! You are creeping me out!"

Oo, alam niya. wala namang masama na ginagawa sa kaniya su Genesis, alam niya na nakikipagkaibigan lang ito. But she don't know what his real reason behind his shit. Alam niyang may gusto lang itong patunayan tungkol sa bagay, o gustong malaman sa kakayahan niya dahil sa kwentong kumalat sa buong campus. But Jossa will not let him know about it. Kahit anong kulit nito, hindi siya magwi-wish. Mamuti ang mata nito sa kahihintay!

The God's Last ServantWhere stories live. Discover now