Chapter 12: Father's Bloody Threat

86 5 0
                                    

***

ANG higpit ng hawak ng kung sino sa kaniyang pulso habang nagtatakbo sila sa pasilyo ng Divinity Church. Jossa's fellow students were screaming in pain, like there's something that hurt them in the dark. Rumagasa ang takot sa puso niya, na siyang dahilan para manlamig siya sa maaring mangyari sa susunod na minuto o oras. Kung sino man ang may hawak sa kaniya ngayon, panghahawakan na niya ang posibilidad na maliligtas siya nito! What is really happening? 

Hindi naman siguro siya nanaginip na naman? Hindi naman siguro ulit siya mawawalan ng malay at parang wala na naman na nangyari paggising niya? Sana ganun na lang ang mangyari pero mukhang hindi.

Sobrang dilim ng paligid. Para silang nilamon ng makapal na usok para hindi nila makita ang buong paligid ng hall. Nagkakagulo na sa loob, nagtatakbuhan, nagsisigaw sa takot at ang iba ay nagsisigaw para humingi ng tulong. They don't know what is happening, para silang nasa gitna ng isang napakadilim na butas at walang magawa kundi ang magtatakbo makatakaw lamang mula sa hindi nila alam kung ano ang tinatakbuhan. 

Ito ba ang gusto na mangyari sa kaniya ni Mr. Archeda? Alam ba ito nina Roque at Elias? If yes, then maybe, that is the reason why they left her here alone. Kapag talaga makalabas siya rito ng buhay, siya mismo ang sisingil sa kanilang buhay!

"Help! Help! Help! Please!" isang sigaw mula sa bandang kanan ni Jossa ang umagaw sa kaniyang atensyon. 

Naramdaman niya na parang may kung anong emosyon na bumabangon sa kaloob-looban niya, na gustong tulungan ang babaeng humihingi ng tulong. She is torn between the choice of; if she will help her or she will ignore her and run away with the person holding her wrist? 

Napapikit si Jossa nang mariin saka mas pinili na hindi iyon pansinin. Mas importante ang buhay niya kahit kanino, tanging sarili lang ang kamaramay niya. She needs to survive. Hindi niya pa alam kung sino at saan siya nagmula. Kailangan niya muna iyong malaman. Kaya hindi pa siya dapat mamatay, as long as she could save herself, she will avoid danger.

"Tulungan niyo kami!"

"Tulong!"

"Help!"

"Sister. Help us please!"

Hanggang sa tumunog nang napakalakas ang kampana na siyang sumabay sa sigawan ng mga estudyante. Humihingi sila ng pag-asa na makaligtas sa kung ano ang nangyayari. Jossa wanted to cry the frustration that she felt. She doesn't know why, but she is hurting inside while hearing their screams and sobs. Mas lalong lumakas nang lumakas ang pagtunog ng kampana, dahilan para masapawan ang sigaw ng mga estudyante. 

Jossa was hiding in the corner of the hall behind the back of the person who saved her. Nanginginig ang kamay niya habang mahigpit ang kapit sa damit nito. Noong oras niya lang inaasam na sana panaginip na lang ang lahat. 

Nabibingi pa rin siya sa iyakan at sigaw ng lahat. Hanggang sa unti-unti iyong humina hanggang sa nawala. Hindi nila makita dahil madilim. She is curious about what is happening. 

Unti-unting nawala ang makapal na usok sa paligid. Sa ilang minuto lang nangyari ang lahat. Pero maraming nawalan ng buhay. Jossa immediately vomited when she saw her fellow students lying on the floor.

Her jaw dropped while trembling. . . she couldn't utter any words; she was so shocked. 

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya, habang nanghihina na napasandig sa pader. Parang naririnig niya pa rin ang iyakan at sigawan nilang lahat. Bumabalik kung paano nagsimula ang lahat at nauwi sa ganitong sitwasyon. 

The God's Last ServantWhere stories live. Discover now