Chapter 25: Elias and Roque

72 5 0
                                    



LIGHT and darkness. Iyon ang tumatak sa isipan ni Jossa matapos mabasa ang unang kabanata sa Genesis. Ang pinagmulan ng lahat, nasusulat doon kung paano nilikha ng Diyos ang mundo, at ang tao. Kung paano sina Adan at Eva nagkasala dahil sa pagkain ng ipinagbabawal na prutas. Kung hindi dahil sa ahas na iyon, wala sanang kaparusahan, hindi sana nalaman ng tao kung ano ang tama at mali.

Pero sa pagkakaunawa niya'y sa simula pa lang nakatalaga na ang lahat, hanggang sa kasalukuyan. God created balance in this world, there's light and darkness, there's a sea and land, there's limitations and there is not, there are humans who sinned and are holy.

Nakarinig siya ng katok mula sa pinto. Iniwan niyang nakabukas ang holy bible sa kung saan siya natapos. Ipagpapatuloy niya mamaya.

Jossa stood up and walked toward the door. She opened it. Elias and Roque greeted her with a wide smile on their faces. Hindi niya alam kung bakit ngumiti siya sa mga ito pabalik. Pakiramdam niya, ang gaan lang ng loob niya sa lahat.

"Time for your lunch, Lady Jossa," Elias said while scratching on the back of his neck.

"You shy, Elias?" she asked him without breaking eye contact. "Marami pa kayong ipapaliwanag sa akin kaya sabayan niyo ko."

Lumabas siya ng silid. Hinintay niya ang mga ito maglakad dahil hindi niya pa alam ang pasikot-sikot ng sacred hall cave na iyon. Elias and Roque lead the way, and she followed them.

Kung ano ang dinaanan kanina nang kasama niyang sina Genesis at Exodus, doon din sila dumaan. Pero hindi na sila bumalik sa hall, kundi lumiko sila sa bandang kanan. Ang ilaw sa loob ng kweba ay nakasabit sa bawat gilid ng daanan, kaya hindi mahirap makita ang buong paligid.

Nang marating nila ang dulo ng lagusan, sumalubong kay Jossa ang malawak na kusina. May dalawang malaking mesa roon at dalawang na mahabang upuan na gawa sa kahoy. This was so vintage and gave her the feels that she was really in an apocalyptic world.

Marami na mga taong kumakain. Ngumiti ang lahat sa kanila at maraming nagyaya. Hinila siya ni Elias at pinaupo sa dulo. Roque got food tray and went to the one who assigned to give food.

"Ilang taon na kayong narito? Why don't I even know this place?" she asked Elias when they left alone.

Jossa scanned her eyes over the place. This gives her chill vibes, but she knows outside of this cave. World is not calm, but dangerous to live in.

"Nineteen years, I guessed. Simula noong maghasik ng lagim ang mga kasamaan. Noong maitakas ka mula sa kanila, itinayo ito ng ilang mga taong natirang naging matapat sa Diyos," paliwanag nito na mas nagpagulo sa kaniya.

"You mean, when I was born, this place was born too?"

Elias nodded. "Yes. We are prepared that day. Ginawa namin ang lahat para mabuhay ka, at mailigtas mula sa nakakaalam ng propesiya. Winala nila ang mga bibliya, maging ang mga paniniwala ng tao sa nag-iisang Diyos. Nagtayo sila ng mga simbahan na ang tanging diyos nila ang dapat sambahin. They also manipulated the mind of humans, Jossa. Isa na ang Divinity College na pinasukan mo. Pero may iilan na simbahang natitira na sumasamba sa totoong Diyos. Yun nga lang tago, tulad sa ating kinaroroonan ngayon."

Jossa shook her head because she didn't believe that thing. Nabuhay siya sa loob ng labing siyam na taon, pero hindi niya man lang napansin ang lahat. Maybe because she didn't leave the house and no one explained things to her.

The God's Last ServantWhere stories live. Discover now