Chapter 20: The painful past

60 3 0
                                    

***

MABILIS na pumalit ang lugar bago pa malaman ni Jossa kung ano ang sunod na nangyari. She saw that woman and the guy earlier together with the dog running away inside the forest.

There's something trying to hunt them. Maliwanag ang buwan, pero hindi iyon naging sapat para hindi makita ng mag-ina ang daan. Knowing that Vicsa is blind. Mukhang mahirap nga talaga ang sitwasyon nila. Jossa want to help them, pero hindi naman pwede.

Naroon lang siya para panoorin kung ano ang nangyari sa nakaraan. Kanina niya lang napagtanto ang lahat, siya ang sanggol na iyon, si Vicsa ang kaniyang totoong ina at si Sapor naman ang kaniyang totoong ama. And the guy named Elore is her oldest brother.

Magkamukhang-magkamukha sila ng kilala niya, pero baka namamalikmata lang siya.

Kita niya kung paano naghiwalay ang mag-ina. Umiiyak si Vicsa habang binibigay ang basket kung saan siya kay Gabay. Ramdam niya ang bigat sa mga sandaling iyon, mahirap man paniwalaan pero mukha siyang nasasaktan sa mga nakikita. She doesn't want to watch them, saying goodbye to each other and making their ways separated just to save her.

Sino ba siya? Sino ba ang mga humahabol sa kaniya? Bakit gusto siya patayin?

Sinundan niya si Gabay. Kung ganoon ang aso pala ang katuwang niya sa mga oras na nasa bingit siya ng kamatayan. But how did this dog know about? Isa lang itong aso, or baka tulad din ito nila Exodus at Genesis na may kapangyarihan? Isa rin ba itong anghel?

Ginawa lahat ni Gabay para lamang hindi siya mahabol ng mga nilalang. Mabilis siyang tumakbo habang gumagawa siya ng isang pabilog na ilaw at pinaloob niya ang sanggol doon. Mukha isa iyong barrier laban sa mga kapangyarihan ng humahabol na mga nilalang sa kanila.

Jossa saw them, the opponent. Mukha silang mga anino na may dalang mga espada. Wala silang mukha pero may katawang tulad ng mga tao, hindi sila matablan ng kahit na ano. Marami sila, at hindi niya mabilang sa sobrang dami.

Maski siya ay nakitakbo rin kasabay si Gabay na walang kaalam-alam na nasa tabi na nila siya. Natatakot siya na baka makita siya ng mga humahabol sa kaniya at baka mapatay rin siya ng mga ito. Sinilip niya ang bata sa loob ng ilaw na pabilog, she is sleeping peacefully. Mukhang walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid. Habang tinitingnan niya ito, parang may kung anong bumalot sa kaniyang mahiwaga. Sa isang iglap, may munting butil ng maalat-alat at mainit-init na tubig sa kaniyang pisngi.

"You must survive little, Jossa. Para hindi masayang ang pagbubuwis ng mga magulang mo sa kanilang buhay para iligtas ka lang," Jossa whispered, making the little Jossa opened her eyes.

Agad na nanlaki ang mga mata niya sabay punas sa kaniyang luha. Shit! Baka nakita siya nito, o baka ano ang mangyari kapag narinig pala siya ng bata?

Pero hindi iyon ang nangyari. Little Jossa made a roaring sound while crying heavily. Rinig na rinig iyon sa buong gubat, mukha itong nakalulon ng megaphone. Kung ganoon, malakas na pala ang boses niya dati pa lang. Maski si Gabay ay napatigil sa pagtakbo at tiningnan ang sanggol na lumilipad sa ere. Umalulong si Gabay na sinasabayan ang iyak ni little Jossa, nang hindi niya na matiis, napatakip na siya sa kaniyang tainga.

Hinintay ni Jossa kung ano ang susunod na mangyari, umuuga ang lupa na ikinalaki ng mga mata niya. Dumagundong pa lalo ang malakas na kulog sa langit, tela mas nagalit sa narinig na iyak ng isang sanggol. At ang kidlat ay bumaba sa lupa at gumapang iyon papunta sa mga nilalang na humahabol kina little Jossa!

Tila namamalikmata si Jossa nang nahulog ang mga nilalang sa nabiyak na lupa. Napatingin siya kay Gabay nang magsimula ulit itong tumakabo kasabay si little Jossa na patuloy pa rin ang pag-iyak. Hindi niya inaasahan na may kakayahan na ganoon si little Jossa.  May ganoon din ba siyang kapangyarihan? O, sadyang tinulungan lang sila ng kung sino ang nasa taas? Possible bang anak iyon ni Weyah?

Sa gitna ng kaniyang pagtakbo, unti-unti na namang pumalit ang lugar. Ang kaninang kagubatan na tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw, ang nagagalit na langit; napalitan ng maingay na bosena ng mga sasakyan. Tumingin siya sa paligid, mukhang nasa isang siyudad na si Jossa. Nabaling ang kaniyang atensyon sa papatawid na aso– si Gabay.

Agad niyang sinundan ito. Pumasok ito sa loob ng gate ng isang malaking simbahan. Nakita niya na sinalubong kay Gabay ang isang may edad nang babae. Pumasok ang mga ito sa loob ng kumbento, isa pang silid ang dinaanan nila hanggang sa marating na nila ang destinasyon. Pumasok siya sa loob para makita kung ano ang gagawin nila Gabay at no'ng matanda. Umaasa rin siya na baka naroon din si little Jossa, nakaligtas kaya siya noong gabing iyon?

Napairap na lang siya sa kawalan. Malamang, Jossa. Umabot ka nga sa edad mo na ganito kung hindi, 'di ba? Minsan naiinis din siya sa kung ano ang sinasabi ng isip ko, e, masakit kung magsalita.

Natanaw niya ang isang batang babae na nakaupo sa isang upuan habang nakatanaw sa labas ng bintana, malayo ang tingin nito habang ang lungkot ng mukha. Mukhang napansin nito ang pagdating ng mga kasama kaya agad itong tumayo at sinalubong ang mga ito.

"Gabay! Nagbalik ka, hinanap kita kung saan," sabi ng batang babae, habang nangingilid ang luha sa maliit nito at bilugang pisngi. Iyon marahil ang ikinalungkot nito, hinihintay ang aso.

"Nakita ko siya sa loob na ng gate, Jossa. baka may pinuntahan lang siya at bumalik din. Huwag ka nang umiyak at malungkot, huh? Nariyan na si Gabay. O siya, magluluto na muna ako at maglaro na muna kayong dalawa. Huwag lalabas ng simbahan, Jossa," sabi at bilin ng matanda.

Tiningnan ni Jossa nang mabuti ang matandang babae. Medyo kulubot na ang balat niyo. Nakasaya ito ng kulay puti at kulot ang maikling buhok na hanggang ibabaw ng balikat. Wala naman itong talukbong sa ulo, ibig sabihin hindi ito madre. Kung ganoon ano ito rito sa simbahan? Katiwala ba o katulong? Ano ang koneksyon nito sa kaniya at kay Gabay?

Sinundan niya ito hanggang sa kusina. Pinagmasdan niya nang maigi ang matanda, pilit inaalala kung baka nakita niya na ito noon. Pero kahit anong alala niya ay wala siyang matandaan. Bagong mukha.

Kainis naman iyong anak ni Weyah! Pinapaalala na nga sa kaniya ang lahat, putol-putol pa! Paano niya malalaman niyan ang buong katotohanan kung kulang naman?

Hinatak na naman siya ng isang malakas na enerhiya. Agad na pumalit ang paligid. Sumalubong kay Jossas ang malawak na kapatagan, lumingon siya sa likuran at nasa likod siya ng simbahan. Maliwanag ang buwan, tahimik at wala siyang ibang makita kundi ang madilim na masukal na gubat sa unahan.

Jossa walked slowly toward the church, the silence give shiver to her bones and entire system. Pakiramdam niya kahit anong oras may bigla na lamang lilitaw roon na anong nilalang at sasakmalin siya sa leeg, tapos hihilahin siya papunta sa madilim at masukal na kagubatan sa unahan.

Ngunit napatigil siya sa paglalakad nang matanaw niya si Gabay at ang batang si Jossa na tumatakbo papunta sa kinaroroonan niya. Kasunod nila ang matandang babae kanina. Tumingin siya sa kanilang likuran at nakita niya na naman ang mga nilalang na humahabol sa mga ito—ang mga may katawan kaso walang mukha at may dalang mga espada.

Sila lang ba ang nakakikita sa kanila? O, nakikita rin ito ng iba pang mga tao? Ngunit ang gabi ay tahimik, walang ibang tao na lumabas, o magtangka man lang na tumulong kina Gabay. Ibig sabihin tanging sila lamang ang nakakikita sa mga nilalang at matatablan ng mga kapangyarihan.

"Gabay! Mauna na kayo! Ikaw na ang bahala kay Jossa! kailangan niyang makaligtas, siya lamang ang makatatalo sa mga kalaban ng Poong Maykapal! Ako na ang bahala sa kanila pansamantalang pumigil! Dalhin mo siya sa ligtas na lugar!" biglang sigaw ng matandang babae, habang malungkot na ngumiti kay Gabay at sa batang si Jossa.

Kita ni Jossa kung paano pumiglas ang batang si Jossa mula sa mga taling umiilaw na nakakonekta sa mga pangil ni Gabay, pero kahit ano ang gawin niya ay malakas iyon at hindi napuputol. Sigaw nang sigaw ang batang si Jossa habang nakatingin sa matandang babae na nakipaglaban na sa mga nilalang na walang mukha—ang mga no faces.

Si Jossa ang naiwan, at kitang-kita niya kung paano saksakin ng isang nilalang ang matandang babae gamit ang hawak nitong espada.

The God's Last ServantWhere stories live. Discover now