Chapter 28: Rennis' Plan

38 1 1
                                    


What will you choose between evil and God? Do your beliefs and faith really matter?”

SMOKE coming from the ground of a place where everything were sea of fire. The souls of the sinners were filled the whole Hellsin. Red eyes and horns were found in the darkness. They’re a sinners, their souls were hungry of blood and holy spirits.

They are made to end human existence and to eliminate their mortal enemy– the powerful God. That place called Hellsin; a place where you can’t escape, you can’t bear, you can’t make even a single tears and no one can save you from no endless and multiple deaths.

Nakakapanindig  balahibo.
Nakakasuka. 
Nakakabaliw. 
Nakakatakot.
Nakasisindak. 

Evix. Wingx. Exars. Seers. They’re all there at Hellsin. Where those sinners were punished endlessly. 

Ang Hellsin na pinamumunuan ni Rennis– ang siyang diyos ng impyerno, na siyang nagpakalat ng mga iba’t ibang kasamaan sa mundo ng mga tao. Mahaba ang kaniyang dalawang sungay na magkabilaan. May mga matang umaapoy, at nagbabagang katawan at gawa sa itim na usok ang kaniyang cloak na suot. Isang tingin pa lang sa kaniya’y nagkabaliktad sikmura’t nakatatayo ng balahibo. 

Sa kagustuhan na maghari sa buong sanlibutan at alipinin ang mga taong naniniwala sa Banal na Diyos, at sa mga walang pinaniniwalaan. At iisa lang ang paraan para maisakatuparan niya ang hangaring iyon, ang mapasanib niya si Jossa sa kaniyang pamumuno. 

He can’t forget how he work hard for this day to come. Tandang-tanda niya pa kung paano siya talikdan at ipatapon ng Banal na Diyos sa kalangitan, at ikulong sa Hellsin. Ginawa niya ang lahat para mas maging katulad ang Banal na Diyos, ngayong kumpiyansa na siya sa sariling kakayahan. Ipapatikim niya sa mga tao– na siyang pinakamamahal ng Banal na Diyos– ang lupit ng kaniyang mga matang nag-aapoy sa galit. 

Matagal ang panahon na ginugol para maabot ang pagkakataong ‘to. Malapit na rin niyang masakop ang sanlibutan, at ngayong nasa teritoryo niya pa si Jossa, sigurado na ang kaniyang tagumpay. 

Nararamdaman niya ang enerhiya ni Coniton na papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Kamukhang-kamukha ito ni Jossa. 

Agad na yumuko si Coniton bilang paggalang sa kanilang kinikilalang diyos, nang makarating sa harap ni Rennis. “Pagbati, diyos Tulad ng iyong utos, nakulong ko na ang apat na kasama ni Jossa. Sinisigurado kong hindi sila makatatakas sa kulungang ginawa ko.”

Humalakhak nang pagkalakas-lakas si Rennis na siyang pumuno sa buong Hellsin. Natigil ang ilan sa mga alagad niya’t naghumiyaw sa tagumpay ng kanilang unang hakbang. 

“Mabuti! Siguradong wala nang makakukuha sa akin kay Jossa. Siya ang magiging susi para magtagumpay ako sa pagsakop ng sanlibutan.” Bumaling si Rennis kay Coniton. Pinakatitigan niya ito at umiling-iling. “Maari ka nang magpalit sa iyong totoong anyo. Bumalik ka sa apat at siguraduhin na hindi sila makatakas.”

“Hindi kaya magagalit ang kalaban niyo (Banal na Diyos) dahil kinuha natin si Jossa?” 

Hindi napigilan ni Rennis ang makaramdam ng pag-apoy ng kaniyang galit, nang marinig ang sinabi ni Coniton. “Kinuha niya ang dapat sa akin! Kaya kukunin ko rin kung ano ang kaniya! Kumilos ka na at bantayan ang apat na tauhan ni Weyah!”

Yumuko muli si Coniton at nagpaalam na kay Rennis. Tumungo ang tingin niya kay Jossa na walang malay sa mga oras na ‘yon. Isang malawak na ngiti ang umukit sa kaniyang nagbabagang mukha. 

“Gigisingin na kita mamaya. Kailangan na nating gumawa ng hakbang kung paano talunin ang ating kalaban.”

 Nakalutang sa ere si Jossa  pinalilibutan ng bilog na apoy. Sinuman ang magtangkang lumapit at iligtas siya, walang makalalapit at nakawawasak no’n, maliban kung may isang napakalakas na kapangyarihan ang sisira, at kung pakawalan siya ni Rennis. 

The God's Last ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon