Chapter 31: Fight Off

37 1 0
                                    

“Despite suffering, a hope in the heart will always be cherished.”

SIKATAN ang tingin na namayani kina Jossa at Exodus, pero hindi binababa ng lalaki ang kaniyang espada na nakatutok sa leeg ni Jossa. any minute, they didn’t know that this lady will kill them in an instant. Baka isa na naman ito sa tauhan ni Rennis para sila ay linlangin, nang malaman ulit ang kanilang susunod na plano. 

Ngumisi si Jossa at tinabig ang kamay ni Exodus. Kahit kailan talaga hindi nagbabago ang lalaki at talagang matapang pa rin. Akalain pa naman at pinagdudahan nito ang pagkatao niya. Hindi naman nakakilos si Exodus at sinundan ng tingin si Jossa na naglakad at pinagmasdan ang buong silid kung saan sila naroroon. Hindi nila mabasa kung ano ang binabalak nitong gawin, walang ekspresyon ang mukha ng babae at blanko lamang iyon. Kaya’t mahirap kung pagkatiwalaan ba nila ito o isa na namang huwad. 

“Kahit kailan talaga, Exodus, padalos-dalos ka sa pagbibintang. Hindi ba? Palagi mong nababasa ang nasa isip ko, hindi ka kailanman nagkamali. But why now, you’re so hesitant if you will believe me or not?” baling ni Jossa rito matapos pagmasdan ang buong paligid. 

Tama nga ang mga nakita niya noong nasa Hellsin siya. Sobrang malaki na ang nagbago sa mundo, at hindi na ‘yon maayos pa. Pero hindi pa huli ang lahat na iligtas ang mga tao mula sa mga alagad ni Rennis. 

Nakatingin lang sa kaniya sina Elias, Roque, at Genesis, takang-taka at mukhang hindi makapaniwala. “Hindi pa naman huli ang lahat. We have still time to save people from Rennis. I will kill that bastard.”

“Ikaw na nga si Jossa!” sigaw bigla ni Genesis na halos maiyak na nang makilala ang babae. 

Nakilala niya kasi si Jossa sa pagiging mainitin ang ulo at sarkastiko kung magsalita, hard-headed at matapang. Lalapit n asana si Genesis kay Jossa para yakapin ang babae nang bigla siyang pigilan ni Roque. “Kailangan na muna natin siguraduhin.”

“We can ask a question. Baka sa pamamagitan no’n malaman natin kung siya nga talaga si Jossa,” suhestyon naman ni Elias. 

Tumango si Jossa. tiningnan niya ang espada at tinawag si Gabay. Nag-anyong aso iyon at mabilis na tumahol sa kanilang apat. “Bilisan niyo ang pagtatanong. We have no time for that. May naririnig akong iyakan sa hindi kalayuan at kailangan na nila ng tulong.”

“Kung ikaw nga si Jossa, ano mo kami noon sa buhay mo?” tanong ni Roque. 

Tiningnan ni Jossa sina Elias at Roque saka napairap ang kaniyang mga mata. “You two are my bodyguards. Inutusan kayo ni Mr. Archeda na bantayan ako at papasukin sa Divinity College.”

Napa-apir ang dalawa nang tama si Jossa sa sinagot. 

“Ako naman!” biglang singit ni Genesis. “Ano ang pinaka-memorable na nangyari sa ‘yo noong kasama mo ako?”

Tatlong masamang tingin ang binigay kay Genesis ng mga kasama. Napataas siya ng kaniyang mga kamay sa ere. Pero iyon na talaga ang tanong niya at hindi ‘yon babaguhin. 

“There’s nothing, Genesis. Puro kaingayan mo lang at kakulitan ang sumisira sa araw ko,” tapat naman na sagot ni Jossa. 

Tuluyan nang niyakap ni Genesis si Jossa. “Ikaw na nga si Jossa!”

“Ikaw, Exodus, wala ka bang itatanong kay Jossa?” tanong naman ni Elias sa lalaki. 

Tiningnan niya lang ng masama ang kasama at hindi ito pinansin. Tiningnan niya lang si Jossa at naglakad na para lumabas ng silid at nilampasan ang babae. 

“Ganyan talaga ‘yan, hayaan niyo na,” turan naman ni Jossa at sumunod na kay Exodus. 

“It’s time to eliminate those evils!” sigaw ni Elias na siyang pumuno sa buong silid na pinagkulungan sa kanila. 

The God's Last ServantWhere stories live. Discover now