Chapter 10: Exodus kind Words

95 6 0
                                    

***

NANATILI si Jossa na nakaupo sa sahig. She is afraid to stand up for thinking that someone is inside the room. Nakilala niya lang ang boses ng lalaki, pero natatakot pa rin siya na baka hindi ang taong nasa isip niya iyon at maaaring ang nilalang na iyon na may pulang mga mata pala ang sumalubong sa kaniya. Napa-atras si Jossa saka dahan-dahan na kinapa ang kama. Kailangan niyang maging matapang at hindi panghinaan ng loob, she need to be fierce. Iyon ang tanging susi para mawala ang kabog sa kaniyang dibdib.

She opened her eyes, ready for what was waiting in front of her. Pero ganoon na lamang ang pagiging kalmado niya nang makita kung sino ang nasa harapan. Seryoso itong nakatingin sa kaniya habang nakapamulsa. Nakabukas pa ang tatlong butones ng suot nitong long sleeve na puti, reason why his broad chest is screaming. Nakaputi rin ito ng sapatos at saka slacks, mas bagay sa lalaki dahil sa kaputian nito. Nagmukhang malinis itong tingnan.

"What are you doing here?" Jossa asked him, without breaking eye contact. Ito lang yata ang matapang niyang sinalubong ang tingin.

Napahawak si Exodus sa baba nito saka napangisi nang nakakaasar. "Ahm, Genesis?"

Nagsalubong ang mga kilay niya sa kaniyang narinig. Talaga ba naman ang Genesis na iyon, hindi talaga nakikinig sa kaniya. Pinaalis niya na nga si Genesis dahil gusto niya, siya lang mag-isa at nang makapag-isip  nang mabuti sa mga hakbang niyang gagawin. Umalis na nga si Genesis pero pinapalit naman nito si Exodus.

"Close ba kayo para sundin mo siya?" mataray na tanong ni Jossa habang nakataas ang kaliwang kilay.

Tumawa si Exodus, tila natutuwa sa inis na siyang ebedensya sa mukha ni Jossa. "Let's say, we are best friends. And from now on, I am one of your classmates."

Mas tinaas niya lang ang kaniyang kilau sa sinabi nito. So? Jossa doesn't care if he is one of her classmates. She cares about her safety here; she needs to escape as soon as possible. Baka mamaya kapag mas tumagal pa siya rito sa Divinity Church ay mabaliw na siya sa kung anu-ano ang nakikita. Pero bago iyon, kailangan niya munang malaman ang rason kung bakit siya naririto.

"I want to be alone. Get out," she said while pointing to the door behind Exodus.

But Exodus doesn't care about what she said. "Genesis is right. You are that fierce, but I am not afraid of you."

Hindi na si Jossa nagtaka kung pag-usapan man siya ng dalawa. Maari rin na nakarating dito  ang tungkol sa nangyari sa mga kaklase niya noon. Napa-ismid siya habang sinusubukan ang tingin ni Exodus. "You want me to wish right now?"

Exodus crossed his arms, waiting for her to do what she said. "Go on, I am not afraid."

Gosh! This guy is getting in her nerves! Akala niya si Genesis lang ang magiging problema, pero mukhang hindi! Pati ang isang ito, no wonder why they are bestfriend! Pareho ang mga ito na nakakainis at hindi marunong makiramdam sa gusto niyang gawin.

"See? You didn't. Stop acting that you can all alone, Lady Jossa. No man is an island," he said while still smirking.

If Genesis is afraid of her because of what she said to him, this Exodus wants her to provoke. Gustong-gusto nitong ipamukha sa kaniya na mali ang ginagawa niya. But Jossa doesn't want to lose.

"Magpapahinga pa ako. Umalis ka na, okay lang ako. Huwag mo nang abalahin ang sarili mo," pagtataboy niya kay Exodus 'di na pinakinggan ang kung anong sinabi nito.

The God's Last ServantWhere stories live. Discover now