Chapter 4: Genesis

143 12 2
                                    

***

NATAGPUAN na lamang ni  Jossa ang sarili sa loob ng isang guidance office, at ang mga kaklase niya na dumudugo pa rin hanggang sa oras na ‘yon ang kanilang mga gilagid. Kaya panay ang kanilang paglabas-masok sa banyo. Masama naman ang tingin na ibinibigay ni Sister Gina na siyang guidance counselor ng Divinity College, kay Jossa. 

Kanina pa ito pinakatitigan si Jossa nang maigi, habang si Jossa, deadma lang. Walanaman kasi siyang kasalanan sa kung ano ang nangyari sa mga kaklase niya! Malay babiya na magkatotoo iyong banta niya sa kanila!

Nakahalukipkip si Jossa habang inaalala kung paano siya napunta sa nakakapanggipit na silid na ito. 

Kakarating lang ni Jossa sa classroom at laking gulat niya nang makita ang mga kaklaseng umiiyak habang nagsusumbong kay Sister Helen– na siyang teacher nil sa first class. Kitang-kita niya kung paano magpalitan na pumasok sa banyo ang mga itong lahat habang dumudugo ang bunganga. 

Jossa’s forehead creased at what she saw. She was about to sit when Ericka suddenly approached and slapped her hard in the face. Kita mong babae ito, ang sama talaga ng ugali. She slapped Ericka's face too. Akala siguro nito, ito lang marunong manampal? Kaya niya rin!

Mas lalong umiyak si Ericka nang maramdaman ang sakit ng pagkasampal sa kaniya ni Jossa, idagdag pa na wala siyang ngipin. Kaya pala hindi sila makapagsalita at tahimik kanina nang nasa corridor pa lang papunta ng room.

"That's enough!" sigaw bigla ni Sister Helen kaya napataas si Jossa ng kilay. 

She knows Sister Helen  will be at the side of her classmates. Wala namang bago roon, lahat naman yata sila na narito ay kinokonsente ang kung anomang ugali ang may roon sila Ericka. 

Rinig na rinig niya ang sinasabi kanina ni Siter Helen na gagawin nito ang lahat para pagbayaran niya ang kasalanang ginawa. Wow! Wala nga siyang ginagawa, e. Wala siyang kinalaman sa kung ano ang nangyari sa mga kaklase niya. Nag-wish lang naman siya kahapon. 

Lumapit si Sister Helen habang seryoso ang mukha. Alam ni Jossa na naiinis ito sa kaniya. Hindi naman nito na kailangang itago ang katotohanan na iyon. If she hates her, then she should show it. Hindi iyong plastikan, hindi si Jossa nakikipagplastikan. 

Jossa crossed her arms. "I told you, Sister Helen, I didn't do anything with them."

Pero hindi siya nito pinakinggan. Nanatili itong bingi sa kung ano ang sinabi niya at tanging pinakinggan lang ay sina Ericka. 

Jossa shrugged. Ano pa ng aba ang aasahan niya sa ilang linggo niyang nandito? Obvious naman na ayaw nila sa kaniya at may favoritism ang mga madre na nagtuturo sa seksyon nila. 

So what? Paki-alam ba niya kung magkampihan lahat. Mas pabor pa nga sa kaniya dahil makakaalis na siya sa hindi magandang school na ito. Kung ano ang ikinaganda at ikinalinis sa labas, siya naman ang ikinadumi at ikinapangit sa loob. This is not what Sheheard from the outside.

Maybe she should not listen to the others' gossip until she witnesses everything with her two eyes. Kaya bigong-bigo talaga si Jossa noong unang araw niya rito, inaasahan na niya ang Divinity College ang makatutulong pero hindi pala. Ito pa pala ang mas magpapalala ng sitwasyon na pinagdadaanan niya. Mas pinaramdam sa kaniya na nag-iisa talaga siya, at wala nang karamay sa lahat at kinagagalitan at kinaiinisan.
 

Damn! Where should I place myself? Saan nga ba ako nararapat? 

Mayaman na nga ako. Makukuha ko lahat, pero hindi naman ako masaya. Pero hindi ito ang oras para sumuko. I need to be fierce with their eyes. I should be Jossa Archeda. 

The God's Last ServantWhere stories live. Discover now