Chapter 2: Divinity College

193 19 2
                                    


Disclaimer: The Sectors under Christianity mentioned in this chapter are made up of my mind, so it didn't exist in reality. Thank you!

***

AKALA talaga ni Jossa ay magiging fun ang unang araw niya sa Divinity College pero hindi, nagkamali lang siya. Isang napakalaking boring ang sumalubong sa kaniya. Hindi niya ito inaasahan, she want thrilling and exciting lesson! Pero iyong guro nila sa unang subject na tinuturo ang Multilingual Language ay hindi nahatak ang kaniyang interest. Kaya imbes na makinig siya sa mga sinasabi, nag-doodle na lang siya ng kung anu-ano sa likod ng notebook. Naubos na rin niyang tingnan ang mga catalog saka magazines ng Divinity College. At puro lang din naman doon mga pictures ng school at mga teachers noong 18th century ang kaniyang nakita.

Hindi niya akalain na ganoon na rin pala katagal itong school. Siguro kung buhay pa ang grandparents niya, mas matanda pa sa mga ito ang DC. Hindi naman si Jossa napapansin ng kanilang guro sa kung ano ang pinangagawa niya sa likuran, saka wala naman siyang paki-alam kung pagalitan siya nito. Hindi naman niya ginusto ang maparito. 

Jossa knows that she is a loner, but she hopes to make friends with her classmates. Sa tingin niya ay madali  lang naman niyang maging kaibigan ang mga ito, since they are in a Christian school. Kaya nga tinawag na Divinity College because all of here are Christians. Hindi lang pala iisang sekta ang naririto kundi iba-iba. May Serving Heaven, Beautiful Hope, Roman Hall, at iba pa. Siya? Hindi niya alam kung anong sekta siya, hindi naman kasi dapat siya naroroon. She doesn't believe in any of those. 

Nang matapos ang klase ay agad na sang lumabas ng room. Sinubukan niyang kausapin ang isa sa mga kaklase,  pero hindi siya nito pinansin. Napataas ang kaniyang kilay, habang naglalakad sila sa corridor patungo sa next class. 

"Kinaka-usap kita, bakit hindi mo ako pinapansin? I ask you politely, are you deaf?" mataray niyang tanong dito, hinawakan niya pa talaga ito sa braso para matigil ito mula sa paglalakad.

The woman is bare-faced, kaya kitang-kita ang natural nitong ganda. Malinis ang mga ito, samantalang siya, may kaunting make-up na nilagay. 

"You do not belong here," mahinahon nitong sabi.

Ha! Hindi napigilan ni Jossa ang magulat, akala pa naman niya mabait ito dahil sa  mala-anghel na mukha pero ang gaspang pala ng ugali. "Excuse me?'

"Let me go," inis na sambit ng babae sabay bawi ng braso nitong hawak-hawak ni Jossa. 

Napangisi na lamang si Jossa nang magaspang. Kung sa bagay, kung ano ang ikina-inosente ng mukha may tinatagong maitim na budhi rin sa loob. Napangiti siya nang malapad, she couldn't wait to unfold the true identity of the students here in Divinity College. Sino ba naman ang banal sa panahon ngayon? 

Dahil wala namang gustong makiipag-kaibigan sa kaniya kahit anong pilit niyang kausap sa mga ito, mas pinili na lamang niya ang mag-isa. Siguro ganoon talaga kapag bagong salta sa isang lugar, wala pa talagang halos gustong sumama sa isang tulad niya. Mabait naman talaga sia kung mabait din ang mga ito. Her attitude depends on who they are. 

Wala namang halos klase sa ibang subject nila. Tulad ng kung ano ang ginawa niya noong unang subject, ganoon din ang ginawa niya hanggang sa next class. Kaya ang saya ni Jossa pagdating ng recess. Kahit na mag-isa siya at baguhan sa school, hindi naman siya maliligaw dahil may munti namang mapa na binigay sa kaniya. Kasama iyong mga catalog saka magazines. Hindi pa nga niya nababasa ang rules and regulations ng DC, e. Paki-alam ba niya kung ano ang rules. She hates rules anyway!

Halos mapapalakpak si Jossa nang makarating sa cafeteria. Akala niya, namali lang ang basa niya sa mapa. Hindi pa naman siya magaling sa map reading. Halos lahat ng mga estudyante na kumakain sa cafeteria nakatingin sa kaniya. Hindi alam ni Jossa bakit pero deadma na lamang niya iyon. 

The God's Last ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon