Chapter 33: The Naked Truth

39 1 0
                                    

Each of us has their naked truth. Is it for bad or for good?”

“MATAGAL na tayong mag-asawa, Sapor, ngunit hindi pa rin tayo binibiyayaan ng anak. Matanda na rin tayong dalawa, wala tayong makakasama, at mapagbibigyan ng ating lupain na ‘to.”

Napalingon si Sapor sa kaniyang asawang si Vicsa nang bigla na lamang itong magsalita tungkol sa ganoong usapin. Totoo nga na sa sampung taon nilang pagsasama, at paglilingkod sa Banal na Diyos, kahit ni isang anak hindi pa rin sila nagkakaroon.

Ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa, at umasang balang-araw bibigyan din sila ng mahal na Diyos.

Nilapitan niya ang asawa na nakaupo sa isang silya malapit sa kanilang harden sa labas. Nakatanaw ito sa malawak nilang lupain sa hindi kalayuan. Tumabi siya rito at niyakap. “Huwag kang mag-alala, Vicsa. Hindi nakalilimot sa kaniyang pangako ang Diyos.”

Walang pinalagpas na araw ang mag-asawa at patuloy lamang sila sa kanilang pagdarasal na bigyan sila ng anak ng mahal n Diyos. Hindi sila nawawalan ng pag-asa na darating din at ibibigay sa kanila sa tamang panahon.

Kaya isang araw, sa kalagitnaan ng kanilang pagsasaka ng kanilang palayan, nang bigla na lamang may dumating na isang misteryosong lalaki na may takip ang mukha. Nagpakilala ito bilang isang Sirio, at nawawala sa kanilang palayan.

Tinanong niya ang mag-asawa kung bakit malungkot ang mga ito, ganoong sagana naman ang dalawa sa lahat ng bagay. Hindi maiwasan ni Vicsa na sabihin kay Sirio ang dinadalang emosyon nito.

“Halos magsasampung taon na kaming magkasama ni Sirio, ngunit hindi pa rin kaming dalawa nagkakaanak. Ilang beses na rin kaming humingi sa mahal na Diyos, pero nawawalan na kami ng pag-asa na bibigyan niya pa kami,” sabi ni Vicsa, mahahalata ang kalungkutan sa boses nito.

Pinisil naman ni Sapor ang kaniyang kamay, para kahit papaano maiparating sa asawang babae na magiging maayos din sa kanila ang lahat. At pasassan pa’t ibiigay rin ang kanilang kahilingan na dalawa.

“May magandang regalo na ibibigay ang mahal na Diyos sa inyong dalawa, bilang pagtanaw niya sa ipinapakita ninyong katapatan sa kaniya. At ang batang ito kailangan niyong protektahan hanggang sa dumating ang araw na itinakda sa kaniya. Siya ang magliligtas sa mga tao mula sa kasamaan,” mahabang sabi ni Sirio habang tinitingnan nang seryoso ang dalawa.

Hindi makapaniwala si Vicsa sa kaniyang narinig, at maging si Sapor ay may pagdadalawang-isip kung paniniwalaan ba niya ang sinabi ng estranghero. Ganoon pa man, hindi sila nagsalita ng kahit na ano na ikagagalit ng panauhin. Mabuti na iyong hindi na sila komontra pa sa sinabi nito, baka nga ay nawawalan lang ito ng bait o may posibilidad din na pinadala nga ito ng mahal na Diyos. Kung totoo man ang sinasabi ni Sirio, hihintayin nilang dalawa na dumating ang araw sa pagdating ng kanilang anak.

Sa hindi kalayuan, nakikinig si Rennis sa pinag-uusapan ng mag-asawa at ni Sirio. Rinig na rinig niya ang lahat, kaya naman wala siyang nagawa ng araw na iyon kundi bigyan din ng isang regalo ang mag-asawang Vicsa at Sapor. Hindi na rin siya makpaghintay kung ano ang mangyayari pagdating ng itinakdang araw.

Magustuhan din kaya ng mag-asawa ang kaniyang magiging regalo, at kapag malaman iyon ng kaniyang kalaban na si Weyah. Napuno ang Hellsin ng kaniyang malakas at malalim na halakhak habang pinagmamasdan sina Vicsa at Sapor sa nagbabagang kawa.

Isang umaga mabilis na tumakbo palabas ng kanilang bahay si Vicsa at tumungo sa kinaroroonan ng kaniyang asawa na si Sapor. Nasa likuran ito ng kanilang bahay at nagpapakain ng kanilang alagang manok.

The God's Last ServantWhere stories live. Discover now