Chapter 34: The Bodyguards

44 0 0
                                    

"Will I believe in Him, or should I follow what my heart says?"

ILANG taon na ang nakalipas, nang dalaga na si Jossa. Pinatulog siya ni Weyah para hindi siya mapatay ni Rennis. Pinadala niya si Siro bilang si Mr. Archeda para bantayan at alagaan si Jossa sa lupa.

"Isasama ko po ang aking dalawang bantay, mahal na Panginoon," suhetsyon ni Sirio nang inigay ni Weyah sa kaniya ang misyon.

Nagsalita ang nakabubulag na liwanag. "Kung ano ang sa tingin mo'y makabubuti sa 'yong misyon, Sirio. Si Sujerist na ang bahala sa inyong pag-alis, alam na niya kung ano ang dapat gawin."

"Maraming salamat, mahal na Panginoong Weyah!"

Mabilis na kumilos si Sirio at pinuntahan kaagad ang kaniyang dalawang bantay na si Elias at Roque. Nagmamasid ang mga ito ng mga tao na sa lupa, pinagmamasdan nina Elias at Roque ang bawat galaw ng mga ito. At isusulat nila iyon sa tala ng mga gawa, para balang-araw pagdating ng paghuhusga, may maihahatol sa bawat tao.

"Iwan niyo muna pansamantala ang inyong ginagawa, Elias at Roque. Simula sa araw na 'to, sasamahan ninyo ako sa isang napakahalagang misyon na ibinigay ng Banal na Diyos. Kailangan nating pangalagaan at protektahan ang piniling huling lingkod," biglang sambit ni Sirio, na siyang dahilan kung bakit nagulat ang dalawa.

Agad na humarap sa kaniya sina Elias at Roque, yumuko sila bilang pagbibigay pugay sa lider ng mga anghel.

"Ngunit pinuno, wala po kaming kapalit sa trabahong 'to. At karapat-dapat po ba kami sa misyon na 'yan?" kontra at tanong ni oque, magkasalubong ang dalawang kilay.

Ngumiti si Sirio at pinatayo ang dalawa nang maayos. "May napili na ako bilang kapalit ninyo. Kayo lamang ang dalawa na sa tingin ko'y karapat-dapat para sa misyon na 'to. Sa atin nakasalalay ang buhay ng piniling huling lingkod, kaya't huwag nating biguin ang Panginoong Weyah," paliwanag ni Sirio at tiningnan ang dalawa nang mataman.

Tumango si Elias. "Kung ganoon po, pinuno. Hinding-hindi po kami tatanggi sa inyong misyon na ibibigay s amain. Gagawin po naming dalawa ni Roque ang lahat ng aming makakaya."

"Mabuti. Ako ay nasisiyahan sa inyong positibong pasya. Kung ganoon, iwan na ninyo ang inyong ginagawa at maghanda na para sa pagbaba natin sa lupa."

Noong araw ring 'yon bumaba sa lupa sina Elias, Roque at Sirio para bantayan at sa kanilang pangangalaga si Jossa.

"Bakit po kailangan na walain ang kaniyang alaala, pinuno?" tanong bigla ni Roque, nakamasid sila sa mahimbing na walang malay na si Jossa.

"Ito ang naisip na paraan ng mahal na Weyah at Panginoong Sujerist. Kailangan nating sundin kung ano ang nasusulat. Saka lamang natin gigisingin ang piniling huling lingkod kapag dumating na ang itinakdang araw, at oras ng kanilang paghaharap ni Rennis," paliwanag naman ni Sirio.

Kahit siya'y naguguluhan din sa naging pasya at plano ng mahal na Diyos. Wala rin siyang ideya kung bakit kailangan na ikulong nila ang piniling huling lingkod, at walain ang malay nito sa loob ng sacred pyramid. Ang sabi ng mahal na Weyah, iyon ang makabubuti para hindi ito matagpuan ni Rennis at patayin. Kapag hindi nila 'yon maiwasan, masyadong mapaaga at mapapatay nang mabilisan si Jossa.

Kaya't kinakailangan nilang maghintay at bantayan ng sampung taon ang piniling huling lingkod, hanggang sa dumating ang tamang araw.

Para kay Sirio, makabubuti nga 'yon para hindi na masyadong magulo ang buhay ng huling lingkod.

"Kailangan nating magpakilala bilang isang Archeda sa kaniya. Kailangan natin palabasin na isa siyang normal na tao, para hindi siya maguluhan kapag magising. Ipapalabas natin na naaksidente siya at wala siyang malay ng ilang buwan kaya wala siyang maalala kahit na ano sa kaniyang kabataan at nakaraan," paalala ni Sirio kina Elias at Roque.

Tumango naman ang dalawa bilang pagpayag sa sinabi ni Sirio.

HINDI malaman ni Rennis kung paano niya mahahanap ang huling piniling lingkod ni Weyah. Pumalpak ang mga tauhan niya mapatay ang batang babae, pero hindi naman iyon mahalaga sa kaniya, ang importante nakuha niya kung ano ang dapat sa kaniya. At sigurado si Rennis na nababahala na si Weyah at ang mga nasasakupan nito sa pangyayari, kaya naman may hinuha siyang tinatago ng kaniyang kalaban ang batang babae.

"Coniton!" tawag niya sa lalaking huwad. "Sabihin mo sa lahat ng mga nasasakupan kong Evix na pumunta sa hall. May ipapagawa ako sa inyong lahat," utos niya rito.

Yumuko ng kaniyang ulo si Coniton bilang pagbibigay pugay sa kinikilalang diyos. "Masusunod po, mahal na Rennis. "

"Ang pinagagawa ko sa 'yo, nagawa mo na ba? Sinigurado mo bang hindi siya matatagpuan kahit na sino at may magbabantay sa kaniya?"

"Opo, mahal na Rennis. Nailagay ko na siya sa ligtas na lugar at walang makakikita sa kaniya," sagot naman agad ni Coniton, at hinarap siya. "May ipagagawa po ba kayo, mahal na Rennis?"

"Wala na. Maghihintay ako sa hall, bilisan ninyo at ayaw ko ang naghihintay."

Pagkayuko ni Coniton ng kaniyang ulo, mabilis siyang lumisan. Si Rennis naman nakatingin sa kaniyang repleksyon sa gawa niyang salamin at napangiti sa sarili. ilan taon na lang ang kailangan niyang hintayin, bago dumating ang araw na itinakda.

Pagkarating niya sa hall, naroon na ang ilan sa mga nilalang na ginawa niya, lalong-lalo na ang mga Evix. Nang masigurado niya na handa na ang lahat na makinig sa kung ano man ang iuutos niya, sinimulan na niya ang pagsabi rito ng kaniyang balak.

"Humayo kayo sa mundo ng mga tao, magpanggap kayong isa sa knila. Magtayo kayo roon ng isang paaralan kung saan ilalaganap natin ang ating mga salita at kapangyarihan sa buong mundo! Sa pamamagitan no'n, unti-unti na natin manipulahin ang paniniwala nila kay Weyah, at ako na ang bago nilang paglilingkuran!"

"Mabuhay ang mahal na Rennis! Mabuhay!"

Nilikha ni Rennis sina Sister Eva, Sister Helen, Sister Gina at halos ng mga madre sa Divinity College, ang ilan sa mga estudyante na naroon ay mga Evix kabilang na roon sina Erika. Ang mga batang papasok sa Divinity College at pinapadala ng mga magulang na tuluyang nabago ang paniniwala, sila ay ginagawang isang Evix para paglingkuran si Fr. Marius na walang iba kundi si Rennis.

Sisiguraduhin ni Rennis na marami siyang mapasunod sa kaniya na mga tao at gawing mga Evix, bago pa dumating ang araw ng paghaharap nila ng huling piniling lingkod. Hindi na siya makapaghintay pa na dumating ang araw na 'yon, sa ngayon, paghahandaan niya muna ang lahat para sa kaniyang kalaban.

"DUMATING na ang araw para kay Jossa. hindi na natin kailangan pang hintayin na marami pang mabiktima si Rennis na mga tao dahil sa eskwelahan niyang pinatayo."

Lumapit sina Elias at Roque kay Sirio nang marinig ang sinabi ng kanilang pinuno.

"Ano po ang plano?" sabay na tanong nilang dalawa.

Tiningnan ni Sirio ang dalawang bantay. "Papasukin ninyong dalawa si Jossa sa Divinity College. Pero hindi ko na kayo masasamahan na dalawa, at kailangan ko nang bumalik sa itaas. May ipapadala ang mahal na Weyah na makakasama ninyo sa pagprotekta at pagbantay sa huling piling lingkod."

Tinapik niya sa balikat ang dalawang lalaki. "May tiwala kami sa inyo. Alam naming na magagawa ninyong maging tagumpay ang misyon, at matatalo ninyo ang ating mga kalaban."

"Ngunit pinuno-"

Hindi natuloy ni Elias ang kaniyang sasabihin sana nang magsalita agad ang kanilang pinuno. "Hanggang dito na lang ang aking misyon, at ang huling tungkulin nakasalalay na sa inyong dalawa, at sa inyong makasasama pa. Alam ko na hindi ninyo bibiguin ang mahal na Diyos. Basta sundin lang ninyo kung ano ang plano."

Mabilis na naglahong parang bola si Sirio sa kanilang harapan. Naiwan sina Elias at Roque nagkatinginan sa isa't isa. Sa kanilang dalawa na ngayon nakasalalay ang kaligtasan ng huling piniling lingkod.

The God's Last ServantWo Geschichten leben. Entdecke jetzt