"Hindi ako puwedeng magkamali, she's a bitch, nakakahiya sa mga guests n'yo, palayasin mo na siya, girl," sabi ni Vanessa na sobrang laki ng ngiti.

"Wait," sabi ni Sistar. Kinuha niya 'yong phone niya at nag-dial ng ilang keys tapos may kinausap sandali.

"Yes, yes, now," sabi ni sistar sa kausap.

Maya-maya ay dumating na ang security. Nakangiti pa rin itong Vanessa na 'to, mukha ng aso sa sobrang saya.

"Bring her out," sabi ni Sistar.

"Yeah, dapat nga, kanina pa," sabi ni Vanessa.

'Yong ngiti ni Vanessa, umaabot na sa batok niya. Parang kulang na lang ay sabihin niya sa akin na... "Buti nga sa'yo, nag-exist ka pa kasi."

Hindi ako nagsalita at napatungo na lang at napapikit na pati ako. Hahawakan na nga ako ng mga security team pero nagsalita si Sistar.

Ayaw ko lang makitang mapahiya siya dahil baka gumulong ako katatawa.

"Not her, her," sabay turo kay Vanessa. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa mukha niya.

"Rie, siya at hindi ako 'yong palayasin mo," sabi ni Vanessa.

"Sasa, never mess with my best friend ever again. Okay? You wouldn't like it because if you mess with her, you mess with me, and you don't want to mess with me," sabi ni sistar.

"Best friend mo 'yan? That B-" sabi ni Vanessa na hindi makapaniwala.

Hindi siya makapaniwala sa narinig at nalaman niya na best friend ko si Rie. Ang problema kasi sa ibang tao ay nanghuhusga agad without knowing anything.

"Yes, and the next time you mess with her again, I'll make sure na babagsak ang company n'yo. Maba-bankrupt ang business n'yo, first thing in the morning tomorrow. And please, don't call her a bitch because ikaw 'yon, not her," sabi ni sistar.

Wow! ang taray ni Sistar Rie. Ang seryoso pati ng istura niya. 'Yong mukhang hindi talaga nagbibiro. Whoa! Ang scary naman ni sistar magalit. Para siyang boss ng isang malaking korporasyon na pinapagalitan ang mga empleyado niya dahil ‌hindi na-meet ang deadline.

"Ilabas na 'yan dito at ilagay sa block list," sabi ni Sistar.

"Rie, don't do this to me; I don't deserve this; I'm a paying guest here!" sigaw ni Vanessa habang kinakaladkad ng security palabas.

Kinawayan ko siya at nginitian nang sobrang tamis, magkaka-diabetes siya.

"Get off me, don't touch me," sigaw ni Vanessa sa mga lalaking nilalayo siya palabas. Nangingisay na siya sa galit habang bitbit ng mga guards.

"You deserve it, security, get her out of here, sorry, Sasa, bye!" sabi ni Sistar at hinila na ako paalis habang naka-smirk pa rin siya.

"Sistar, 'di mo naman kailangan gawin 'yon," sabi ko sa kanya pero sabi niya ay sobrang sama rin daw talaga ng ugali ni Vanessa sa staff kaya bagay lang sa kanya 'yon.

Nag-iiba talaga ang tao kapag nagagalit. 'Yong little monster sa loob ng isang tao lumalaki kapag nagagalit dahil nasasagasaan.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo na maba-bankrupt sila kapag inulit niya 'yong ginawa n'ya sa akin?"

"Yes,"

"Talaga?" hindi kasi talaga ako makapaniwala.

"Oo, kapag hindi ka n'ya tinigilan, makikita n'ya ang hinahanap niya. Maghihirap sila nang wala sa oras, kakalat sa tabloids na bankrupt ang Delcano Corp dahil sa kamalditahan ng Vanessa na 'yan. Isang tawag ko lang kay Daddy, they will be gone," nakakikilabot naman ang pinagsasasabi niya.

"Saan ka ba pupunta, sistar?" tanong niya sa akin.

"Sa restaurant, nando'n si Cee at mag-aalmusal kami. Kumain ka na ba?"

"Yeah, kumain na ako. Sige, see you later, punta lang ako sa spa room," sabi niya.

"Just let me know kapag ginulo or kahit tingnan ka nang masama ni Vanessa,"

"Sige, Sistar, don't worry,"

"Ang tagal mo naman, akala ko tuloy nilayasan mo na ako," sabi ni Cee.

"Sorry, nakasalubong ko kasi si Sistar," which is totoo naman.

"Ah, gano'n ba, sige, mag-breakfast na muna tayo,"

"Sige,"

"Aalis na nga pala tayo mamaya," sabi niya bigla.

"Oo nga,"

"Swimming tayo?"

"Ah, tara!"

"Ngayon lang kita nakitang naka-shorts, Mojow."

"Oh?"

"Bagay pala sa'yo, pero..." binigyan niya ako ng towel. Ano'ng meron? Bakit may pa-towel?

"Oh, para saan 'to?" tanong ko sa kanya.

"Pantakip sa legs mo," sabi niya.

"Bakit?"

"Ayaw kong mapaaway ganito kaaga, dahil may manyak na tatawag sa'yo," sabi niya.

"Pero kung ayaw mo, maghahanda na lang akong makipagbakbakan," dagdag niya.

"Ako na ang bahala sa manyak, tatakbo ako," sabi ko tapos natawa siya.

Umupo muna kami sandali sa sun loungers at nag-swimming na rin makalipas ang ilang minuto.


--

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOATDonde viven las historias. Descúbrelo ahora