"Ano nga palang gusto mong kainin or inumin?"
"May cappuccino ba?"
"Meron,"
"Ay, ito nga pala 'yong bokey," sabay abot ko sa kanya.
"Bakit na sa'yo ito?" tanong niya habang nagtataka ang mukha.
"Nakita ko kanina sa may pintuan mo, baka may makakuha kaya kinuha ko muna,"
"Akala ko, nawala na. Akala ko tuloy hindi to-" nakatatawa! na-praning pala talaga siya.
"Hindi totoo 'yong kagabi? Akala mo panaginip? Masyado bang magical, Mojow?"
"Akala ko bangungot," sabi niya tapos ngumisi naman.
"Bangungot daw eh mukhang kamatis na ang pisngi mo kagabi,"
"Hindi, kaya, nagulat lang ako,"
"Ang cute mo palang magulat, ano? Nagba-blush ka,"
"Ang daming alam, ay, teka, punta lang ako sa CR," sabi niya.
Grabe! Ang cute talaga ng isang 'to!
JOAN
"Saan ba ang CR dito?" tanong ko sa sarili.
"Look who's here?"
"Sino naman ang balak mong ahasin dito? Social climber ka talaga, ano?" ano'ng pinagsasasabi ng isang 'to?
"Vanessa, ayoko ng gulo, and for the record, hindi ako ahas at lalong hindi social climber," ang ganda ng araw ko tapos sisirain na naman ng atribidang ito!
"Ayaw mo ng gulo? Umalis ka rito! Ayaw kitang makita, at isa pa hindi ka bagay dito!"
Ako, aalis? Sa kanya ba 'to? 'Di ba kina sistar ang lugar na ito? Bakit ba lagi na lang kasi ako ang nakikita ng isang ito? Okay na nga kami ni Cheska pero siya itong ayaw akong tigilan.
"Pumikit ka na lang kung ayaw mo akong makita," bulong ko.
Kung ayaw akong makita, siya ang gumawa ng paraan dahil hindi ako aalis dito kasi kasama ko ang pamilya, mga kaibigan ko at si Cee.
"Ano'ng sabi mo?"
"Wala, alis na ako," sabi ko sa kanya. Nagbadya na akong umalis pero hinawakan niya ako sa braso.
"Kaibigan ko ang may-ari nito kaya kung ayaw mong mapahiya, umalis ka na," sabi niya. Sino? Eh kaibigan ko ang may-ari nito, si Rie.
"What's happening here?" sabi ng isang boses ng babae mula sa likuran ko.
"There you are, Rie, oh my gosh, bakit kayo nagpapapasok ng basura dito?" sabi ni Vanessa.
Basura na ba ako ngayon? Sobra naman yata itong babaeng na ito. Sa akin naman, ayos lang kung alam ko naman na hindi totoo, papatulan ko pa ba? Sayang sa energy!
"Sino'ng basura?" tanong ni Rie. Naging seryoso 'yong itsura ni Sistar, alam na siguro niya na ako 'yong tinutukoy ni Vanessa.
"Itong bitch na 'to, paalisin mo nga, please," sabi ni Vanessa kay Rie na akala mo ay inapi ko.
Puwedeng pasabunot ng isa?
Napatingin sa akin si Rie kaya napatungo na ako. Nakahihiya naman sa kanya ang ginagawa ng epal na ito!
"I think you're messing with the wrong person, Sasa," sabi ni Sistar. Mahinahon pa siya, magkaibigan nga siguro sila kaya nagtitimpi pa rin siya kahit paano.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 26
Start from the beginning
