"'Di ba nag-propose ka sa akin kagabi," sigaw ko sa kanya. Nakakainis na!
"Akala ko nakalimutan mo na," sabi niya.
"Bakit parang wala namang nagbago sa'yo?" tanong ko naman. Maliban do'n sa shell na nasa box, wala naman masyadong bago.
"Ha? Ano'ng sinasabi mo?"
"Alam ko ang nasa isip mo," manghuhula na ba siya ngayon?
"Ha?" nabasa niya 'yong nasa isip ko? Talaga? Seryoso? Ano siya manghuhula?
"Nagtataka ka siguro kung bakit kita binigyan n'yan, ano?" tanong niya na may ngiti sa labi.
Whoa! Akala ko nababasa nga niya ang nasa isip ko. Nakaloloka naman 'tong si Cee. Kinabahan tuloy ako. Parang baliw naman kasi kung makapagsabi na nababasa niya ang nasa isip ko.
Teka, bakit ba ako masyadong bothered? Ano ba ang hindi niya dapat mabasa? Hmm... wala, meron. Wala nga! Ah, basta!
Kung meron man akong tinatago ay dapat manatiling nakatago, kaya nga nakatago, loko ka ba?
"Ah... eh..."
"Kasi nga naalala kita, para naman may iba pang rason ang pagkakilig mo bukod sa akin at sabi kasi nila na makatutuluyan ko ang taong bibigyan ko n'yan."
CEE
STEP 7: ALWAYS MAKE HER LAUGH.
Siguro iniisip niya na magbabago ako matapos kong mag-propose sa kanya. Bakit ko naman gagawin 'yon? Para ma-in love siya? Saan? Sa mga ka-sweet-an ng bolerong manliligaw?
Hindi ko 'yon gagawin kahit kayang-kaya ko. Kay Mojow pa ba, walang bilib 'yan sa bolero. Ipakikita ko na lang sa kanya 'yong totoong ako. Matanggap niya o hindi, ano'ng magagawa ko? Wala! Basta tanggapin niya ako!
Gagamitin ko ang best weapon na mayroon ako. Ano 'yon? Ang chinito kong mga mata. Mata pa lang, panalo na!
"Ano bang sinasabi mong nagbago?" tanong ko.
"Ah... eh... wala," sabi niya.
"Kapag nagbago ako Mojow, baka hindi ka makatiis kiligin lagi, gusto mo ba 'yon? Mahirap kaya dahil kagulo lagi ang hormones mo."
"Belle, ikaw ba 'yan?" Natawa ako sa tanong niya.
"Nakalimutan mo na ba kung ano'ng degree ang natapos ko?"
"Ah, oo nga pala, Psycho ka nga pala," hay... ilang beses ko bang i-co-correct ang mga tao na 'Psych' kami at hindi 'psycho.' Pakiramdam ko tuloy ay ako 'yong pasyente na kailangang gamutin.
"Psych,"
"Sorry naman, psych nga pala,"
"At kapag minahal mo ako, 'wag mo akong kaisipin dahil utak mo naman ang magkakagulo dahil ang feeling ng love ay galing lahat sa utak. Baka mabaliw ka sa akin, Mojow," oo alam kong exaggerated 'yon pero may posibilidad, ngayon pa lang e baliw na siya.
"Eh, seryoso?"
"Oo kaya, mali nga 'yong 'I love you from the bottom of my heart,'" listen to this.
"Eh, ano ba dapat?"
"Dapat, 'I love you from the bottom of my hypothalamus.'"
"Ano? Pangit naman no'n," natawa na lang din siya sa sinabi ko kahit hindi naman talaga biro.
"Siyempre, ikaw lang naman ang maganda," at hindi rin ako nagbibiro dahil totoong-totoo ang bagay na 'yon.
"Gutom lang 'yan," nabasag pa nga ako!
KAMU SEDANG MEMBACA
It Started with a McFLOAT
RomansaNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 26
Mulai dari awal
