CHP22: Her Secret

4.7K 106 2
                                    

"Everyone has a secret.. and a secret can never be hidden forever.." – Miss Shin

 

**

AMBER POV

"Class dismiss." Anunsyo ni Miss Shin pagkatapos marinig ang bell. Nagsitayuan na ang lahat kaya ganun din ako.

"Nagugutom na ko. Ano kayang masarap kainin ngayon?" –Soyeon

"Lagi ka namang gutom eh. Ang sabihin mo matakaw ka lang talaga. Magdiet ka kaya girl." –Krystal

Naglakad na yung dalawa kaya sinundan ko na din sila pero hindi ko inaasahang pipigilan ako ni Miss Shin. "Amber, maiwan ka muna dito. May paguusapan lang tayo."

Nagkatinginan kaming tatlo bago ko sinagot si ma'am. Tungkol kaya kay Dasuri yung paguusapan namin? Lagot! San ba kasi nagpunta yung babaeng yun eh. "S-Sige po ma'am."

"Pano amber, hintayin ka na lang namin sa bench nang school." Paalam nung dalawa pero binigyan din nila ko ng 'mag-iingat-ka-look'. Nagnod naman ako sa kanila kaya lumabas na sila ng room. Kaming dalawa na lang ni Miss Shin ang natira. Kinakabahan ako.

"Take a seat." Alok ni ma'am sa upuan sa harap nya. Tinanggap ko naman yun at umupo sa tapat nya. Teka! Nalaman ba ni ma'am na wala pa kaming nasisimulan kahit ano sa project nya samin? Grabe. Kinakabahan na ko sa pwedeng kalabasan ng usapang ito.

"Ugh. Ma'am? Ano po yung paguusapan natin?" kinakabahan kong tanong pagkaupo ko.

"I want to clear up some things about Miss. Kim."

"Si Dasuri po?" paninigurado ko.

"Yes. She's two days consecutive absent on my class this week. Hindi pa kasama ang mga late at absences nya nung nakaraan. Pag pumasok naman sya mapapansin mong parang lagi syang inaantok. Nagaalala na ko sa batang yun. Ilang months pa lang since nagtransfer sya dito and yet wala na syang ginawa kundi umabsent at malate. Now tell me, ano bang pinagkakaabalahan ng friend mo. May problema ba sya sa bahay nila? Is it Financial?" Mahabang litanya ni ma'am. Lagot! Mukhang nahahalata na nga ni ma'am ang madalas na pagabsent at poor performance ni Dasuri sa school. Anong gagawin ko?? Sasabihin ko bang P.A sya ng grupo ng ASAWA nya? Maniwala naman kaya si ma'am? Aist!

"I-I don't know ma'am. Pero sigurado po akong hindi financial. Hindi man po halata pero may kaya ang family ni Dasuri." Sabi ko na lang.

"If that's the case, ano ang problema nya? Alam ba ng parents nya ang mga ginagawa nyang pagabsent? Wag mong sabihing nagrerebelde sya?"

"Ha? Hindi po ma'am. Oo slow po sya madalas pero hindi naman sya pabayang estudyante at pasaway na anak——ay, pasaway? konti lang po siguro pero sa ibang paraan. Hehe. Saka hindi naman po siguro nya gustong magabsent palagi, nagkataon lang po na.." napahinto ko sa pagsasalita. Anu ba 'to. Malapit na kong mabuking. Ang hirap namang magtago ng sikreto ng iba. >0<

**

MISS SHIN POV

 

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon