"Hindi ah,"

"Mga bro! Salamat sa tulong n'yo, pumayag siya!" sigaw ko sa mga nasa yate.

Hinatak ko si Mojow sa 'di kalayuan. Nagpa-set-up kasi ako kina Insan ng latag na sarong tapos pinadala ko ang mga hinanda kong pagkain kanina sa kusina ng resort.

Nag-usap kami ni Insan sa isang sulok ng bar habang nagkukwentuhan din ang mga kabanda niya habang nagseset-up ng mga gamit nila sa gig.

"Insan, ano bang balak mong gawin mamaya?" tanong niya sa akin.

"Ipagluluto ko s'ya at dadalhin ko sa tabing dagat," sagot ko.

"Saan mo ilalagay ang mahiwagang tanong?" natawa naman ako sa tanong niya.

"Ewan, saan ba maganda?"

"Sa yate, insan, maganda kung do'n nakasabit tutal may dagat."

"Ano? Saan naman ako kukuha ng yate?"

"Gawan mo ng paraan, mahal mo, 'di ba? Kaya mo 'yan!"

"Basta, Insan, kayo na bahala mag-set-up, ha? Kayo na rin ang magdala ng pagkain, iiwan ko na lang sa kitchen, sabihin n'yo 'yong kay Cee Villonco, alam na nila 'yon."

"Sige, kami na ang bahala."

"Teka, bakit hindi mo s'ya kantahan?" Kantahan? Ano 'yon parang harana?

"'Di ba korni 'yon, insan?"

"Hindi, malakas na panghatak 'yon, insan, sinasabi ko sa'yo."

"Oh, sige na nga, pahiram ng gitara, ha?"

"Walang acoustic guitar, puro electric, ukulele lang ang meron,"

"Sige, okay na 'yon,"

Pagkatapos naming mag-usap ni Insan ay lumabas na ako ng bar para hanapin sina Rie dahil kailangan ko ng tulong nila.

"Anything else?" tanong ni Rie.

"P'wede bang gamitin ang kitchen n'yo?"

"You'll cook?" tanong ni Meg.

"Oo sana," sagot ko.

"Sweet naman," sabi ni Meg.

"Sure, just text me all the things you need para mabili agad," sabi ni Rie.

"Salamat talaga sa inyo,"

"Don't mention it, friend ka na rin namin, at gusto rin namin na may magmahal kay sistar," Sabi ni Rie.

"Tama! Para magka-love life naman,"

"Kakain tayo?" bakas sa mukha niya ang excitement.

"Hindi, tititigan lang natin 'to hanggang sa matunaw,"

"Ano ba 'yan?"

"Ah... leche flan, tacos, mangga at alamang, chicken burger, adobo sa suka with rice, fries at float."

"Seryoso, may float?" hindi talaga siya makapaniwala.

"Oo eto,"

"Ah, ang sarap talaga nito, teka, paborito ko lahat 'yan, paano mo nalaman?" ako pa ba, Mojow?

"Siyempre, I have my sources," namely Tita Isay, Nika, Belle at 'yong dalawa niyang best friends.

"Ikaw ang gumawa ng leche flan, tacos at adobo sa suka?"

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now