"Balak ko sanang isabit ang mahiwagang tanong ko," maiba lang naman.

"Ah, sige, pahahanda ko agad," ang lakas ko naman kay Rie.

"Sige, salamat. Kunin ko na rin ang number mo para mabilis kong malaman kung okay na."

"Ah, sure," sagot niya.

STEP 5: ASK HER A QUESTION SERIOUSLY.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakasulat sabay lipat sa akin ng tingin.

"Mojow, p'wede nga ba akong manligaw sa'yo?" siyempre tinanong ko pa rin sa kanya kahit nakabalandra na sa kanya ang tanong.

"Seryoso?" hindi siya talaga makapaniwala.

Maya-maya ay sumabog na ang puso ko ah este 'yong fireworks na ipinahanda ko.Natawa na lang si Mojow noong may nag-form sa fireworks na...

SERYOSO AKO.

Custom made fireworks, ang mahal pero mahal ko rin naman siya kaya, okay lang.

"Alam ko kasing hindi ka maniniwala," bulong ko sa kanya.

"Ikaw CEEra ulo ka talaga!" tawa siya nang tawa dahil doon.

"Oh, bouquet mo," abot ko sa kanya ng bokey, the Cee Villonco version.

"Fake flowers?" tanong niya.

STEP 6: GIVE AND DO SOMETHING OUT OF THE ORDINARY.

"Hindi 'yan fake, paper flowers 'yan, 'yong origami, ginawa ko kanina," sobrang effort ko sa pagtutupi ng dalawang dosenang paper flowers, ha? Hindi biro ang gumawa n'yan compared sa pagbili ng dalawang dosenang bulaklak sa flower shop.

"Eh, ano 'tong bilog sa dulo?" baka lalo mo akong mahalin kapag nalaman mo.

"Pastillas, ginawa ko rin kahapon," kaya naman pala ako napagawa ng pastillas, may rason talaga bukod sa pangmatamis.

"Ah... cute naman, puwedeng kainin 'yong bouquet," ngumiti siya nang malaki.

Halata na nagustuhan talaga niya ang ginawa ko. Napakatakaw talaga!

"'Wag mo kainin 'yong papel!" siyempre banat ko lang 'yon, hindi na ako si Cee kung hindi ko siya babasagin.

"Grabe! 'Yong pastillas ang ibig kong sabihin," ang cute niyang maasar!

"CEEra ulo," banat niya.

"Ate! Nangangawit na kami rito, hindi mo pa ba sasagutin 'yong tanong ni Cee?" sigaw ni Mikel na kabanda ni Insan. Nagkatinginan kami tapos ngumiti siya.

"Ayoko nga," sabi niya.

Seryoso ba siya? Ang ibig sabihin ba nito, basted na ako? Nakalulungkot naman! Napasimangot tuloy ako ng wala sa oras.

"Joke! Yes!" sabi niya. Sobrang laki ng ngiti niya sa akin. Success! Yes!

"Thanks, Mojow," hindi ko naman maipaliwanag ang tuwa na nararamdaman ko na sa wakas ay sumagot na siya sa mahiwaga kong tanong.

"Sabi na e, may pagtingin ka sa 'kin," pang-aasar niya. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, ako na ang aasarin niya ngayon.

"Hindi lang pagtingin, pati pag-ibig," mga banat ko talaga oh!

"Sus naman, banat agad?" exactly!

"Oy Mojow, 'wag mong masyadong i-feel, baka masagot mo ako agad nang wala sa oras," malay ko ba kung talagang natuwa siya, o ano? Pakasalan ko na ba bukas?

It Started with a McFLOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon