"Ah, kailan?" Sana naman may oras pa para maghanda.

"This Friday," okay, wala pa namang problema sa ngayon.

"Ah, saan?" sana malapit lang dito dahil kaumay na magbiyahe.

"States," sabi niya nang sobrang chill. Ano? Maka-invite naman siya wagas! Akala ko, tipong tatlong oras lang kalayo pero sa ibang bansa pala!

"Ha? Ano? Wala akong US visa," naloloka naman ako kay Philip! Hindi man lang nagbabala.

"That's not a problem; I can take care of everything," wow, ha? Kahit ganito ka-rush? Posible ba 'yon?

"Ay, Joan, baka 'di pa tayo nakakauwi no'n," oo nga pala, pupunta nga pala kami sa Batangas.

"Where are you going?" napuno ng koryosidad ang kanyang mga mata.

"Sa Batangas," nawala naman agad sa isip ko, nagulat kasi ako sa imbitasyon niya.

"Oh, I see, I guess, you already have plans," mukhang nagtampo pa siya. 

Hay kasi naman! Bakit ngayon pa? Puwede bang i-move na lang ang kasal na 'yon? Hindi rin kasi puwede na hindi ako kasama sa Batangas dahil kasama silang lahat!

"Sorry, ha?" kahit gustuhin ko na sumama sa kanya ay hindi posible. 

Matagal din kasi kaming hindi nakapag-outing nina Sistar. Hindi ko rin kasi sigurado kung kailan sila babalik kaya mas mabuti nang gamitin lahat ng posibleng oras na magkasama kami.

"No, it's okay," okay raw pero 'yong mukha niya parang binasted ng limampu't siyam na babae sa sobrang pilit ng ngiti.

"Outing with friends and family, you want to come with us?" this is the least I can ask him.

"I wish I could, but we're flying tomorrow."

"Sayang naman," nalungkot ako pramis, gusto ko rin kasi na maka-bonding siya nang mas matagal.

"Oh, well, nice to see you again, Joan. I'll go ahead," malungkot siyang umalis pero ano nga ba ang magagawa ko e may sarili na akong plans.

"Sige, ingat, have a safe trip, pasabi na lang sa pinsan mo. Congratulations."

"Sure, bye!"

Lumipas nang mabilis ang mga araw at Martes na, nagulat na lang ako nang may tumatawag sa phone ko.

"Hello?" sabi ko nang sagutin ko ang tawag.

(Hello, sistar, ready na ba kayo?) handa na dahil naka-pack na lahat ng gamit at nandito na rin si Cee na kasama sa outing.

"Ah, oo, sistar nasaan na ba kayo?" baka kasi mamaya malayo pa pala.

(2 streets from your house, kumpleto na ba kayo?)

"Yes, ano bang dala n'yong sasakyan?" aba ang bilis, ah!

(Nandito na kami. Tara na!)

"Sige, wait lang," ibinaba ko na ang phone at kasunod noon ang busina ng sasakyan mula sa labas ng bahay.

"Nasa labas na raw sila, tara na!" lumabas na kami bitbit ang kanya-kanyang gamit.

"Tara!" ako ang unang lumabas dahil excited nga ako. Paglabas ko, napanganga ako. E paano may shuttle sa harap ng bahay namin.

"Sistar, 'yong bibig mo," natatawa pa si Rie sa reaksyon ko. Na-conscious naman ako bigla kaya sinara ko ang bibig ko.

"Sistar, ang laki naman yata n'yan," kaunti lang naman kami e tapos ang laki ng sasakyan.

It Started with a McFLOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon