Umupo na rin ako sa tabi niya at unti-unti naming pinagmasdan ang lumulubog na araw. At tuluyan na nga na nawawala ang kaliwagan ng mundo.
Parang ganito 'yong sa mga pelikula, magkasintahan tapos magkahawak kamay na pinapanood ang paglubog ng araw. 'Yon nga lang, hindi 'pa' naman kami ng babae na ito.
"Ang ganda naman," nakatingin siya nang deretso sa paglubog ng araw kaya naman nasisinagan nito ang ilang bahagi ng kanyang mukha.
Mas maganda ka pa rin sa kanya, kasi napapatingin ako sa kanya imbis na sa araw, palagay ko, nagayuma ako!
"Uy, Mojow,"
"Oh, ano 'yon?"
"Limang minuto, kahit limang minuto lang, seryoso muna tayo. Wala munang basagan ng trip."
E kasi hindi na talaga ako mapakali, kanina ko pa sinasabi sa isip ko na napakaganda niya lalo na sa punto na ito. Wala naman sigurong masama kung sabihin ko sa kanya ang totoo.
"Sige ba," mabuti naman at game siya sa gusto ko na mangyari.
"Gusto ko lang sabihin na maganda ka lalo na ngayon," nakatingin pa rin ako sa kanya at tumingin na rin siya sa akin. Hindi ko inaasahan na ngingiti siya sa sinasabi ko.
"Salamat," hindi pa rin napapatid ang titigan namin.
"Welcome," napahawak ako sa batok ko at hindi na alam kung ano pa ang dapat sabihin. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung paano sasabihin.
"Masaya kang kasama Cee, masuwerte ang babaeng mamahalin mo," kinilig naman ako sa papuri niya sa akin, kung alam mo lang, Mojow!
"Masaya ka rin namang kasama, Mojow," kahit hindi pa siya magsalita at tititigan ko lang siya buong araw, okay na ako.
Maya-maya ay natapos na rin ang limang minuto kaya nagkayayaan na.
"Bili pala muna tayo ng pasalubong kina Mommy," oo nga naman! Baka magtampo pa si Tita, speaking of which ay ite-text ko na rin.
"Tara, may nakita akong stand na nagtitinda ng brownies, mukhang masarap," naglakad kami para hanapin 'yong stand at ang daming pamimilian.
"Ikaw na ang pumili, ikaw naman expert sa mga desserts na 'yan," nautusan pa nga. Sige ayos lang, para sa mahal ko, sige lang. Teka lang, mahal ko? Mahal ko ba siya?
"Hindi naman, nahilig lang,"
"Sige na."
"Oh, sige, Miss, tig dadalawa nito, ha? 'Yong chewy chocolate brownies, chocolate chip cookie dough brownies, caramel brownies, raspberry-cream cheese brownies, cappuccino brownies tsaka itong peanut butter-chocolate chip brownies," parang gusto ko tuloy bumili ng para sa amin ni Mojow.
"Aba, hindi ka naman masyado ginanahan pamimili d'yan," nakatutuwa 'yong mga pangalan.
"Sigurado ako na magugustuhan nila ito,"
"Mukha nga," hinintay lang naming i-box 'yong brownies at pumunta na kami sa parking lot pero bago 'yon ay dumaan muna kami sa simbahan na malapit sa MOA.
Nakatutuwa dahil kasama si God sa lahat ng pinagdaanan namin mula noong magkakilala kami hanggang ngayon. Pagkalabas namin ng simbahan ay may nakita si Mojow na kakilala.
"Sir?" teacher niya?
"Oh, Ms. dela Vega, h-hello," teacher nga siguro.
"Sino pong kasama n'yo?" parang nahiya bigla ang kausap niya at nag-feeling awkward.
"Ah, w-wala," wala pero parang hindi siya sigurado sa sinasabi niya.
"Sir, si Cee nga pala, kaibigan ko," nginitian ko lang siya at ganoon din ang ginawa niya.
"Nice meeting you," nakipagkamay pa ako at may naramdaman akong iba sa kamay niya.
"Hello," sabi ko. Hindi straight ang isang ito palagay ko, naramdaman ko lang sa tingin niya sa akin.
"Babe, nand'yan ka pala," may papalapit na lalaki sa gawi namin kaya dali-daling umalis 'yong Sir na sinasabi ni Mojow bago pa man tuluyang makalapit 'yong lalaki. Tulala lang sa kanila na nakatingin si Mojow kaya hinayaan ko na muna, sabi ko na nga ba.
"Hindi pala straight si sir," nahalata ko naman sa hawak niya sa kamay ko. Natawa raw siya dahil naalala niya no'ng muntik na siyang ipahiya nito sa klase.
"Hoy, tawa ka nang tawa, gusto mo nang mag-asawa?" sabi ko.
"CEEra, hindi ko lang akalain, may boyfriend pala siya, wow, buti pa si sir, hindi single!"
"Gusto mong hindi na maging single?" tanong ko sa kanya sabay kindat tapos tumawa siya at hinampas na naman ako sa braso.
Matapos namin bumili ng pasalubong ay sumakay na kami ng sasakyan at bumiyahe na pauwi.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 23
Magsimula sa umpisa
