"Ah, ano'ng paborito mong libro?" tara at bibilhin ko.

"Leap to the Sky," sabi niya. Hindi kasi ako masyadong familiar sa mga libro pero parang narinig ko na ang isang 'yon. Ayaw ko naman na maging poser at magpanggap na may alam talaga ako.

"Talaga? Parehas tayo," hindi naman ako mahilig magbasa ng libro pero palagay ko napanood ko na 'yong sinasabi niya.

"Seryoso?" Halata sa kanya na bigla siyang naging interesado.

"Oo, pero hindi ko naman talaga nabasa, napanood ko lang sa movie, maganda," napanood ko kasi 'yan sa bahay no'ng nanonood si Cheska isang gabi e wala naman akong ibang magawa kaya nakinood lang din ako.

"Tama, nag-time travel si Clementine sa 80s dahil sa pagmamahal niya sa parents niya at sa music. Alam mo na, makikilala niya ang younger version ng parents niya tapos may makikilala siya na babago sa buhay niya. Basahin mo, mas maganda sa book," aba, mukhang gusto pa niya akong impluwensiyahan sa pagbabasa. Well, depende kung pipilitin niya ako, baka pumayag ako.

"Oo nga, iba talaga kapag may nakikilalang babago sa buhay mo, Mojow, aray!" hampasin ba naman ako sa braso noong tumawa ako nang malakas.

"CEEra ulo ka talaga, pero seriously, maganda ang values n'ya. Tara, tingnan natin kung meron sila, bibilhan kita," ang sweet naman ni Mojow, ibibili pa ako ng libro na hindi ko alam kung mababasa ko. Tulad nang sinabi niya ay hinanap namin ang libro.

"Eto na, tara bayaran na natin, basahin mo 'to, ha?" Mukhang mapipilitan pa nga akong magbasa ng wala sa oras. Hindi kasi ako mahilig magbasa ng libro. Kung magkataon, first time ito.

"Oo na, gusto mo yata bigyan pa kita ng book report," e kung makapilit sa akin e ganoon na lamang!

"Remembrance mo na lang sa'kin," ang cheesy naman yata kung sasabihin kong kinikilig ako pero kinilig nga ako sa ginawa niya!

"Sige,"

"At ito naman, nakita ko ro'n, mukhang maganda kaya kinuha ko, basahin mo rin. Teka, babayaran ko lang," paglabas namin sa bookstore ay nagpalit kami nang binili.

"Ano ba 'to?" binasa ko lang 'yong nakasulat na desciption sa likuran, mukhang interesante kaya kinuha ko agad.

"E 'di libro." totoo naman e.

"CEEra, ibig kong sabihin, ano'ng libro?" binuksan niya ang nasabing libro at winasak pa ang plastik na balot noon, binasa niya 'yong title.

"The Girl Who Loved Him," binasa niya 'yong desciption sa likuran ng libro. Napangiti siya sa nabasa, mabuti naman at nagustuhan niya.

"Aba, mukhang maganda nga ito, ah," kasing ganda mo.

"S'yempre naman dahil ako ang pumili,"

"Salamat din pero bago pa tayo magka-iyakan dito, tara na," hinatak ko siya palayo. Nakaladkad siya kaya naman sinigawan niya ako.

"Hoy! 'Wag mo akong hatakin," binitiwan ko siya agad mahirap na at baka magwala pa. Bakit nga ba kasi may paghatak pa ako? Masyado lang kasi akong na-excite.

Malapit nang maghapon kaya naman dinala ko siya sa tapat ng dagat sa MOA para sabay namin panoorin ang sunset. 

Masyado bang romantic? Napanood ko lang din 'yon sa mga pelikula pero ngayon ko lang naisipang gawin kasama ang isang babae.

"Dalian mo na, upo!" sabi ko.

"Bakit ba?"

"Ayan, oh!"

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now