"Uy, thank you, ha?" para saan naman kaya?
"Oh, talaga? Ano'ng sabi?"
"Si Mommy talaga, oh," si tita? pinag-uusapan nila si Tita? Ano'ng meron? Namamatay na ako sa curiosity! Mag-share naman sila!
"About what?"
"Bye," sabi ni Mojow bago ibaba ang tawag ng tisoy na 'yon. Ngumiti ba naman nang malapad matapos ibalik ang phone niya sa bag.
"Si Philip?" ang saya naman yata niya at tumawag ang isang 'yon. Bakit kaya?
"Oo, eh," hay naku! 'Wag na 'yon! Nandito naman ako! Ako na, ang bitter ko!
"Ano'ng sabi?"
"Nasa bahay raw s'ya at hinatid si Mommy tapos, ayon, may sasabihin daw s'ya sa akin pag-uwi ko," nakikipag-close rin kay Tita! Sorry ka na lang tisoy, nasa akin na ang puso ni Tita.
"Kinikilig ka naman," mang-aasar lang nang kaunti.
"Hindi naman, OA lang?"
"Ah, teka, saan mo gustong kumain?" Gutom na kasi ako e kaya ko rin natanong.
"Kahit saan na lang,"
"Ano bang gusto mong kainin?"
"Pizza,"
"Tara," kumain kami sa isang pizza place.
Mukha namang nasiyahan siya sa napili kong restaurant. Ang epic ng mukha niya no'ng nakita niya 'yong in-order kong pizza, paano ba ba naman, over sized.
Pero mabuti at nagustuhan niya dahil naubos niya rin 'yong pasta kaya masaya na ako kahit ako pa ang nagbayad ng lahat.
Actually, sabi niya na hati raw kami sa bill pero sabi ko, ako na ang bahala. Nagpasalamat siya kasabay ang ngiti, napakaganda naman!
"Ano? Busog ka na?" tanong ko.
"Ah..." hindi siya makapagsalita sa sobrang kabusugan.
"Hindi pa tapos ang food trip natin," tataba ka sa piling ko, Mojow.
"Ano? Talaga?" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Patawa na naman mukha ang epic niyang mukha.
"Ayaw mo na?" Malamang e, ano?
"Busog na kaya ako,"
"Ayaw mo ng ice cream o kaya milk tea?"
"Gusto! Milk tea na lang," bumili kami ng milk tea at ininom namin habang naglalakad sa palibot ng mall.
Napadaan nga kami sa bookstore dahil may gusto raw tingnan si Mojow. Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala siya sa libro.
"Nagbabasa ka pala?" Wow! May bago na naman akong nalaman tungkol sa kanya.
"Oo naman," nagtanong pa ako e halata naman sa mukha niya nang pumasok kami sa bookstore, para bang lumiwanag 'yong mga mata niya nang makita niya ang mga libro sa shelves.
"Ano'ng madalas mong binabasa?" Para may idea naman ako sa interes niyang basahin.
"Lovestory," nabalot ng hiya ang kanyang mga mata pero natuwa ako dahil inamin niya ang totoo.
"Aba, romantic ka rin pala, Mojow," nice one!
"Oo naman, pakiramdam ko kasi minsan kapag nagbabasa ako ng isang libro, ako 'yong bidang babae," parang ganyan naman halos lahat ng mga babae.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 23
Start from the beginning
