"Basta, Joan, ha?" kumalas na rin si Mama sa pagyakap kay Mojow.
"Sige po, Tita," si Mama talaga kung makapagbilin akala mo naman, 8 years old na bata ang iniwan niya, pero okay na rin dahil kay Mojow niya ako binilin.
"Hoy, Cheska, 'wag kang pasaway do'n. Susunod ako agad kapag nalaman kong nagwawala ka," ginugulo ko pa ang buhok niya.
"Kuya naman! Kay Papa pa lang, yari na ako e. Grabe naman! Ang tagal kong inayos ang buhok ko, 'wag mong guluhin," inayos niya 'yon agad.
"Buti, alam mo," pasaway na bata 'yan e.
"Joan, sorry sa lahat ng ginawa ko sa'yo at sa lahat ng nangyari, 'wag kang mag-alala, ayos na tayo," mabuti naman at ayos na sila sa wakas.
"Ah, sige, ingat kayo ro'n, tandaan mo lang na mahal ka ni Ken," tiningnan ko siya kung ano'ng reaksyon ng mukha niya pero wala namang bakas ng lungkot, buti naman.
"Alam ko naman 'yon," mabuti naman kung gano'n.
"Oh, pumasok na kayo at baka maiwan na kayo ng eroplano," itinulak na nila ang kanilang mga maleta na inilagay namin lahat sa cart papasok ng airport.
"Bye, Kuya at Joan, ingat kayo," at 'yon nga pumasok na sila at kami naman ni Mojow ay bumalik na sa sasakyan. Siya nga pala ang step two sa libro kuno ko ay...
STEP 2: APPRECIATE EVERYTHING ABOUT HER.
"Uy, Mojow, tara, magro-road trip," pauso na naman ako! Saan naman kami pupunta? Bahala na kung saan dalhin ng tadhana!
"Ha?" Ewan ko kung bingi lang talaga itong si Mojow o may pagka-slow.
"Sabi ko, mag-roadtrip tayo,"
"Saan naman tayo pupunta?" tama ang tanong na 'yan dahil hindi ko pa sigurado kung saan nga ba?
"Kung saan tayo dalhin ng sasakyan,"
"Ano?" sayang din kasi ang pagluwas namin kung uuwi lang din kami agad. Quality time muna kasama siya.
"Masaya 'to," bumabalangkas na isipan ko ang mga posibleng mangyari.
"Hoy! Kapag tayo nawala," mawala? Kasama ako? Oh, come on.
"Hindi 'yan! Nasa puso mo lang naman ako e," ngumisi pa ako sa kanya. Banat-banat din 'pag may time.
"Umuwi na tayo, baka mawala pa tayo rito kung nasaan man tayo ngayon,"
"Wala! KJ ka na, Mojow," ano ba yan? As if naman, hahayaan ko siyang mawala. Sa paningin ko nga, ayaw ko siyang nawawala, sa kung saan pa ba? Magbayad pa ako ng tour guide e kung gusto niya.
"'Di ako papayagan ni Mommy," palusot pa, Mojow!
"Pumayag na, pinagsabi na kita, ingat daw tayo," ayos ah, ang advance ko pero joke lang talaga 'yon, mamaya ko na ite-text kapag pumayag na siya.
"Relax ka lang, ako nang bahala," makalipas ang ilang oras ay nakarating kami sa Mall of Asia.
"MOA?" tinanong pa talaga niya e nakikita na naman niya.
"Hindi," sabi ko sa kanya sabay tawa. Biglang nag-ring ang phone niya, nasilip ko na si tisoy ang tumatawag, bakit naman kaya?
"Ah, nasa MOA," parang nahihiya pa siyang banggitin sa kausap.
"Paano mo nalaman?" nakikinig lang ako sa mga sagot ni Mojow. Ano kaya ang sinasabi ni tisoy sa kabilang linya?
"Oh, I see, nand'yan ba si Mommy?" iniisip ko kung ano nga ba ang isinasagot ng kausap niya sa kabilang linya.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 23
Start from the beginning
