"Oh, e 'di manligaw ka," ah, so okay lang pala? Wala talagang magiging problema?
"Okay lang sa'yo?" 'Yon! Okay naman pala e, sabihin ko na kaya?
"E hindi naman 'yon mangyayari, alam ko," imposible ba talaga para sa kanya? Baka mahimatay siya nang wala sa oras kapag nagtapat ako ng feelings ko.
"What if nga e, hindi ka marunong sumagot ng tanong," e ang gulo niya!
"Ah, okay, e 'di manligaw ka nga," 'yon lang talaga ang masasabi niya?
"Tapos?" Wala na bang iba?
"Tapos, ano?" para namang may sense 'yong sinabi niya, wala naman.
"May pag-asa ba?" teka, hindi ba masyadong halata ang tanong ko sa kanya?
"Ha? Ano bang tanong 'yan?" naguluhan na siya nang tuluyan.
"Sus, hindi talaga marunong sumagot ng tanong! 'Yan ba ang business student? Malulugi ka n'yan, Mojow," inaasar ko lang talaga siya, ang gulo ng sagot niya e. Gusto ko lang naman talagang magkaroon ng kahit kaunting ideya sa tingin niya sa akin.
"Depende naman kasi 'yon e," depende? ano bang sinasabi niya ngayon?
"Depende saan?" Umabante na uli kami sa biyahe dahil lumuwag na ang traffic.
"Sa kung maipapakita mo na deserving ka sa oo na matatanggap mo," siyempre naman deserving ako. Kung si tisoy lang naman ang kalaban, e palagay ko naman ay may edge ako.
"Ah, gano'n?" 'Yon lang ang nasabi ko sa haba nang sinabi niya.
"Teka nga, bakit ka ba interesado? 'Wag mong sabihing may gusto ka sa akin?" tanong niya habang nakatitig sa akin. Hindi ako sumagot agad kaya tumawa siya nang malakas. Nawala yata sa isip niya na may natutulog sa likuran namin.
Teka lang, halata na ba ako? Paano ba ito? Hindi pa ito 'yong time para sabihin sa kanya. Gusto sa isang special place ko sabihin sa kanya ang lahat hindi rito sa sasakyan.
"Ikaw pala ang vain d'yan e, 'wag ka pating maingay at may natutulog," bigla niyang tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay. Sabi ko na nga ba at nakalimutan niya na may tulog.
"Ay, sorry, bakit ka nga nagtatanong, ha?" nakatingin siya sa akin habang ako ay nasa kalye ang mga mata. Bakit nga ba kasi ako nagtatanong? Dahil hindi ko pa matanong nang deretsahan? Siguro nga.
"'Di ba nga sabi ko sa'yo, may nagugustuhan ako," mag-isip ka kung sino pero alam ko na hindi mo maiisip na ikaw mismo.
"Sino ba kasi 'yon?" ano bang sinabi ko?
"Basta, makikilala mo rin 'yon, baka mamaya lasunin mo pa ang isip niya e magbago ang isip sa akin," iligaw natin siya sa katotohanan baka kapag nalaman niya ay mahalikan niya ako sa tuwa.
"Gano'n?" Oo! ganoon na nga!
"Uy, ang gaganda ng mga best friends mo, ano'ng nangyari sa'yo?" gusto kong gumulong sa katatawa pero hindi ko magagawa ngayon.
"Ang sama mo! Pero magaganda naman talaga sila," may paghampas pa talaga sa kanan kong braso for emphasis. Pero Mojow, ikaw pa rin naman ang pinakamaganda sa lahat, huwag kang mag-alala.
Tuloy lang ang biyahe at asaran namin hanggang sa makarating kami sa airport.
"Anak, ingat ka lagi, balitaan mo ako," yumakap pa si Mama sa akin at pati si Mojow ay niyakap niya.
"Joan, alagaan mo itong si Cee habang wala ako," ano bang ginagawa ni Mama?
"Ma! Hindi mo naman ako kailangan ibilin, kaya ko ang sarili ko," para kasi akong kinder na ibinilin sa kapitbahay.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 23
Start from the beginning
