"Oo nga e, ayaw pa kasing sumama sa amin, alam mo na," tumingin siya kay Mojow tapos balik ang tingin kay Tita. Halata naman na nakuha rin niya ang sinasabi ni Mama kaya natawa na lang ito at sumang-ayon.

"Hay naku, balae! Ako na ang bahala sa anak mo. Mabait naman 'yan, kung ano-ano pating pagkain ang dinadala sa bahay, pakiramdam ko nga ay tumataba na ako dahil sa mga dinadala niya."

"Pansin ko nga balae, alam mo ba never kami n'yan ginawaan ng desserts, ewan ko ba sa batang 'yan," nagsumbong pa talaga kay Tita si Mama. Nahiya naman ako bigla.

"Ma, baka mahuli na tayo sa flight natin," oo nga, long drive pa naman at baka kapag hindi pa kami umalis ay kung ano pa ang ikuwento ni Mama kina Tita.

"Oo nga pala! Naku, balae, paano ba 'yan? Aalis na kami... sayang at ngayon lang tayo nagkakilala, gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan sa'yo, kaya lang babiyahe pa kami," next time na lang, po. Naku! baka sa susunod ay kung saan na mapunta ang usapan ninyo. Baka maipakasal ninyo kami nang wala sa oras.

"Oo nga e, hayaan mo, mag-video call tayo minsan," e 'di sila na nga ang mag-video call.

"Sige, add na lang din kita FB, alis na kami, balae," nagbeso pa silang dalawa.

"Ingat kayo, balae," sabi ni Tita matapos ang beso.

"Sige, kayo rin d'yan," ang sweet nila! Sana si Mojow rin sa akin. Asa pa ako!

"Bye po, tita," sabi ni Cheska kay Tita Isay. At 'yon nga, isinarado ko na ang pinto ng sasakyan.

"Tita, balik na lang po kami mamaya," at 'yon na ang hudyat para umalis.

"Ingat, ha? I-text n'yo ako sa update," ngumiti siya sa amin.

"See you later, Mee," sabi ni Mojow at bumeso pa rito para pagpapaalam.

Bumiyahe na kami at sa harapan kami ni Mojow naupo dahil ako mismo ang magmamaneho.  Ang tahimik nga sa sasakyan e. Nakatulog na kasi sina Mama at Cheska.

"C-" "Moj-" parehas pa nga kami ng nasa isip, ang isa't isa. 'Yan tayo e!

"Sige, mauna ka na," baka kasi mas importante 'yong sasabihin niya.

"Ah, ano kasi, pasensiya na kay Mommy kanina, ang kulit e," parehas naman sila actually at sa totoo lang ay walang kaso sa akin dahil nakatutuwa silang tingnan mag-usap.

"Si Mama rin naman, hayaan mo na ang mga 'yon," wala lang talaga sa akin ang nangyari. Sa totoo lang, puwede ko silang panoorin maghapon na mag-usap.

"E baka kasi isipin nila na mayroong tayo e wala naman. Baka pati napikon ka or something," ako mapipikon? 

Kung naririnig lang niya ang iniisip ko e baka kainin niya ang lahat nang sinasabi niya ngayon dahil pramis, ayos lang sa akin. Ano ba kasi ang naiisip niya at palagay niya ay maiinis ako? Nakangiti naman ako the whole time.

"Oh, e ano naman sa'yo? 'Di ba dapat masaya ka Mojow? Ang suwerte mo nga e," asaran mode on.

"Four words, CEEra ulo, vain... conceited," asar agad siya oh! Ang sarap tumawa nang malakas kung wala nga lang natutulog sa likuran e.

"Sino pa bang magsasabing gwapo ako? E 'di ako rin," walang masamang purihin ang sarili lalo na kung totoo naman!

"CEEra!"

"E paano nga kung halimbawa, halimbawa lang naman ano, what if manligaw ako sa'yo?" tingnan lang natin ang magiging reakyon niya. Sumulyap ako sandali sa kanya, sakto naman dahil tumigil ang sasakyan dahil medyo traffic.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now