"Ah, sige, ingat sa pagda-drive," ayos na kay Tito, sana kay Tita rin.
"Nasaan pala ang Mama mo?" naku po! Inuusisa na niya! I wonder kung paano sila mag-uusap e parehas silang maingay.
"Nasa sasakyan po, tita, bakit po?" Bakit nga kaya niya hinahanap si Mama. Gusto niya sigurong makilala? Naks!
"Ah, p'wede ko bang makilala ang future balae ko?" Natawa naman ako sa sinabi niya sa akin. Si Tita talaga ang kulit!
"Sige po," natawa pa ako pagkasabi n'ya. Para bang nakalimutan na niya na aalis din ang asawa niya.
"Aalis na kami Mee, mga anak, Joan, Belle, Nika, ingat kayo, ha? Makinig kayo sa Mommy n'yo," seryoso ang mukha ng daddy nila na wari ba ay kahit ano'ng minuto mula ngayon ay luluha na.
"Yes, dad," sabi nilang magkakapatid. Nagbeso-beso sila at nagyakapan.
"Cee, please look over them while I'm away," yes, dad! Joke lang! Wow! Ipinagkatiwala niya ang mag-iina niya sa akin? I'm flattered!
"Sure, tito, ako na po ang bahala," hindi ko naman talaga pababayaan ang mag-iina, kung puwede nga lang na sa kanila na ako tumira e, gagawin ko nang mabantayan ko sila lalo.
"Thanks, bye, guys," sumakay na siya sa van, matapos ma-isakay ang maleta niya sa likurang parte ng sasakyan ay isinarado na ang pintuan at umalis na. Siya pa lang ang nasa service nila kaya malamang ay may susunduin pang ibang mga katrabaho niya.
"Bye, dad," sabi ni Mojow na para bang naiiyak pero pinilit na hindi 'yon matuloy.
"Mami-miss ko si dad," napatungo si Belle nang sabihin 'yon.
"Ikaw lang? Tayo naman lahat," tinatanaw naman ni Nika ang papalayong behikulo na sinakyan ng kanyang ama.
"Oh, s'ya, pumasok muna kayo sa loob at may kakausapin lang ako," pumasok naman sina Nika at Belle sa bahay nila at sumama si Tita at Mojow sa sasakyan.
"Sino, mee?" napakamot si Mojow sa ulo sa narinig.
"'Yong future Mama mo," hala! si tita! Baka makahalata si Mojow n'yan.
"Ano, mee?" nawawala na siya sa sinasabi ng Mommy niya kaya naman binuksan ko na ang pintuan ng van.
"Wala, bingi mo naman anak, magpatingin ka kaya sa doctor?" Basag ka ngayon, Mojow! Wala ka pala sa Mommy mo e!
'Pag bukas ko ng pintuan ng sasakyan ay nagkukuwentuhan si Mama at Cheska pero natigilan sila nang makita kami.
"Ma, si Tita Isay po, Mommy ni Joan, Tita Isay, mama ko po, si Mama Cherry," agad namang nagngitian ang dalawa na inasahan ko na dahil palagay ko ay magkakasundo sila.
"Nice meeting you, balae," ano raw?
"Nice meeting you rin, balae, balita ko aalis ka na raw?" nakatatawa 'yong dalawa! Hindi lang ako makatawa dahil baka isipin ni Mojow, tuwang-tuwa ako sa nangyayari.
"Mee, hindi naman kami ni Cee, bakit balae?" Pero naririnig kong sabi ni Mojow sa mommy niya.
"Doon din naman ang punta no'n, my dear," natatawa na lang ako sa nakikita at naririnig ko pero pasimple lang. First time nilang magkakilala pero parang close na agad sila, wow! The power of moms.
"Oo nga, balae, kasama ko rin itong si Cheska," ngitian naman ni Tita ang kapatid ko at ganoon din ang ginawa niyang ganti.
"Ibig sabihin, solo na si Cee sa inyo?" sad and unfortunate pero ganoon na nga ang mangyayari.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 23
Start from the beginning
