"Right, right," sabi ni Meg na sumasang-ayon sa sinabi ni Belle.

"Buti dumating itong si Cee para tulungan kayo," sabi ni Tita, napangiti na lang ako.

"Sinabi n'yo pa, tita, kung hindi, ewan ko kung ano'ng nangyari sa amin ni Sistar Meg," nasaan ba si Mojow?

"By the way, Cee, I'm Meg, siya naman si Rie,"

"Hi, Cee," ngumiti naman sila parehas sa akin at nakipagkamay.

"Ano'ng meron?" sabi naman ni Mojow na kasalukuyang bumababa sa hagdan mula sa kuwarto niya.

Sa wakas naman at nakita ko rin ang pinunta ko rito!

"Oh, sistar, gising ka na pala," naks! Ang ganda naman na bagong gising na Mojow.

"Ang ingay n'yo kaya, ano?" e magkuwentuhan ba naman in full volume.

"Sistar! Siya 'yong kinukuwento namin sa'yo, oh, si Cee," nakangiting sabi ni Rie kay Mojow. Bida na naman ako n'yan.

"Siya?" tanong ni Mojow. Hindi naniniwala? Hinampas mo pa nga 'yong pasa ko last time.

"Uy, Cee, salamat, ha, tinulungan mo ang best friends ko," malay ko bang best friend sila ni Mojow. Sinuwerte rin at good shot na ako sa kanila agad. Pero kahit sino naman ang nasa kalagayan nila ng panahon na 'yon, tutulungan ko pa rin.

"Ah, wala 'yon, alam mo naman, hindi ko matitiis ang mga babae lalo na kung ganyan kagaganda," magaganda talaga sila, mas maganda pa sila kay Mojow sa totoo lang, ganyan ang mga tipo kong babae e lalo na si Rie pero ganoon talaga kapag tinamaan na ng pag-ibig. Iisa na ang laging tinitingnan.

"You're so nice talaga, Cee, friends kayo ni Sistar?" tanong ni Meg. Ah, oo, pero magiging more than that soon.

"Oo," simpleng pag-ayon.

"Great! You're not dating or anything?" nag-uusisa na nga po sila, soon pa! Wait lang, hindi kaya may gusto sa akin itong Meg at tanong nang tanong? Hindi naman siguro!

"Hindi, ano ba kayo!" Napangiti na lang ako at hindi sumagot.

"Pero sigurado ako, hinihiling ni Mojow na we're dating," pang-aasar ko, binabasag ko lang talaga siya.

"Hoy, CEEra ulo, hindi ano!" Ayan na naman kami! Parang aso at pusa.

"Mojow? CEEra ulo?" tanong ni Rie habang lumilipat ang tingin niya sa aming dalawa.

"Nicknames," sabi ni Belle. Ewan ko ba, bigla na lang lumitaw ang tawagan namin nang hindi namin pinilit at na-realized.

"Oh, well, tutal naman at nandito na tayong lahat, ay, wait, where's Nika?" oo nga! Nasaan ang isang 'yon?

"Nasa bahay ng friend n'ya, pag-uusapan daw 'yong parating na mall show nina Yani at KK, na-overheard ko lang," sabi ni Belle sa amin.

"Oh, well, kasama s'ya, ha?" Saan ang lakad nila?

"Ano bang meron?" Oo nga, ano bang meron?

"Eto na nga sistar, I'm inviting you guys sa resort namin sa Batangas sa Tuesday," wow, kasama kaya ako? Naks naman!

"Yon! May lakad na tayo ngayong sem break," excited si Mojow! Sama ako!

"Tamang-tama, wala na akong kasama sa bahay," tamang tiyempo na siguro 'yon para magsabi ako kay Mojow ng feelings ko para sa kanya.

"Great, I'll see you, ha? Ipapahanda ko na 'yong place for us," nasa itsura naman ni Rie ang pagiging mayaman, hindi na ako nagtataka.

"Ayos! Pero bago 'yan... tara at kumain muna tayo ng breakfast," pagyayaya ni tita sa aming lahat.

"Tita, gusto namin, kaya lang, male-late na kami ni Rie sa yoga class namin," sabi ni Meg. So health conscious pala ang mga ito? Ang Mojow, hindi! Ang takaw e!

"Yeah, she's right, tita, maybe next time," sabi naman ni Rie at bumeso pa kay Tita.

"By the way, thanks na rin, bye, Sistar, we have to go," si Meg uli sabay beso sa kanya.

"Bye, Belle, and nice seeing you again, Cee," sabi naman ni Rie at bumeso rin dito.

"Ingat, girls," sabi ni Tita.

"Nice seeing you again, ingat," hinatid namin sila sa may pinto.

Nagkuwentuhan kami habang kumakain ng tiramisu. Nalaman ko na paalis din pala si Tito Joey sa Linggo kasabay ng araw na paalis sina Mama at Cheska.

Mukhang hindi siya makakasama sa amin. Noong hapon din na 'yon, umuwi ako nang maaga dahil last day na ni Mama at Cheska sa bahay, dinatnan ko roon si Kenneth pag-uwi ko.

"Oh, Kenneth, long time no see, balita?" bungad ko sa kanya, halata sa mukha niya ang lungkot.

"Eto Kuya Cee, iiwan na ng kapatid mo," kawawa naman siya. Lalayasan na ng baliw kong kapatid. Ang gulo rin kasi talaga ng isang 'yan e.

"Hayaan mo muna siyang matauhan, magulo lang ang isip n'yang kapatid ko," totoo naman e! May matino bang magsisinungaling tungkol sa pagbubuntis? Wala! Baliw ang gumagawa no'n.

"Hoy, Kuya Cee, naririnig kita," e ano ngayon? Totoo naman ang sinasabi ko! Magreklamo siya kung nagsisinungaling ako.

"Pinaparinig ko talaga sa'yo, ano!" Baka matauhan kahit paano.

"Sus, mami-miss mo lang ako," siyempre naman mami-miss ko siya, baliw siya e, Psych graduate ako.

Oh, 'di ba? Pero kidding aside, close naman kasi talaga kami ng isang ito. Matigas lang talaga ang ulo niya at kay Mama lang nakikinig.

"Baka ang isang ito ang makaka-miss sa'yo," inakbayan ko si Kenneth na parang iiyak na sa lungkot.

"Teka... himala yata, kinakausap mo na uli ako," inaasar ko si Cheska. Ang tagal din kasi niya akong dinedma at sinungitan. Ako pa talaga e, ano?

"Nakausap na kasi ako ni Mama at napaliwanagan n'ya ako," hindi ko na aalamin ang pinag-usapan nila ni Mama, ang mahalaga ay okay na siya.

"Sus, kay Mama ka lang talaga nakikinig e, ang arte mo talaga!" Sumakit kasi ang ulo ko sa batang 'yan.

"Babalik ako, Ken, 'wag kang mag-alala, mag-iisip lang ako," ang arte talaga! Hindi ba puwede na dito mag-isip? Torture pa talaga kay Kenneth.

"Hihintayin kita," ang drama n'yo, pag-untugin ko kayong dalawa e.

"At kuya, hiningi nga pala ni Sasa ang number mo," ano? Naku naman! Ang kulit no'n e!

"Binigay mo?" Sana naman hindi niya ibinigay.

"Oo, bakit?" Patay na!

"Bakit mo binigay?" nakakainis naman itong si Cheska! Hindi muna ako tinanong bago ibigay.

"Hiningi nga," hay! Puwede namang sabihin na sa akin na lang hingiin.

"Naku, mangungulit lang 'yon e," bahala na nga, hindi ko na lang sasagutin.

"Ikaw na ang bahala, gawain mo naman 'yan," pati ba naman kapatid ko babaero rin ang tingin sa akin? Babaero na ba talaga ang friendly ngayon?

"Hindi na kaya, nagbago na 'yang si Kuya Cee, ano nga kuya?" sabi ni Kenneth, 'yon naman, may kakampi na ako. Nice catch, Kenneth!

"Oo naman, ikaw lang yata ang naniniwala sa akin, apir tayo r'yan," sabi ko at nag-high five kami.

"Siyempre," buong gabi kaming nagkuwentuhang apat.

Kahit 'yong kabaliwan niyang pagpapanggap na buntis siya napagkuwentuhan namin. Tinawanan na lang namin ang mga nangyari. Dito ko na nga rin pinatulog si Ken at baka ma-miss naman 'tong si Cheska pero siyempre, kami 'yong tabi sa kama.

Habang nag-e-empake siya at si Mama, kuwento nang kuwento si Mama ng mga experiences niya sa ibang bansa. Mukha namang okay ang buhay nila. Ayos naman ang businesss ng tatay ko. Huwag na nating pag-usapan ang isang 'yon dahil wala rin naman siya rito. Teka, makasasama kaya si Mojow sa paghatid sa kanila? Aalis nga rin pala si Tito.

--

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now