CHAPTER 22

Mula dari awal
                                        

"Cee, ang masasabi ko lang sa'yo, gawin mo na ngayon bago mahuli ang lahat," wow! pinapalakas pa talaga niya ang loob ko. Ang cool din talaga ni Tita sa mga ganitong bagay e.

"Mommy, my intestines are aching," sabi ni Belle na kalalabas lang sa kuwarto. Bleeding talaga, oh!

"Napaano ka?" tanong ni Tita. Gusto ko sanang sabihin na masakit lang ang tiyan niya at gutom na siya pero ayaw ko naman na magmagaling.

"May dala akong tiramisu," siguradong matutuwa siya.

"Kuya Cee, lagi ka nang may dala ah," bumaba ang tingin niya sa nasa lamesa.

"Eh kasi nga-" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni TIta.

"Eh, kasi nga, nagpa-practice s'yang gumawa ng desserts," ngumiti pa siya sa akin. Ang kulit talaga pero nakakaaliw dahil hindi annoying.

"Nasaan ba ang ate mo?" tanong ni Tita kay Belle.

"Sleeping pa yata e," ah kaya pala wala siya rito, natutulog pa pala ang Mojow ko. Naks! Mojow ko!

"Ah, akala ko naman nanliligaw ka na kay Ate kaya lagi kang may dalang food," sabi ni Belle.

Boom! Nadali na naman ako ah! Ang obvious ko na nga siguro. Bawasan ko nga nang kaunti, kaunti lang naman.

"Bago mahuli ang lahat sa bilang ng tatlo o apat, sundan mo, sundan mo...." ayos ah, magaling palang kumanta si Tita, ngayon ko lang nalaman.

"My gosh, tita, hindi ka pa rin nagbabago," sabi ng isang babae mula sa kuwarto ni Mojow. Parang nakita ko na ang babae na ito.

"Yes, sistar! Ang galing pa rin kumanta ni Tita," sabi pa ng isa. Sino itong mga ito? Bakit galing sila sa kuwarto ni Mojow?

"Oh? Kailan pa kayo nandito Meg at Rie?" tanong ni Tita sa kanila. Mukhang hindi sila sa pinto dumaan dahil walang nakakita sa kanila.

"Teka, hindi ko kayo napansin na pumasok," sabi ni Belle. Familiar talaga sila! Saan ko ba sila nakita?

"Tita! bago pa ba 'yan? Alam n'yo naman na meron kaming secret passage sa kuwarto ni sistar," sabi noong si Meg ayon kay tita.

"And to answer your other question, kagabi lang kami dumating, tita," sagot naman no'ng Rie.

"W-wait lang, sistar! Si knight in shining armor, oh," tinuro ako no'ng Rie. Ako? Knight in shining armor? Ano bang sinasabi nila?

"Oo nga 'no, sistar," sagot sa kanya ng kaibigan. Ay teka! sila ba 'yong...?

"Uy, bakit ka nandito? Nahanap mo kami agad? Wow ha, I'm impressed," dagdag no'ng si Meg.

Ah, sila 'yong tinulungan ko no'ng minsan na binabastos ng mga lasing sa may Mcdo. Tama! Sila 'yon!

"Magkakilala kayo? Ano'ng knight in shining armor?" Bakit nandito itong mga ito?

"Sorry tita, ano kasi, tinulungan kami nitong si... ah, what's your name?" tanong sa'kin ni Meg.

"Cee," sagot ko naman na nawiwirduhan sa nangyayari.

"So, 'yon nga tita, tinulungan kami nitong si Cee no'ng minsan dahil muntik na kaming ma-rape," si Meg ang nagsasalita. Ayos ah, para akong superhero, ang tagapagligtas.

"Grabe naman 'yan," e loko kasi ang mga 'yon!

"People now-a-days are pathetic, insane and perverts," bulalas ni Belle na may pag-irap pa. Nakita ko kahit nakasalamin siya.

It Started with a McFLOATTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang