Siya nga pala may dala uli akong pagkain. Ang aga ko nga na gumising kanina e para maghanap ng video tutorial. Buti bukas na 'yong malapit na grocery sa amin kaya nakabili ako ng ingredients.

'Pag pasok ko sa loob ng bahay ay bumungad agad sa akin si Tita.

"Good morning po, tita, may dala po akong tiramisu," yes, tiramisu naman.

"Aba, araw-araw na yata 'yan, ah," sana naman ay okay lang sa kanya.

"Ah, eh, nagpa-practice po kasi ako," teka... ano'ng sinasabi ko kay Tita?

"Culinary ba ang natapos mo?" ayan! Patay ka!

"Hindi po pero 'yon po sana ang gusto ko," totoo naman ang bagay na 'yon. Mahabang kuwento lang kaya hindi ko na tinuloy.

"Ah, eh, ano'ng nangyari?" Naku!

"Mahabang kuwento po," like I said.

"Maiba ako, Cee, may gusto ka ba kay Joan?" Tama ba ang narinig ko? Tinatanong ako ni Tita kung may gusto ako sa anak niya? Whoa! Unexpected question from an unexpected person.

"Ah, ano po, tita?" Bingibingihan na naman ako! Parang nakakahiyang umamin ngayon.

"Sabi ko kung masarap ba ito? Joke!" tumawa siya. "Sabi ko, kung may gusto ka sa anak ko?" Hala! nag-joke pa nga si Tita, nahiya ako bigla.

"Cee? Nag-blush ka? E parang kahit hindi mo na sagutin, alam ko na," ang lakas talagang makaramdam ng mga nanay. Bow na ako!

"Ah, tita, ano po kasi," panimula ko.

"Ano?" tanong niya na para bang interesadong-interesado sa sasabihin ko dahil nakatitig siya sa akin.

"Ah, eh, ano po, ah, paano ko ba sasabihin 'to?" Nakahihiya! ayaw ko sanang pag-usapan pero palagay ko, mas mabuti nang malinaw sa kanya.

"Madali lang, sabihin mo, 'tita, gusto ko po si Mojow,'" sabi niya nang medyo mababa na boses. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Tita, obvious po ba?" Obvious na obvious nga siguro ako. Halata niya kaya Ibig sabihin ba nito, alam na rin ni Mojow? Hindi, medyo slow 'yon sa ganito.

"Ay, hindi, hindi ko nga napansin, eh," tumawa na naman siya. Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Mojow. Grabe! ang kulit ng nanay niya!

"Nanliligaw ka na ba, ha?" Patawa naman si Tita parang mas excited pa sa akin.

"Ah, e, hindi pa po," 'yon naman kasi ang totoo. Ni hindi pa nga alam ni Mojow na may gusto ako sa kanya. Nauna pang malaman ni Tita Isay. How ironic!

"Bakit? Ang bagal mo naman!" Whoa! Sapul! Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya nang hindi niya ako pagtatawanan.

"Ano po kasi, ayaw po yata sa akin ni Mojow," natatawa pa ako in between phrases. Cee! Magdrama ba sa nanay? Pero seryoso, hindi ko alam! Mukhang gusto niya kasi talaga si Philip kaysa sa akin.

"Sa gwapo mong 'yan?" Buti pa si Tita napapansin ang kagwapuhan ko. E 'yong anak niya, wala! Bulag yata!

"E naunahan na po ako ni ti- ah este ni Philip po," eh ano naman kung mas gusto niya si tisoy ngayon, e 'di gagawa ako ng paraan para mahalin niya ako. Magkaiba naman 'yon e.

"Ang ganda naman ng anak ko, dala-dalawa ang may gusto, ke ga-gwapo at mababait pa," magiging isa lang 'yan, ako na lang ang matitira sa tamang panahon. Pramis, tita!

"E nagmana po sa inyo, tita, siyempre maganda," walang halong biro pero may halong bola, maganda si Tita kahit tatlo na ang anak niya.

"Wag kang masyadong honest d'yan, naniniwala naman ako e," ang kulit talaga niya. Natawa na lang ako sa sinasabi ni Tita.

It Started with a McFLOATDonde viven las historias. Descúbrelo ahora