|9| 1st day of School

645 17 0
                                    

Austhine's POV

Mabilis lang natapos ang isang linggo at ngayun ay simula na ng pasukan. Iniinda ko pa din ang sakit ng mga braso at binte ko dahil sa sunod-sunod na laban namin. We don't know why Star rushed everything at siniguro agad niya na hindi na makakahabol sa score namin ang Black Mamba. 

But the strange thing is mula sa rank 4 hangga sa rank 2 lamang ang hinamon ni Star dahil tuloy doon ay nasa rank 3 na ang Phoenix matapos naming matalo ang dating nasa Rank 4 at rank 3. Sinamantala kasi ng Phoenix na bumaba ang score ng dalawang rank na iyon at ang pagod nila mula sa laban namin kaya naman mabilis nila itong natalo at naagawan ng rank. 

Noong hindi pa alam ng mga tao na si Black Star at Star ay iisa ay hindi namin siya maaring lapitan kapag nasa school kami, ni hindi siya maaring makita ng mga tao na kami ang kasama sa iba pang public na lugar dahil maraming nakakakilala samin bilang kasama sa gang ni Black Star at baka isipin nila na siya nga si Black Star. 

Simula High School ay dito na ako nag-aral sa Star Arts University kung saan pag mamay-ari ni Star Del Ore. Habang si Shone, Star at Justin naman ay mga sanggol palang ata sila ay mag kakasama na sila. Then na kilala naman nila si Violet noong nasa Elementary na sila. Noong High school naman ako nilipat ng mga magulang ko dito sa Star Arts dahil malapit dito ang mga negosyo nila at dahil tamad silang palagi akong ihatid sa school. Pero dahil naman don ay nakilala ko silang apat. 

Noon ay hindi pa nabubuo ang Vortex pero kahit na wala pang Vortex ay hindi parin laging sumasama si Star sa kanilang tatlo, palagi ko naman noong inaasar si Violet kaya naman inabangan ako ni Star sa likod ng school at doon niya ako binalaan sa mga ginagawa ko kay Violet pero dahil don ay naging mga kaibigan ko sila. Masungit tigna si Star at nakakatakot pero kapag kami-kaming lima lang ang mag kakasama ay makikita mo kung gaano siya kamaalalahanin sa mga kaibigan niya. 

Hindi man namin siya palaging kasama sa school ay palagi naman niya kaming binabantayan at pinoprotektahan ng palihim. At bago  pa kami maging senior high school ay binuo na ni Star ang Vortex at dahil kilala siya bilang tagapag mana ng Black Crescent Moon at ang nag-iisang tagapag mana ng Del Ore family ay kinailangan niyang itago na siya din si Black Star. Nang mag 1st year college naman kami ay ipinaalam ng daddy niya at daddy ni Justin sa buong mundo na nakatakda silang ikasala kapag naka graduate na sila ng College na ngayun ay balak ng ipaalam ni Star sa mundo na hindi na ito matutuloy. 

Bumaba na ako sa kotse ko ng mae-park ko na ito. Nilapitan naman ako nila Shone nang makita nila ako. Mukhang kanina pa sila nandito sa parking lot para antayin si Star at ako naman ay kadarating lamang. 

"Muntik kana maunahan ni Star." bungad agad sakin ni Violet. Naka cross arms pa ito at nakataas ang kilay. 

"Pasensya! Ang sakit kaya ng katawan ko." sarcastic kong sagot dito. 

"Tabi." kalmadong sabi samin ni Justin dahil may limang sports car ang dadaan at mag papark sa katabi ng pinagparkingan ko. Sakto naman at lima din ang bakante doon habang ang mga sasakyan naman nila Shone ay nasa katapat ng pinag parkingan ko. 

"Siga naman ng mga to." puna naman ni Violet. Akala mo naman ay hindi din kami ganoon kapag mag kakasama kami. 

Sabay-sabay naman nag babaan ang mga driver ng mga sports car at dahil katabi ko lang ang isang sasakyan ay nakilala ko kaagad ang laman nito. He was Lex Cruz the leader of Phoenix. Hindi ko alam na dito pala nag-aaral ang mga ito. 

Mali, baka lumipat sila dito dahil nalaman nila na si Star ang may-ari ng school na to? 

"Oh, Vortex!" sabay na imik ng dalawang lalaking sobrang magkamukha. 

"Hello?" bati naman ng babae nilang kasama. Mukang mabait naman ang babae. 

"Let's go, kailangan pa natin asikasuhin ang mga sched natin." nag lakad naman agad palayo ang Leader nila. 

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now