|22| Date

334 15 0
                                    

Lex's POV

Nagising ako dahil sa pag tunog ng cell phone ko, wala naman akong alarm at isang beep lang naman iyon kaya mukhang may nag message lamang sakin.

Kahit nakapikit ang kanan kong mata ay binuksan ko ito at "unknown number" ang bumungad sakin. Napadilat at balikwas ako ng bangon ng mabasa ko ang message.

"Meet me at La Picara at 10am - Star Del Ore" is this a scam? Where the heck is La Picara? At syaka kung si Star ito ay pano niya nalaman ang phone number ko.

May nang pa-prank ba sakin?

I'm looking myself at the mirror. "What the heck, Lex?" I ask myself ng ma-realize ko kung ano ang ginagawa ko.

Nakaligo na ako at ayus na ayus pa. Hindi naman ako sigurado kung sino ang nag padala ng message na yun sakin pero bakit parang willing na willing ako pumunta? Syaka isa pa ni hindi ko nga alam kung saan ang La Picara na iyon.

Pero bihis na bihis na din na mana ako at 9am na. Tsk what ever! Kapag nalaman ko na pina-prank lang ako ng kung sino ay malilintikan siya sakin.

Nang lumabas ako ng kwarto ay iniisip kong nakaalis na ang mga kaibigan ko. Well hindi naman sa nag kamali ako ng akala pero naiwan si Mhiya at nanunuod sa sala.

"Finally gising kana!" Aniya kahit hindi pa naman ako nililingon.

"Bakit nandito kapa?" I ask her. Syaka siya lumingon sakin at tinignan niya ako agad mula ulo hanggang paa.

"San ang punta mo?" Balik na tanung nito sakin.

"Normal na ba ngayung sagutin ng tanung ang isa pang tanung?" Lumapit na ako sa kanya at umupo sa sofa katabi niya.

"Oo, ginawa mo nga din eh." Napa iling nalang ako dahil sa dahilan niya.

"May lakad lang ako. Ikaw bakit nandito kapa?" Pinag masdan ko ang paligid at talagang napaka linis.

"Naglinis muna ako ng bahay mo, syaka inantay na kita gumising bago ako umalis sana." Dinampot niya ang remote ng TV sa center table at pinatay ang TV.

"Now that's you're awake at mukhang may lakad ka din naman ay mauuna na ako sayo." Tumayo na ito at akmang iiwan na ako.

"Saglit!" Huminto naman siya at muli akong nilingon.

"May itatanung lang ako. Saan ba ang La Picara?"

Kung hindi ko pa kinulit si Mhiya bago makaalis sa bahay kanina ay hindi ko malalaman na matatagpuan pala sa BGC ang resto na tinutukoy sa message kanina. Hindi pa naman ako late, to be honest ay sakto pa nga ang dating ko. 

"Mr. Cruz?" bungad sakin ng isang waiter ata siya dito sa La Picara. 

"Yes." tipid kong sagut dito. 

"May reservation na po si Miss Del Ore, follow me po." So this is not a prank? Talagang siya nga ang nag message sakin para makipag kita sa kanya dito? Bakit naman kailangan pa naming mag kita sa isang restaurant kung malapit lang naman ang tinitirhan namin sa isa't isa, at isa pa may mga restaurant din naman sa complex niya. 

But I set aside my thoughts at sinundan ko na ang waiter. Hindi naman kalayuan sa entrance ang pina reserve ni Star at isa pa ay walang ibang tao dito ngayun. 

Habang sinusundan ko ang waiter ay nasa mag kabilang bulsa ng pantalon ko ang aking mga kamay. Huminto ang Waiter sa isang table kaya naman huminto din ako. "Miss Del Ore, Mr. Cruz is here." sabi nito sa babaeng nakaupo. Nang lumingon ito ay siya na pala si Star. Pero ang pinag tataka ko ay sa harapan niya ay may nakaupo din isang matandang lalaki na sa palagay ko ay nasa late 50's na ito. He's wearing a corporate attire and look so familiar.

I'm Dating the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon