|2| The Return

1.4K 34 2
                                    

Violet's POV

"Good Evening, Ma'am" Bati sakin ng bouncer. Dahil kaibigan namin ang nag mamay-ari ng bar na ito ay kilala kami ng lahat nang nag tatrabaho dito. Sinalubong naman ako agad ni Lucas, isa sa mga waiter dito. 

"Good evening miss Violet." ngumiti naman ako sa kanya. 

"Marami na po'ng tao sa loob, ihahatid ko na po kayo sa Private room ninyo." Iginiya naman nito ang daan patungo sa emergency stairs pa taas sa second floor kung saan matatagpuan ang mga private room. 

"Ang aga pa pero madami na agad tao?" tanung ni Austhine na nasa likuran ko. Nasa silip naman ako sa relo ko dahil sa sinabi niya. It was 9:30 in the evening.

Austhine Ford
Age: 22 B/day: May 26, ****
4th year college: Master of Business and Administration (MBA)

"Yes po Sir, mukhang sinusulit ng mga tao ang natitirang huling isang linggo ng bakasyun nila." paliwanag ni Lucas habang binubuksan ang pinto. Pag bukas niya ay nauna na din siyang umakyat. 

"Mag-iingat ka, Violet." paalala naman sakin ni Shone.

Shone Fernandez
Age: 22 B/day: May 21 ****
4th Y/c : MBA

Nang umalis si Black Star dalawang taon na mula ngayun ang nakakaraan ay sa kanya niya ako hinabilin. Hindi ko naman kailangan ng pag-aalaga ng iba, tanging si Black Star lamang ang gusto kong nag-aalala at pomoprotekta sakin. 

Inalalayan niya ako sa pag-akyat sa hagdanan. "Nakita na ba ninyo sa forum ang pag hahamon ni Thomas satin?" walang ka emo-emosyung tanung niJustin samin habang umaakyat kami. 

Justin Hemares
Age: 22 B/day: July 26 ****
4th Y/c : MBA

Nakita ko nga ang post na yun ni Thomas sa forum, balak ko din sanang itanung yun sa kanila dahil ipinupusta niya ang kanyang dalawang golden gun kung saan matagal na itong nais makuha ni Black Star. 

"Yeah, I saw that last night. Naka pusta ang baril niya." sagut ni Austhine. 

Nang makaakyat na kami ay iniwan na kami ni Lucas, nasa dulo ang private room namin at kaya na naming pumunta doon. Kita naman mula dito sa taas ang dami ng taong nag sasayaw at nag papakalasing sa ibaba, pero dahil sa dingding na glass ay hindi ganoon kalakas ang tugtug dito sa taas. 

Violet Monter
Age: 21 B/day: June 1 ****
4th Y/c MBA

We are part of a gang kung saan car racing ang pinag kakaabalahan at hindi kung ano pa mang illegal na gawain. May tatlong Gang System kung saan isa si Black Star sa mga nag tatag nito. Black Star is the Founder of GS1, Habang si Hayana Duke ang Founder ng GS2 at si Ashira Shoto naman ang Founder ng GS3. Para makasali ka sa mga GS kailangan mong mag karoon ng apat hanggang limang member at ikaw ang bahala kung saang GS ka bibilang. Pero sa oras na nakasali kana sa GS ay hindi ka maaring makipag laban sa ibang Gang System nang walang approval ng Founder ng GS na pinili mo. At kada isang taon nag kakaroon nang tournament kung saan mag lalaban ang lahat ng rank  nang tatlong Gang system. 

May 10 ranking ang bawat GS at na di-ditirmena ito ayun sa dami ng panalo mo sa bawat laban. At ang Rank 1? ay walang iba kundi kami pa din, Vortex. Hindi porket umalis si Black Star ay pababayaan namin ang rank namin na pinaghirapan ni Black Star. Babalik siya at hindi namin hahayaang madismaya siya samin. 

"Halatang despirado na si Thomas makaapak ng Ranking at tayo talaga ang hinamon niya." Puna ni Austhine. Huminto kami sa tapat ng pinto ng room namin. 

"Papatulan ba natin sila?" tanung ni Shone. 

"Madumi sila lumaro, kung sa skills lang alam nating kaya natin sila matalo, pero dahil madaya sila baka kahit manalo tayo ay tayo pa ang mapahamak." may point si Austhine, sa bawat laban ng gang ni Thomas ay lahat nang na kalaban nila ay na aksidente dahil sa kadayaan nila. Kaya din wala ng may gustong tumanggap ng hamon nila at kalabanin sila. Pero sa oras na makaapak sila sa ranking ay hindi na sila pwedeng tanggihan ng hahamunin nilang mas mababa ang rank sa kanila o wala sa ranking.

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now