|41| The Tournament

255 5 0
                                    

Lex's POV

We all staying at Clyde's very own five star hotel. Hindi man siya parte ng Gang System ay naging tradisyun na itong hotel niya ang tinutuluyan ng mga gang na mapapasama sa tournament na ito against Japan.

Mag kakasama ang bawat gang sa isang malaking room kung saan may limang single beds, may television, small sala and two bathrooms and 1 toilet room. Nang maiayus na namin ang mga gamit namin ay syaka kami tumungo sa common room na sinabi ni Star. Mag-kakaroon ata muna kami ng meeting dahil bukas nang gabi ay magsisimula na ang tournament laban sa mga pinaka mahuhusay na car racer ng Japan at iba pang bansa.

"Ako lang ba ang kinakabahan?" ani Mhiya bago ko tuluyang buksan ang pinto ng common room. Walang sumagot samin dahil nang buksan ko ito ay napaka tahimik sa loob kahit pa halos mapuno ang room sa dami ng tao.

Anim na gang ang nandito ngayun kaya naman talagang mapupuno ito ng mga tao. Humanap kami ng pwesto at mabilis na sinuri ng mata ko kung nasaan sina Star pero nabigo ako dahil wala akong nakita ni isa sa mga ka gang members niya. "Parang wala pa ang Vortex ah." Puna ni Jarrus na hindi ko na pinansin. Sapat na ang disappointment ko na hindi ko siya makita ngayun kaya hindi na dapat pang sabihin sakin.

"Dadating din yun Lex, hindi mo need maging sad diyan." halata sa boses ni Mhiya ang iritasyun. Naupo na muna kami sa mga sofa dahil dito lamang sa parang sala ang walang tao. "Pareho kayong moody ngayun nu?" siniko naman ni Jarvis si Jarrus dahil sa sinabi ng kakambal niya. Siguro dahil kay Haldrin kaya naman mabilis mag bago ang mood ni Mhiya. Tahimik man si Haldrin pero naiirita parin sa kanya si Mhiya.

"Shut up Jarrus!" mabilis namang tinakpan ni Jarrus ang bibig niya dahil sa pag-agsik sa kanya ni Mhiya.

Napukaw ang atensyun namin ng bumukas ang pinto at mula roon ay unang pumasok si Violet while holding hands with Shone. Mukha silang magkasintahan na mahal na mahal ang isa't isa, Shone's love for her is stronger that what Violet's for him and that's a good sign na hindi sasaktan ni Shone ang pinsan ko. Sunod nila ay sina Austhine at Justin. Nabubuhay na muli ang saya sa dibdib ko pero nag laho din naman ito nang isara ni Austhine ang pinto nang hindi pa pumapasok si Star. Where the heck is Star?

"Parang wala siya boss." pangungulit nanaman ni Jarrus sakin.

"Parang si Shone at Violet na ano?" inosenting sabi naman ni Jarvis pero mabilis siyang tinignan ng masama ni Haldrin at Mhiya. At least hindi lang ako ang bigo ngayung gabi.

Apparently ay wala nga si Star dahil may meeting siya kasama si Clyde para sa mga business nila dito sa Japan, sa lahat nalang ata ng mundo may business siya, wala na yata siyang ibang gusto gawin kundi ang yumaman ng husto.

Hindi ko rin siya nakita sa hotel at sa mismong laban nalamang siya nag pakita sa lahat.
Mas mahaba ang course na ito kumpara sa Star Mountain, mas marami ding mahihirap na daan at may mga sobrang kipot pang kalsada sa tuktuk ng bundok. They call it the devil's highway at hindi nakakapagtakang ito ang ipinangalan nila dito.

Maraming tao ang nanunuod ngayun ngunit hindi ito gaya ng kung akong merun kami sa Pilipinas. Wala silang white screen upang mapanuod ang nangyayari sa buong laban. May mga admin lamang sa bawat kanto ng course mula sa starting point ___ kung nasaan kami ngayun, hanggang sa finish line. Ibabalita lamang nila sa mga walkie-talkie ang nangyayari. Kaya naman mas kakaunti ang tao dito sa starting point. Ang ilan sa mga tao ay humanap ng pinaka delikadong daan at doon nila nais mapanuod ang mga nakakamanghang karera na mangyayari.

"So makikinig lamang tayo sa mga walkie na ito?" Bawat gang ay binigyan ng walkie talkies upang masubaybayan namin ang nangyayari sa laban.

The craziest part of this tournament is mag kakasabay lalaban ang lahat ng representative ng bawat gang, kaya kahit pa may dalawang representative ang tatlong gang system ay kami kami paren ang magkakalaban. Isa lamang sa amin ang mananalo sa kahulihan ng karerang ito.
Dalawang beses lamang kami maaring matalo, at kapag naging tatlo ang talo ay hindi na maaring lumaban ang gang na iyon.
Pwedeng isang representative ng isang gang lamang ang lumaban ng lumaban hanggang sa ito ang manalo, ngunit imposibleng may ganoon kagaling sa lahat ng mga karerestang nandito ngayun. Undefeatable? That's inhuman.

"Sinong unang lalaban sa atin?" Jarvis exclaimed. Hindi ko alam kung na e-excite ba siya o kinakabahan dahil sa taas ng boses niya.
"I'll go first!" Haldrin volunteer. Tatlo lamang ang mananalo sa bawat karera at ang lahat ng mas mababa sa rank 3 ay eliminated na hanggang sa makatatlong talo ang gang na yun at sila mismo ay hindi na maari pang sumali.
"Delikado ang karerang ito, Haldrin!" Tumango agad siya sa sinabi ko.
"Don't try to win recklessly. Kapag hindi na kaya ay wag na." Dagdag ko pa.


I'm so grateful na naipanalo ni Haldrin ang unang karera, nasa third place siya habang 1st naman si Shone. As expected sa mga member ni Star. But unfortunately ay hindi ko parin nakikita si Star kahit saan. Hindi naman marami ang tao dito sa starting line pero hindi ko makita ang kotse niya.

Si Mhiya naman ang unang lumaban at sa Vortex ay si Justin na ang lalaban. Si Hayana naman para sa gang niya, it's unusual na siya agad ang lalaban matapos matalo ng una niyang ipinanglaban. Tatlong talo naman para matanggal sa karera pero mukhang gusto niyang mag siguro ng panalo. Ang pangalawang rank naman kanina ay Japan team.

Kagaya kanina ay sa Radio lamang namin nakikinig ang nangyayari nang mag simula ang karera. Swerte'ng uno ang nabunot ni Mhiya kaya naman nasa unang linya siya. Napapanatili naman niya ang bilis niya at palagi naming naririnig na nasa unahan parin siya ng karera at sumunod sa kaniya si Hayana.

Sobrang nainis lang ako nang marinig kong sa radio na binunggo ni Hayana ang sasakyan ni Mhiya kaya naman umikot ito at yun ang may dahilan kung bakit natalo si Mhiya. The win doesn't concern me, ang ikinagagalit ko ay ang kadayaan ni Hayana na muntik nang ikapahamak ng pinsan ko!

1st place si Hayana dahil sa kadayaan niya habang pangalawa naman ni Justin at Japan team naman ang pang third pero ibang gang kesa sa unang nanalong japan team sa unang round. Hayana will pay for her dirty game!

☆☆☆

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now