|28| Black Crescent Moon (Last part)

279 11 0
                                    

Clyde's POV

Isang pagsubok nalang ang natitira upang maging si Star na ang bagong pinuno ng Black Crescent Moon at makakabalik na muli kami sa Manila.

Natatambakan na din si Star ng mga gawain sa iba't ibang business niya dahil sa pag punta namin dito para sa pag tanggap niya sa pagiging pinuno ng BCM.

Pag labas ko ng aking kwarto ay sakto ding pag labas ni Star sa kwarto niya. Naka pure black Suit siya, black slack at black boots, habang isang puting long sleeve ang nasa loob ng black suit niya. Naka salapid muli ang mahaba niyang buhok.

"Let's go!" Aniya matapos akong lagpasan.

Sinabayan ko na lamang siya sa pag lalakad patungo sa arena kung saan magaganap ang huling pagsubok ni Star.

Hindi samin sinabi kahapon nina Hakken at Kill kung ano ang huling pag subok pero confident naman ako na magagawa at mapag tatagumpayan ito ni Star.

Nang makarating kami sa arena ay nasa ibaba na si Hakken at Kill, naka ayus din ang lugar kagaya ng mga airsoft training kung saan parang maze ang itsura sa ibaba at may mga obstacle.

Naiwan ako sa itaas at nag patuloy na sa pag baba si Star upang makalapit sa magkapatid. Mukhang alam ko na kung ano ang huling pag subok.

Hindi ko na nakinig ang pinag-usapan nilang tatlo nang makalapit na si Star sa kanila. Inabutan nila si Star ng isang bullet vest. Hinubad muna ni Star ang kanyang black suit at dahil doon ay nakita kong dala pala niya ang dalawang Golden gun na napanalunan niya sa karera nila,  inalis din niya saglit ang lagayan ng baril at syaka niya isinuot ang bullet vest. Binalik naman niya ang lagayan ng baril niya sa kanyang katawan pero hindi na niya muling sinuot ang kanyang black suit.

Nag suot na din ng bullet vest ang mag kapatid na may nakalagay na pulang bilog sa gitna. Tama ang iniisip ko kanina na silang mag kapatid ang makakalaban ni Star sa airsoft na magaganap ngayun. Pero mali ako na airsoft gun ang gagamitin nila dahil hindi inalis ni Star ang baril niya ay mukhang totoong baril ang gamit nila.

Matapos nilang maayus ang mga gamit nila ay nauna ng pumasok si Star sa loob at makalipas lamang ang ilang minuto ay sumunod na ang mag kapatid.

Nagulat naman ako sa biglang pag lapit sakin ng isang member ng BCM at abutan ako nito ng malaking kulay dilaw na headset. Nag tataka man ay isinuot ko ito. Binalik ko ang aking maningin sa ibaba kung saan kitang kita ko ang lokasyun nilang tatlo.

Tahimik at maingat ang mag kapatid na nag hiwalay ng daan upang mahanap si Star. Si Star naman ay nasa kabilang dulo at nag-aabang sa pag sulpot ng dalawa.

Ni hindi siya nag tatago at talagang sa oras na lumiko sa lugar na iyon ang maalin sa magkapatid ay nakikita agad siya.

Hinugot ni Star ang isa niyang baril at ikinasa ito at humanda na para bang alam niyang may papadating na.

Si Kill ang unang makakarating sa pwesto ni Star at nang lumiko si Kill ay agad na pinaputok ni Star ang kaniyang baril. Mabuti na lamang at mabilis naka tago si Kill dahil kung hindi ay baka patay na ito ngayun.

Sinubukan muli ni Kill lumabas upang mapatamaan si Star pero bago pa siya makalabas ay muli siyang pinaputukan ni Star kaya naman muli siyang tumago.

Dagli namang hinugot ni Star ang isa pa niyang baril at itinutok ito at pinutok sa kaliwa niya ng hindi niya nililingon ang lugar.

Mabilis ding nakatago si Hakken at hindi siya tinamaan ng bala ni Star. Sa lakas ng putok ng baril ni Star ay napasok parin ang tunog nito sa tenga ko kahit may suot akong headphone.

Sabay na lumabas ang magkapatid at syaka pinaputukan si Star, dahil doon ay kinailangan ni Star yumuko at gumulong sa kanan niya upang makatago siya sa sunod-sunod na putok ng baril. Hindi gaya ng baril ni Star ay hindi ko gaanong nakikinig ang putok ng baril nina Hakken at Kill.

Hinayaan ni Star na nag papaputok ang dalawa at agad siyang umalis sa lokasyung iyon. Nang napansin ng magkapatid na hindi gumaganti ng putok si Star ay huminto sila kaya naman nalaman nila na wala na doon si Star.

Kanina ay ako lamang at ang isang member ng BCM ang nandito upang manuod sa huling pag subok ni Star, ngayun ay dumarami na kami at hindi gaya ko ay walang suot ang mga itong proteksyun sa tenga nila.

Muling nag hiwalay ang mag kapatid at muli nilang hinanap si Star. Habang naka yuko ay mabilis na narating ni Star ang kabilang dulo at ngayun ay sasalubungin na niya si Hakken.

Padarag na binuksan ni Star ang pinto kung saan ito lamang ang nag sisilbing pagitan niya kay Hakken. Mabilis niyang pinutok ang baril subalit mabilis nanamang naka iwas si Hakken at nakatago.

Hindi naman hinayaan ni Star ang pag tatago ni Hakken at tinakbo niya ang pagitan nila at madali lamang sa kanya na naakyat ang pader kung saan nag tatago si Hakken.

Napigilan ni Star ang baril ni Hakken gamit ang kaliwa niyang kamay at ipinutok ang baril sa gitna mismo ng vest ni Hakken. Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon si Hakken kasabay ng pag tunog ng kung ano man.

"Hakken, eliminated!"  Umalingawngaw ang boses na iyon matapos ang kakaibang tunog kanina.

Nasira ang pader kung saan tumilapon si Hakken at wala pa itong malay. Hindi naman ako sigurado kung buhay pa ba ito o sadyang nawalan lamang siya ng malay tao.

Iniwan na siya ni Star at muling nag libot sa paligid upang matagpuan niya si Kill.

Hindi naman nag tagal ay nakita ni Star si Kill sa di kalayuan ngunit mukhang hindi siya nakita ni Kill. Ikinagulat ko na lamang ng e-sway ni Star ang kanyang baril na para bang ihahampas niya ito at syaka kinalabit ang gatilyo.

Sa hindi inaasahang pang yayari ay tumama ang bala sa gitna mismo ng vest ni Kill at tumilapon siya gaya ni Hakken kanina.

Hindi ko alam kung paano ni Star nagawa iyon pero isa lang ang alam ko. Tapos na ang pagsubok niya at siya na ngayun ang bagong leader ng BCM.

"Star Del Ore, Win" ito naman ang umalingawngaw sa paligid.

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now