|10| Remember Me?

513 16 0
                                    

Lex's POV

Mukhang gaya nang inaasahan ko ay hindi niya ako makikilala agad. She almost killed me earlier but that's fine, ni hindi niya din kami tinignan kanina for the "interview" pero okay lang din.

"Parang lagi niyang kabuntot ang fiancé niya ano?" Hindi ko alam kong sinasadya ba ng kambal na ito ang pag-usapan. Dahil walang klase ay nasa Cafeteria muna kami habang nag-aantay sa program mamaya.

"Bagay sila nu?" Pag papatuloy nila Jarvis at Jarrus. Kung sinisikaran ko kaya itong dalawang ito para nag titigil sila?

"Kanina pa yan ang usapan ninyo ah?" Pero imbes na tumigil ang dalawa dahil sa tanung ko ay ngumisi pa ang dalawa sakin na para bang nag tagumpay sila sa gusto nilang mangyari.

"Nag seselos kana ba boss?" Sabay pa nilang tanung. Sana gaya nalang sila nang ibang kambal na nakikita ko. Yung tipong palaging mag kaaway. Hindi ganto na palagi silang magkasundo lalo na sa mga bagay na kalukuhan.

"Bakit naman ako mag seselos? Wala naman akong gusto kay Black Star!" Sana naman ay maniwala sila sa sinabi ko dahil napupuno na ako sa kambal na ito.

"Kay Black Star wala, pero kay Star Del Ore merun." Pagpipilit pa ni Jarrus.

Hindi na ako sumagot at tumayo nalang ako. Tapos na din naman akong kumain, kailangan ko ng hangin kung saan malayo sa dalawang makulit na ito.

"San ang punta mo Lex?" Tanung naman sakin ni Mhiya.

"Mag papahangin lang. Mag kita nalang tayo sa auditorium mamaya." Sabi ko dito at umalis na. Hinayaan ko na ang mga pang-aasar pa ng kambal habang papaalis ako.

Nang makalabas ako sa cafeteria ay hindi ko na alam kong saan ako pupunta. Nakahiwalay ang cafeteria sa building na mga classroom. Pag labas mo naman ng cafeteria ay matatanaw agad ang malawak ba soccer field.

Nag simula na akong mag lakad-lakad, hindi ako masyadong pamilyar sa lugar na ito kaya dapat hindi ako masyadong lumayo sa building 2 kung saan matatagpuan ang auditorium.

Dahil sa paglalakad ko na walang patutunguhan ay narating ko ang isang green house. Nakabukas naman ito at walang nakasulat kung bawal ba pumasok dito.

Sumilip muna ako sa pinto nito at syaka ako pumasok nang nasiguro kong wala namang ibang tao. Maganda siya sa loob at well organized ang mga halaman. May mga roses na mag kakasama ang mag kakakulay at may mga gabi na iba-iba din ang kulay.

Matapos ko itong malibot ay nag pasya na akong lumabas at sa di inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Star na dumaan at wala siyang iba pang kasama. Mabilis ko siyang sinundan pero dahil sa haba ng biyas niya ay mabilis itong nakalayo, kinailangan ko pa tuloy tumakbo.

"Hi, Star?" Bati ko dito pero hindi ako nito pinansin at nag papatuloy lamang ito sa paglalakad.

"Hindi mo ba ako naaalala?" Tanung ko muli sa kanya habang patuloy na humahabol sa pag lalakad niya.

"One of the transfer student I talked earlier." Cold na sagut nito sakin na hindi man lang lumilingon o humihinto.

"Bukod pa doon?" Muli kong tanung. Masaya naman ako na sumagot siya sakin.

"Leader of Phoenix." Tipid nanaman niyang sagot. Lumiko siya sa isang lugar kong saan ang bakod ay halaman mismo. Para itong pader na napapalimutan ng mga baging na halaman at mas mataas pa ito sakin ng tatlong dipa.

"Other than that?" Pag pipilit ko dito habang patuloy ko siyang sinusundan.

"C'mon don't you remember a 5 ugly guys?" Sinusubukan ko na din mag bigay ng mga hint sa kanya.

Ngayun ay patuloy kaming nag lalakad sa mga parang eskinita na napapalibutan ng halamang pader.

"Star!" Pinilit kong maabot ang braso niya at nang magawa ko ay pinilit ko siyang huminto sa paglalakad. Bukod sa napapagod na ako ay nahihilo na din ako ng hindi ko mawari kung bakit.

"London? 5 ugly guys that you beat up?" Wala namang emusyun ang mga mata niya na nakatitig sakin na halatang hindi man lang sinusubukang mag-isip kung ano nga ba ang tinutukoy ko.

"Inagawan mo ako ng limang lalaking bubugbugin sa London that night. C'mon can't you remember?" Nag bago ng kaunti ang emusyon ng mga mata niya kaya naman natuwa ako at naisip ko na baka naaalala na niya ako.

Inalis niya ang braso niya sa pagkakahawak ko. "Ahh!" Aniya na lalong ikinatuwa ko dahil sa tuno niya ay parang naalala na nga niya ako.

"Do you remember me now?" Nakangisi kong tanung sa kanya.

"That pretty guy na muntik nang maging dinner date ng mga pipitsyuging gang sa London." Aniya.

"Yes, I remember you now." Dagdag niya.

"But I don't freaking care!" Aniya at agad na sinipa ang likod ng binte ko kaya naman napaluhod ako dahil sa ginawa niya.

"What was that for?" Tanung ko dito pero nang lumingon ako ay wala na ito.


★★★

Kanina pa ako nag lalakad pero hindi ko pa din mahanap ang daan palabas sa lintik na maze na ito! Nahihilo na ako dahil sa dami ng inikot ko ay palaging dead end ang napupuntahan ko. Hindi ko na alam pano makaalis sa maze na to!

Wala ding kwenta ang cellphone dahil walang signal sa lugar na to! Gano ba naman kasi ito kalaki na hindi ko agad napansin na merun palang ganito sa loob ng school? At bakit naman ako iniwan ni Star dito?

Huminto na muna ako dahil mga 30 minutes na ata o mahigit pa akong nandito at nag papaikot-ikot. Hindi ko naman maakyat ang pader dahil bukod sa mataas ito ay madulas pa at wala akong makapitan para makaakyat.

"Help me! Anyone?" Sigaw ko. Sana naman ay may dumaan dito at tulungan man lang akong makaalis dine.

"Help me!!" Muli kong sigaw pero walang sumasagot sakin. Naupo na muna ako sa lapag dahil sa sobrang pagod. Tumatama na din sakin ang sikat ng araw na lalong nakapag pahirap at nakapag papagod sakin.

Gusto ko lang naman na maalala niya na nag kita na kami noon, pero bakit naman kailangan pa akong iligaw dito ni Star?

"May tao ba diyan?" Napa tayo naman ako dahil sa boses na narinig ko. Lalaki ito na parang nasa di naman kalayuan.

"Yes! Help me please! I can't get out of this maze!" Sigaw ko dito.

"Okay, just continue and make some noise para mahanap kita." Muli nitong sagot. Nabuhayan naman ako ng loob dahil doon. Pumalakpak nalang ako para mahanap ako ng kung sino mang ito na tumutulong sakin.

"There you are." Anito nang makita na ako. Hindi naman ako makapaniwala sa nakikita ko ngayun. Gaano ba kaliit ang mundo at nakita ko pa siya dito?

Ngayun ay kulay puti na talaga ang buhok niya, di gaya nong gabi ng laban ng Vortex na para lang ito abo.

"I know you." Hindi man ako sigurado ay naimik ko pa din ito.

"Really?" Tanung nito sakin.

Mahirap ba talaga akong matandaan at lahat nalang ng stranger na nakikilala ko ay nakakalimutan ako agad?

"Ah! Sa laban ng Vortex?" Mabuti naman at na tandaan niya ako.

"Anyways, pano ba lumabas dito?" Ikinagulat ko naman ang tanung niya.

"Hindi ba kaya ka nandito ay para tulungan ako?"

"Ha? Kaya kita hinanap kasi akala ko ako ang matutulungan mong lumabas dito?" Balik na tanung niya sakin.

Kung mamalasin ka nga naman!

Mukhang hindi na kami makakalabas dito!!

★★★

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now