|43| Win or Lose

197 7 0
                                    

Lex's POV

I increase my speed while Star's car is getting closer to mine. Tumatagaktak na ang pawis ko sa noo and to admit, yes kinakabahan ako sa karerang ito.

Alam kong seryuso si Star and she might want to end this race as soon as possible. I know her ability at alam kong wala pa ako sa kalinkingan niya. She was born to rule the car racing industry while I'm just a normal human being trying to fit in in her world.

"C'mon Lex, ngayun ka pa panghihinaan ng loob?" Nababaliw na siguro ako dahil sa pressure na binibigay ni Star sa pagbuntot sa akin dahil kinakausap ko na ang sarili ko.

I step on the gas at syaka ko pinasok ang curve, danger move pero desperado na akong makalayo man lang sa kotse ni Star. But unfortunately ay nakadikit parin siya sa akin. It feels like pinaglalaruan lang niya ako —na kaya naman niyang unahan na ako pero hindi niya ginagawa to torture me.

Now it's a hairpin course, I need to be careful dahil hindi sa akin pamilyar ang daan ngunit kailangan ko parin masigurong hindi ako mauunahan ni Star. She's fast and super skilled, hindi ko rin alam kung hanggang saan makakaya ng mga gulong ko ang ganitong takbo.

Wala na akong ibang naririnig kundi ang mga squeezing sounds ng mga kotse namin sa bawat pagliko at drift na masasabayan ng sigawan ng mga tao sa daan.

Parang nag sasayaw sa daan ang kotse naming dalawa ni Star, she can perfectly synchronized all my movements with a good rhythm. Mas tumataas na rin sa akin ang tensyun na binibigay niya and all I wanted to see is the finish line.

One long straight line at doon na nagsimulang lumabo sa akin na maipanalo ang laban na ito, pero ayukong sumuko nalang basta. I wanted to do my best not because my ego akong naaapakan but because I wanted to give a good fight to Star. I know how bored she is dahil masyado nang mataas ang level ng skills niya para sa mga street racers na kagaya namin. Her skilled is beyond professional. And somehow I think na kapag alam mong wala nang makakatalo sa iyo ay mawawala na ang hilig mo sa bagay na yoon, kung saan ka magaling. I'm worried na mawala ang hilig niya sa pakikipag karera dahil wala nang makakatalo sa kaniya.

Hanggang sa matanaw ko sa rearview mirror ang pag pasok ni Star sa outside line. Pinilit ko pang mapabilis ang takbo ng kotse ko ngunit patuloy lang na napapantayan ni Star ang takbo ko hanggang sa maunahan na niya ako.

Mabilis niya akong naiwan in a split second. Parang kisap mata lamang nang maglaho sa unahan ko ang kotse ni Star at hindi ko na ito muli pang nahabol. A banishing Lamborghini. That's what it looks for me.

Second place ako, at yung Japanese team na nanalo rin kaninang karera ang nasa 3rd place. Of course si Star ang 1st place.

"Boss!" Salubong sakin ni Jarvis at nasa likuran niya si Jarrus.
"Chill!" Halata kasing may gustong sabihin ito sa akin at hindi na makapag-antay pa.

"Sumabog ang gulong ng kotse ni Hayana." Hindi ko alam kung natatawa ba si Jarvis habang nag kukwento o naaawa siya sa nangyari kay Hayana.

"And do you know why?" Si Jarrus naman ang nag tanung sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko naman alam kung paano ba sumabog ang gulong ni Hayana.

"Star did it." Si Jarvis ang sumagot sa tanung ng kakambal.
"How?" Napalipat-lipat pa ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"So, nasa kahulihan na si Star and this time imbes na 5 seconds lang ang delay niya ay ginawa niyang 10 seconds." Panimula ni Jarvis. Nag simula na akong mag lakad papunta kung nasaan sina Haldrin at sumunod naman agad yung kambal sa akin. May 30 minutes kaming break bago muling mag simula ang karera.

"Akala namin nasiraan na ng kotse ni Black Star, then biglang bumulusok ang takbo ng kotse niya." Dagdag ni Jarrus.
"Nakinig nalang namin sa radio nang harangan ni Hayana ang kotse ni Star, kung saan daw ang baling ng kotse ni Star ay hinaharangan itong pilit ni Hayana." Nag sasalit-salit sila nang pag kukwento at ngayun ay si Jarvis naman ang nag sasalita.

"Then may kung anong nangyari at umikot ang kotse ni Hayana pero naiwasan daw yun ni Black Star, then sumabog na ang gulong ng kotse ni Hayana." Sabay na nagtawanan ang kambal na para bang masayang-masaya sila sa nangyari kay Hayana. Fortunately ay wala namang natamong ano mang injury si Hayana at maayos naman siya dahil mabilis na naka responde ang emergency team ng Japan.

Nang matapos ang break ay muling inayus ang mga kotse ng mga karerista. And as expected ay si Star ang muling lalaban para sa Vortex, ngunit hindi siya nag palit ng kotse at ang kanyang Lamborghini parin ang gagamitin niya. Mukhang ganoon talaga katibay para sa mga karera ang isang Lamborghini at kinakaya nito ang madahas na pagpapatakbo ni Star.

Mas kakaunti narin ang mga kalaban dahil sa dami nang beses na talo nila. Mukhang malapit nang matapos ang karerang ito.

Si Haldrin naman ang lalaban ngayun, I told them na kaya ko naman hanggang sa matapos pero suhesyun nila na hindi ako pwedeng mapagod. Hindi man kami manalo laban sa Vortex ay masisiguro naman namin na pasok parin kami sa 3rd place.




Hanggang sa bumaba na ang bilang ng mga gang group na maaring lumaban ng lima ay si Star parin ang lalaban para sa Vortex at gamit parin ang kanyang Lamborghini.

Nakakamangha ang durability ng kotse niya at nakakamangha namang lalo ang skills ni Star sa pakikipag karera.

Ngayun ay ako na muli ang lalaban lalo na at huling karera na ito. Dito na malalaman kung sino ang tatlong gang na mananalo. Vortex have zero lose, kami namang Phoenix ay may isang talo, ang Gang naman ni Shoto ay may isa ring talo, then two gang from Japan have 2 loses.

Sumakay na ako sa aking silver na Mustang nang makita ko ang pag sakay ni Star sa kanyang Lambo. Sumakay na rin ang ilan pang karerista at ngayun ay mga leader ng bawat gang na ang lalaban. Coincidence maybe that we all decided na kami na ang lalaban para sa huling karera.

Malakas na nag sigawan ang mga tao dahil sa sabay-sabay naming pag papaingay ng mga sasakyan namin. This time ay pantay-pantay na ang line naming lima dahil malaki naman ang kalsada ng starting line. Hindi na namin kinailangan mag bumunutan kung sino sa unahang line.

Malapit na rin mag-umaga kaya naman hindi na maiiwasan na mas marami na kaming makasalubong na ibang sasakyan sa daan lalo na at hindi naman exclusive ang daang ito para sa karera, hindi kagaya sa Star Mountain.

Mas kailangan mag-ingat kung hindi ay baka mahantong ang huling karerang ito sa hindi magandang pangyayari.

☆☆☆

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now