|42| Star

214 6 0
                                    

LEX'S POV

Pangatlong laban palang pero marami na ang na bawas sa mga gang na maaring lumaban. May isa na kaming talo at ang plano ko na ay ako na ang lalaban hanggang sa dulo.

"Boss, kaya namin lumaban!"
"Wala ka bang tiwala sa amin?" Pamimilit ng kambal.

"Shut up Jarvis and Jarrus! Hayaan na natin kay Lex ang laban." Sawata naman sa kanila ni Mhiya. She's not bothered sa talo niya. Alam niyang madaya si Hayana at wala siyang magagawa tungkol doon. That's her personality, it is what it is, ika nga niya palagi.

"Kapag natalo ka, Lex ako na muli ang lalaban." Bilin naman sa akin ni Haldrin. I top his shoulder.
"As if mag papatalo ako." At syaka ko binuksan ang pinto ng kotse ko. Papasok na sana ako sa loob but something stop me.

Natanaw ko sa hindi kalayuan ang Vortex at ang pag pasok ni Star sa kotse niya na nasa gitna na ng kalsada. The heck is going on? Wala pa silang talo so why did Star decided to fight now? Why now kung kelan magiging mag kalaban kami and Hayana?

"Oops!" Sabay na bulalas ng kambal sa likuran ko.
"I think Haldrin ikaw na ang lalaban." Pang-aasar ni Jarvis.

Mabilis ko siyang nilingon at tinignan ng masama. I do like Star, so much. Pero hindi naman ako aatras dahil lang nakita ko siyang lalaban na rin. I know at this point ay hindi ko siya kayang talunin. And no one in this race will ever defeat her pero bakit nakakaramdam parin ako ng pag-aalala para sa kanya.

Bago sumakay nang tuluyan si Star sa kotse niya ay nahagip pa ako ng kanyang paningin at tinitigan niya ako for a couple of seconds at syaka tuluyang pumasok sa loob. Sana lamang ay nababasa ko ang iniisip niya. Ngayun ko lang ginustong marinig ang thoughts ng isang tao, she doesn't speak to me at kung mag-usap kami ay para pa siyang palaging galit. Ganoon din kaya ang iniisip niya? Ganoon din kaya ang tuno ng iniisip niya towards me?

"Goodluck, Lex." Ani Mhiya.

Disadvantage for me na 12 ang nabunot ko at nasa pangatlong line ako. Habang si Star naman ay nasanunahan but knowing her style, walang kwenta ang pagiging nasaunahan niya dahil mag papahuli parin siya in the end.

Nag simula ang count down at kanya-kanyang atungal na ang mga sasakyan ng mga karerista. Binuksan ko na rin ang makina ng kotse ko at sinimulan itong painitin.

Nang mag down to zero ang countdown ay mabilis na nag paandar ang mga karerista but Star's car still in no motion. I can't let my emotion and feelings for her involve in this race kaya pinaharurot ko na rin ang kotse ko.

Malayo na kami at halos tatlong kotse nalang ang nasaunahan ko ay hindi ko pa natatanaw sa rear view mirror ko ang kotse ni Star. I wonder kung ano nanamang taktika ang gagawin niya ngayun yo impress people lalo na ako?

I got the hang of the my momentum at kahit nasa pangatlong linya ako kanina ay naunahan ko na ang mga kalaban, I'm just tailgated by this one racer from a Japan division.

Kulay green ang Mustang GT nito at talagang nasasabayan niya ang bawat galaw ng sasakyan ko. Kailangan ko lang munang ma maintain ang bilis ko ngayun. Sa huling parte nalang ng karera sisiguruhin ko na maiiwanan ko ang isang to at hindi na makakahabol sa akin.

Wala na akong halos ibang sasakyan na natatanaw sa likuran kundi ang Green Mustang, siguro ay napalayo na talaga kami sa iba pang karerista. Wala rin naman kaming dalang radio dahil ipinag babawal yoon, kaya naman wala kaming ibang way para malaman kung anong nangyayari sa ibang mga kalaban namin.

Nang pumasok kami sa isang sharp curve ay ikinagulat ko pa ito dahil hindi ako pamilyar sa daan ng bundok na ito, mabuti nalang at mabilis nag react ng tama ang katawan ko —like a muscle memory or something. Maayus na nakapasok ako sa kurbada at napapanatili ko parin ang layo ko sa Green Mustang.

Masyado na akong na focus sa kaniya at nakalimutan kong kalaban ko nga rin pala ngayun si Star, naalala ko lamang ito nang matanaw ko sa side mirror ang kanyang Lambo. Bumubulusok ito papalapit sa kotse ko at sa Green Mustang.

How long was it took her para makaabante ng ganito sa amin? Gaano ka bilis ang Lambo niya para makaabot sa amin kahit malaki na ang agwat namin sa kanila simula palang kanina?

I accelerate again at inapakan ang gas pedal to make some distance mula sa Lambo at sa Mustang. Pero nakadikit talaga sa aking likuran yung Mustang and I can't shake them off. Ayuko namang pwersahin ang sasakyan ko dahil napakaraming laban pa ang kailangan kong gawin.

I think Star is being reckless as always, masyado pang maaga ngunit baka dahil sa bilis na ginagawa niya ay mapudpud agad ang gulong ng kotse niya?

Or she have a back up plan? Like gagamitin niya ang kotse ng mga kaibigan niya once mag kaaberya ang kotse niya? Well that's a good strategy and I might do that as well, as long as ma survive ko ang unang karera kong ito.

May mahabang straight line and Star took this opportunity para mapantayan ang bilis ng Green Mustang. Unti-unti niyang natapatan ang kotse nito. I add another speed on my car upang hindi niya ako maunahan sa part ng kalsadang ito, I know at the moment na maunahan niya ako ay hindi ko na siya mahahabol pang muli.

May isang right turn sa unahan at pantay parin ang sasakyan ni Star at ng Mustang, mas binilisan ko pa ang takbo ng kotse ko upang magkaroon sila ng space at hindi mag karoon ng aksidente. Nahihirapan man ako ay pinilit ko ito dahil baka hindi sila makaabot bago mag kurbada at pareho silang titilapon.

Palipat-lipat na ang tingin ko sa rear view, side mirror at sa harapan ko dahil sa pag-aalala. Ayuko mang maglagay ng kahit na anong personal emotion sa laban na ito ngunit hindi ko maiwasang alalahanin si Star o ang taong laman ng Mustang. Pantay na pantay ang mga kotse nila at walang nag papauna, ngunit kung mananatili ito ay maari silang hindi makaiwas sa kurbada at pareho silang mapahamak. DAMMIT!!!

Nang pumasok na ako sa kurbada ay hindi ko na kita kung sino ang unang nakapasok sa dalawa o kung maayus pa ba sila ngayun. Wala naman akong narinig na bungguan o kung ano pa man ngunit napaka bilis ng tibok ng puso ko at namumuo na ang pawis sa noo ko dahil sa pag-aalala.

Hanggang sa muling lumiwanag ang likuran ko at nang tanawin ko ito sa rear view mirror ay ang Lambo na ni Star ang natanaw ko. Kasunod naman niya ang Mustang na nasa maayus parin namang kalagayan. Thank God they're alright.

Ngayun kailangan ko nang mag focus sa sarili kong bilis dahil dito mag sisimula ang tunay na karera. It's me versus Star.




☆☆☆

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now