|26| Black Crescent Moon (part 2)

351 11 0
                                    

Clyde's POV

"Why are you doing this?" Hindi niya ako nilingon sa tanung ko. Nananatiling nakapatong ang mga braso niya sa railing ng terrace at nakamasid lang siya sa tanawin. She wanted some fresh air kaya kahit hindi payag sina Hakken na tumaas kami sa Mansion upang mag pahangin ay wala silang nagawa dahil alam nilang gagawin ni Star ang gusto niya. 

"What?" balik na tanung niya sakin. 

"You don't like this, ayaw mong manahin ang Black Crescent Moon at ayaw mong mapasok sa mundo ng Mafia, but now your doing it. Why?" Tinapon niya ang kanyang sigarilyo sa sahig at syaka ito inapakan. I thought huminto na siya sa paninigarilyo. 

"Yes, I don't like it!" she confirm. 

"Then why?" muli kong tanung dahil naiinip na ako sa matagal niyang pag sagot saakin. 

Humarap siya sakin. "Because I have to protect people around me."

"You can protect Lex on your own." alam ko kung gaano niya ka ayaw ang pagiging Mafia ng daddy niya. Kahit pa mabuti ang resulta ng ginagawa ng daddy niya ay ayaw naman niya sa paraan nito. 

"Hindi lang naman si Lex ang dapat kong protektahan." Muli niyang binalik ang paningin sa kawalan. Pinapayad ng hangin ang mahaba niyang buhok habang payapa siyang nakatingin sa kung saan. 

"Hindi ko mapoprotektahan ang lahat ng taong konektado sakin ng sabay-sabay, that's why I have to have some power to protect everyone at kasama ka doon Clyde." natahimik ako sa nakinig ko mula sa kanya. Muli nanaman siyang mag sisindi ng sigarilyo kaya inagaw ko ito sa kanya. At ang resulta ay masama niya akong tinitigan. 

"I thought you stop this." Tinibayan ko ang loob ko upang hindi niya mabawi sakin ang sigarilyo. 

"I did..." hindi ako sumagot at hinintay ko ang sunod niyang sasabihin. 

"But sometimes bumabalik ang mga bagay na nakasanayan mo na." I'm not satisfied at her answer. 

"Violet will not be happy if she knows na naninigarilyo ka parin. Marami ka ng responsibilidad ngayun, wag mong hayaang masira ang health mo dahil maraming maaapektuhan kapag nanghina ka." Hindi na niya binawi ang Sigarilyo at muling tinanaw ang paligid. 

"Promise me you'll stop this permanently." Hindi niya ako nilingon. 

"Promises are meant to be broken, Clyde." 

"I'll just do it without the promise!" pahabol niya at syaka ako iniwan at pumasok na sa loob ng mansion. 

Noon ay hindi ko na re-realize kung gaano ka delikado maging kaibigan ni Star, mga bata palang kami noon at mag kakaibigan ang mga magulang namin. We only thought na ang mundo ay maliit lang, ang mundo ay payapa, pero hindi pala. 

Maraming masamang tao, at may mga tao na itinatama at binubura ang masamama sa maling paraan. Maitatama ba talaga ng tao ang isang mali kung mali din ang gagamitin niyang paraan? 

Star wasn't like that, importante sa kanya ang paraan para ma justify ang resulta ng isang bagay, but her dad is different. Wala sa kanyang halaga kung paano niya ginawa ang isang bagay hanggat alam niyang tama at para sa mabuti ang naging resulta nito. 

To be honest, ayaw ni Star sa paraan ng pag papalaki sa kanya ng daddy niya. She hated herself na wala siyang nararamdamang emusyun, na wala siyang kakayahang maging normal na tao. Star hated herself na masyado siyang malakas kumpara sa mga normal na tao. Star hated herself na isang beses sa buhay niya gamit lamang ang mga kamao niya ay muntik na siyang makapatay ng tao. 

But now, dahil sa amin, dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya na gusto niyang protektahan ay kailangan na niyang tanggapin ang mga bagay na ayaw niya. I don't know kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman, should I be happy na dahil dito ay baka tanggapin na niya ang mga bagay na ayaw niya sa sarili niya o malungkot dahil mapipilitan siyang gawin ang mga bagay na kinaaayawan niya sa lahat dahil saaming mga taong pinapahalagahan niya? 

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now