|24| Protecting Lex Cruz part 2

323 13 0
                                    

Lex's POV

It feels so weird this morning, lahat kasi ng tao ay pinagtitinginan ako at ang mas weird pa ay para nila akong nais patayin sa mga tingin nila.

Pakiramdam ko sa oras na malingat ako ay may sasaksak nalang sa likod ko. I try to ignore their death stare pero ramdam na ramdam ko pa din ito.

Mula sa first period kanina hanggang dito sa pangalawa ay iba ang tingin sakin ng mga tao. Mabuti nalang at palagi kong kasama yung kambal mula sa 1st period till now. Paniguradong kung kanina pa ako mag-isa ay baka kanina pa nila ako pinatay.

"Kanina pa ata tayo tinitignan ng masama ng mga tao." Now I know na pati ang kambal ay nararamdam at napapansin ang kakaibang kinikilos ng mga tao.

"It's not admiration eh, more of like hatred!" Jarvis is right. Noong mga unang araw namin dito ay masaya pa ang mga tao na nakikita kami dahil sa bago kami, lalo na ang mga babae. Pero ngayun ay galit at dismaya nalang ang nakikita namin sa mga mata ng mga tao sa paligid namin at mga nakakasalubong namin.

Nang matapos ang second period namin ay kikitain namin sina Mhiya at Haldrin sa malapit na café sa labas ng school. Medyo nag sasawa na kasi kami sa lasa ng pagkain sa cafeteria at isa pa ay wala na kaming klase.

Tatayo na sana kami mula sa inuupuan namin ng marinig namin ang usapan ng dalawang lalaki na dumaan sa harapan namin.

"Kabago-bago, nanira agad ng relasyun! Tsk!" Then I noticed in their eyes disgusted by us, or I might say to me.

"What's their problem?" Kaunti nalang ay sasabog na sa galit si Jarrus na madalang mangyari. Ang kambal ang may pinaka masayahing characteristics saamin at hindi mo sila agad magagalit, but when they are angry paniguradong seryuso sila.

"Chill, hindi naman natin alam kung sino ang tinutukoy nila." Pagkalma ko sa kambal kahit ang totoo ay kanina pa bumabaon ang mga kuku ko sa palad ko dahil sa matinding pag pipigil. I shouldn't lose my calm here.

Tahimik naman naming narating ang café at mabilis kaming nakapag park dahil kakaunti pa ata ang customer sa café.

Nakita agad namin sina Mhiya, Haldrin at ang boyfriend ni Mhiya na si Hedge sa pinaka sulok ng café. Agad namin silang nilapitan at dahil sa inis ay hindi bumati ang kambal sa mga kaibigan namin ng makalapit na kami sa mga ito hanggang sa makaupo na kaming tatlo.

"What's wrong with this two?" Takang tanung ni Haldrin.

"Nothing" I started. "May kakaiba lang na nangyayari sa mga tao sa school." Kumunot naman ang noo ni Haldrin. Mhiya is busy with her iPad.

"What do you mean?" Muling usisa ni Haldrin.

"Ang sasama ng tingin samin ng mga tao sa school!" Naiinis na sagot ni Jarvis. They both lose their coolness because of what happen earlier.

"Bakit naman?" Muling tanong ni Haldrin. Pero bago pa siya masagot ng kambal at sinagot na siya ni Mhiya. "I think I know why!" Dinungaw naman ni Hedge ang iPad ni Mhiya.

"Here." Matapos niyang mag pipindot at inabot niya sakin ang iPad. I accept it kahit naguguluhan ako. Pinindot ko ang play button ng makuha ko ito dahil nasa isang video agad ito ng iaabot sakin ni Mhiya.

Napa nganga nalang ako dahil sa nakinig ko mula sa video at ganun din ang kambal at si Haldrin. "WHAT?" Sabay na tanung ng kambal ng matapos ang video.

"Kelan kapa nakikipag date kay Star?" Ngayun ay si Haldrin naman ang nag tanung sakin.

"Obviously he didn't." Mhiya answer for me. Hindi pa nag po-process sa utak ko ang lahat ng mga nadinig ko.

I'm Dating the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon