|19| Tie

323 16 1
                                    

Violet's POV

I know Austhine is in a big pressure right now, wala man magiging malaking epekto samin ang labang ito tonight but maybe because of the big gallery that we had right now is the main reason why Austhine feel that way.

To be honest I'm also felling a bit nervous, umaakyat na sa batok ko ang matinding pag tayo ng balahibo ko, it feels like something is crawling in my body. Ayukong matalo si Austhine cause his defeat means I have to fight, and what if I also got defeated? Star will be dissapointed to me.

I hate making Star dissapoint. Hindi ko na din nagawang palakasin ang loob ni Austhine dahil sa kabang nararamdaman ko. Mabuti nalang at nakabalik na agad si Shone.

Shone is good at that. He knows how to comfort our friends, to motivate us and to give us strength.

"He's not doing good." Puna ni Justin. Unstable ang bawat pag pasok ni Austhine sa mga curve course and because he's opponent is tailgating him as well.

"He can make it." I don't know if Shone trying to motivate us that Asuthine can make this race or his motivating himself.

Austhine also making some dangerous play, halatang hindi na niya pinag-iisipan ang mga ginagawa niya, malamang dahil na pe-pressure na siya nang sobra ng kalaban niya.

Something is different from our opponent right now, mukhang napag-aralan nila kami. It feels like they know that Justin and Shone will wins this then they want to crush Austhine and me to have a chance to fight with Black Star.

It was all planned, mula sa pag hamon nila samin, hanggang sa challenge ni Luise kay Star. Maybe kahit ang laban namin sa kanila last time ay planado din nila.

They will crush me also para makalaban nila si Star. That's what I'm certain!

Then I was right, there's something wrong. First because Austhine lose his fight and second I have to fight because of that. Saling kitkit lang ako sa Vortex and I'm aware of that. Aware ako sa kahinaan at kalakasan ko.

Nakakuha man ako ng mga data sa makakalaban ko ngayun ay hindi ko naman alam kong pano ko magagawa ang mga na plano ko na sa isip ko.

Padarag na sinara ni Austhine ang pinto ng kotse niya. I was about to get in my car pero nagulat ako sa ginawa ni Austhine na pag lapit sakin.

"I'm sorry Violet. I'm really am!" He said and I could feel the sincerity to his voice and his eyes. Hawak-hawak pa niya ang kanang kamay ko. This is not the first time na lalaban ako. Hindi kami kagaya ni Black Star na zero defeat at may titulong the undefeated legendary car racer kaya walang dapat ipag-alala si Austhine. Hindi din naman kagaya ng BM ang gang ni Thomas. They are not a cheater and I know hindi nila ako ipapahamak dahil alam nilang si Star ang makakalaban nila kapag nangyari iyon.

Hinawakan na din ng kaliwa kong kamay ang mga kamay ni Austhine na nakahawak sa kanan kong kamay.

Maybe noon palang ay nag-aalala na siya sakin pero ito ang unang pag kakataon na ipinakita at ipinaramdam niya sakin ang matindi niyang pag-aalala.

"It's okay Austhine, if matalo ako I'm sure ipapanalo ni Star ang laban niya." I tried to smile so I could hide my fear.

"I'll be okay." I assure him. Inalis ko na ang kamay niya sa akin. But I got frozen ng lumabas sa sasakyan si Star.

Hindi niya ako nilapitan, she just stood there and smile at me. I could sense that she's saying "good luck" and "whatever happened, I'm proud of you." I smile back at her.

I enter my car, binuhay ko na ang makina at hinayaang uminit ito bago pa mag simula ang laban. Nilingon ko ang kalaban ko, gaya ko ay nakataas din ang bintana niya pero kita ko siya dahil hindi naman tinted ang kotse nito.

Nang pumutok ang flare gun ay sabay naming pinaharurot ang aming mga sasakyan. Sabay na sabay ang bilis ng sasakyan namin sa straight line pero dahil mas magaling siya sakin mag drift ay mas nauna siyang makapasok sa unang curve line.

Siniguro ko naman na hindi niya ako basta-basta maiiwanan at makakagawa ng malaking agwat sa akin.

After ng mga hairpin course ay nararamdaman ko na ang ngalay sa pag kontrol ko mg manibela. This is tiring as always but I have to endure this kung ayaw kong ma disappoint sakin si Star.

Shone's POV

Star is standing beside me. Nakalugay ang mahaba niyang buhok, naka black turtle neck siya at black pants at pinariha niya dito ang isang black boots. I think all of her clothes are all in color black. That's how much she's obsessed with black color.

Ito din ang unang pag kakataon na bumaba siya sa kotse niya upang manuod ng laban, of course she's worried about Violet.

Nasa critical na course na si Violet and she's doing so good so far. Nakabuntot siya sa kalaban at hindi hinahayaang makalayo ito sa kanya. Uphill is difficult for her but I teach her so much about some technique to use kapag uphill na.

Nang lingunin ko si Star ay sinusuot na nito ang ear buds niya at mukhang tatawagan na nito si Violet. I don't think nag-aalala siya na baka matalo si Violet, I think she's afraid na baka masaktan si Violet sa laban kapag pinilit nitong manalo.

"Violet." Kalmado niyang bungad sa kausap.

"Just relax, nagiging unstable ang takbo mo. You don't have to win." She reminded her. Star always act as if she was our mother or our older sister and I really admire her because of that. Gagawin niya ang lahat ma protektahan lang si Violet... Kaming lahat to be honest.

In the end of the race, sa tulong ni Star at sa skill ni Violet it ended up as tie. At sa rules ng GS ay hindi makakasama sa bilang ng panalo ang tie. So it means star need to fight. Kung sakaling swertehin si Luise at manalo siya against Black Star ay magiging all 2 ang scores and for the tie to break kailangan muling lumaban ni Violet.

But of  course it's imposible for Black Star to lose.

Violet look so depressed ng bumaba siya sa kotse niya. Agad ko siyang sinalubong dahil doon.

"Nakakainis!" Pag mamaktol niya. She look so cute pero hindi naman ito ang tamang oras para sabihin ko sa kanya na cute siya.

Hindi man siya natalo, alam ko naman na hindi din panalo ang pakiramdam niya.

"It's okay. Hindi naman matatalo si Star." I assure her. Lumapit kami kay Star na nanatiling nakatayo sa labas ng kotse niya. May ngiti sa labi si Star, a small smile.

"It's okay Violet. I'm not disappointed." Kahit si Star ay siniguro na ito kay Violet.

"But still I want to say sorry." Violet insisted.

"Sorry for what? Kasi I have the chance to fight?" Lumapit na din samin si Justin at Aust.

"No, cause you need to use that Honda civic." Violet looks like a child that throwing a tantrum and Star is her mother that still looks so proud at her.

"Why? It's not like I will lose even though I have to use that." Hindi na nakasagot si Violet when Star top her head at lampasan kami.

Lalapitan na pala kami ni Luise at sinalubong na siya ni Star. Ninabot ni Luise ang susi mg Honda Civic na nasa gitna na ng kalsada at handa na sa karera.

"Let's have a fair race." Ani Luise na hindi na sinagot ni Star at tumungo na ito sa kotse.

Nang makasakay si Star sa honda civic ay pumasok na din sa kotse niya si Luise. This will gonna be a great fight.

★★★

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now