|25| Black Crescent Moon

337 11 0
                                    

Clyde's POV

3 days before...

Of course being Star Del Ore's personal secretary ay kasama sa resposibilidad ko ang pag accept niya sa pamumuno ng Black Crescent Moon. Ipinag maniho ko si Star papunta sa main head quarters ng BCM while she's busy on her phone para abyadin ang ilang negosyu niya. 

It's almost impossible to follow the schedule that I make for her pero dahil punctual siya sa oras ay nasusunod niya ang mga ito na walang naabalang ibang meetings niya. Now ay may digital siyang meeting sa Star Arts Entertainment. 

The time na matapos ang meeting niya ay narating na namin ang main head quarters ng Black Crescent Moon. Hindi na ako hinintay ni Star na ipag bukas siya ng pinto at agad na siyang bumama ng sasakyan. 

Kahit gabi na ay maliwanag parin ang harapang bahagi ng mansion at nakaabang sa pag dating ni Star ang dalawang pinagkatiwalaan ni Mr. Del Ore na mamamahala sa BCM habang hindi pa tinatanggap ni Star ang pagiging Mafia boss niya. Bumama ako at tumayo sa likuran ni Star. 

"Miss Star, this is Hakken Zalasar and Kill Zalasar." sila ang magkapatid na kinupkop ng BCM hanggang sa e-train sila at maging pinaka magaling na member nito. Sila na din ang pinagkatiwalaan ni Mr. Del Ore sa ilang trabahong ginagawa ng BCM. 

"We are glad to finally meet you Ms. Del Ore." bati sa kanya ni Hakken. He's same height like Star and he is the oldest sa kanila ni Kill. 

"Just call me Ms. Star." nilibot ni Star ang kanyang paningin sa paligid. Mananatili kami dito ng tatlong araw upang matapos ni Star ang lahat ng pagsubok na hinanda ng tatay niya upang maging opisyal na siya ang maging leader ng BCM. 

Gustong-gusto man ng daddy ni Star na si Star ang kasunod na mamahala sa Mafia group na binuo niya ay hindi naman niya ito ibibigay ng basta-basta kay Star. Hindi naman gusto ni Star na pamunuan ang BCM ay mukhang kailangan na niyang gawin ngayun para sa kaligtasan ng mga tao sa paligid niya. 

The mansion is just a decoy, dinala nila kami sa mismong head quarters at ito ay sa kailalim-laliman ng mansion, a basement.

Sumakay kami sa elevator at may lima itong palapag pababa. Pinindot ni Kill ang ground floor at sabay-sabay kaming nag antay na makarating ang elevator doon. Nang bumukas ang pinto nito ay namangha ako sa nakita ko.

"Wala ditong signal ng mobile, bakal din ang paligid pero maayus ang ventilation." Paliwanag ni Hakken habang lumalabas kami ng elevator.

Napakalaki ng paligid at nang lumakad pa kami hanggang sa may railings ay nakita namin sa ibaba ang malawak na space. Mukha itong arena na napapalibutan ng bakal na dingding. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tama nga si Hakken, walang signal sa lugar na ito.

"Dito namin ginaganap ang mga pag iinsayo sa mga member ng BCM. Guns, combat, katana, archery, at iba pang skills para sa makikipag laban." Muling paliwanag ni Hakken kay Star na naka cross arms at tahimik na nag mamasid sa paligid.

"Now let's proceed to the second." Ani Hakken at muling nag lakad patungo sa elevator, sinundan naman namin siya. He press the 2nd button at ng bumukas ito ay isang malawak na gym naman ang sumalubong samin.

"This is the gym." Hindi na kami lumabas at agad nang pinindot ni Hakken ang kasunod na floor. Nananatili namang tahimik si Star at nag mamasid lamang.

Nang bumukas ang elevator ay tatlong pintuan ang sumalubong samin. Lumabas naman si Hakken kaya naman lumabas din kami kasunod niya. Tahimik din si Kill at hinayahaang ang kapatid niya ang mag paliwanag ng lahat.

"Dito naman po nagaganap ang mga pag pupulong ng BCM. Iisang kwarto lamang ito but it's huge." Hindi man inutusan ni Hakken ay agad nang binuksan ni Kill ang pinto.

Para itong concert hall, pababa ang mga upuan nito at sa pinakang ibaba ay kung saan malamang pumupwesto ang mag pe-present ng meeting at sa likod nito ang napaka laking white screen.

"Let's proceed to the next floor." Star command na agad sinunod ni Hakken. Bumalik kami sa elevator at tinungo ang 4th floor.

It's just a swimming area, I thought. "Dito naman po namin tini-train ang stamina, lung capacity, agility at ang mahabang pag pigil ng hininga ng mga member ng BCM." Paliwanag ni Hakken.

I couldn't understand why they have to train their members this way. Well, hindi ko naman talaga naiintindahan ang lahat ng bagay tungkol sa mga mafia.

"And the 5th floor?" Tanung ni Star.

"Doon po matatagpuan ang pahingahan. Nandon din po ang magiging kwarto ninyo." Sagot ni Kill.

"Now, tell me kung anu-ano ang mga pagsubok na hinanda ng daddy para sakin?" Hinarap ni Star si Hakken at dahil magkasing tangkad lamang silang dalawa ay mag kasing pantay din ang kanilang mga mata.

"May tatlo pong pagsubok na hinanda si Mr. Del Ore." Panimula ni Hakken.

"Ang una po na magaganap bukas ay kailangan mong mapatumba ang top 100 members ng Black Crescent Moon  sa isang combat fight. They can use whatever weapons they want while you are not allowed to use anything." Nanlaki ang paningin ko sa narinig.

Napaka imposible naman ata ng gustong mangayari ni Tito Stell. Gusto ata niyang sa unang pagsubok palang ay mamatay na agad ang anak niya?

"At kasama kayong dalawa sa rank 100, right?" What? Hindi man lang nagreklamo si Star sa pagsubok na iyon? Is she lost her mind?

"No, Ms. Star!" Pinalagatik naman ni Star ang kanyang dila dahil sa nakuha niyang sagot mula kay Hakken.

"So my Dad's underestimating me? Pakiramdam ba niya ay hindi ko kayong dalawa kakayanin?" At ang tungkol talaga diyan ang nirereklamo niya? Napameywang nalang ako dahil sa mga nakikinig ko mula sa kanila. Matagal ko na manang iniisip na ang mga tao na nasa Mafia group at mga kapwa hibang!

"No ma'am, kaming dalawa ang inaalala ni Mr. Del Ore." Sagot ni Hakken. Muli ay ikinagulat ko ang sagut niya.

"Wag kang mag-alala Ms. Star makakatapat mo kami sa huling pag subok." Dagdag naman ni Kill.

"Ano naman ang kasunod na pag subok?" Muli ay tanung ni Star. Mukhang naging satisfied siya sa sagot na binigay ng magkapatid.

"Malalaman po ninyo bukas, kapag natapos na ang una ninyong pagsubok.

Yeah! These people are insane.

★★★

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now