|33| She's Dangerous

265 9 0
                                    

Lex's POV

Gumising kaming hindi namin mahanap si Star sa buong isla, nandito naman sina Hakken at Kill and I though hindi silang dalawa lalayo sa tabi ni Star. I also asked them pero hindi rin nila alam kung nasaan si Star. Maybe they are just hiding it from me. 

Mag tatakipsilim nalang ay hindi parin namin nakikita si Star at ang nakakapag taka ay lahat sila kalmadong wala si Star. They act so normal at dahil wala kaming cellphone ay nakahanap sila ng ibang pag kakaabalahan. 

Si Violet ay nag babasa lang ng libro sa sala, Si Shone at Austhine naman ay nasa likuran ng bahay at nag lalaro ng billiard habang si Justin ay hindi pa lumalabas ng kwarto niya. 

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman lumabas nalang ako ng bahay at sa labas tumambay kung saan natatanaw ko ang karagatan. Minsan nga lang ay nakaka distract ang mga tauhan ng BCM kapag nag papalit sila ng pwesto. 

Bantay sarado din ako ng isa sa kanila dahil napapansin kong kanina pa siya sumusunod pag kalabas ko ng bahay. Hindi naman ako tatakas at isa pa ay wala namang bangka na pwede kong gamitin para makaalis dito, hindi din naman ako tanga para languyin ang malawak na karagatang iyan para lang makaalis dito. 

Dahil sa maaliwalas na paligid at sariwang hangin ay hindi ko na namalayan ng magdilim na ang kalangitan at buksan na ang ilaw ng buong isla. Sa di naman kalayuan ay natanaw ko ang isang bangkang papalapit sa pangpang. 

Palagay ko ay natanaw din ito ni Hakken at Kill dahil patakbo silang lumabas ng bahay at tinungo ang pangpang. Dahil sa na curious ako kung sino ang mga ito ay pumunta na din ako doon. 

Kumunot ang noo ko nang makarating ako sa buhanginan, inaalalayan ni Haldrin bumaba sa bangka si Mhiya at basta-basta lang tinalon ng kambal ang pagbaba sa bangka kaya naman tumalsik kay Haldrin ang tubig dagat. 

"Neos twin kumalma kayo!" naiiritang saway ni Mhiya sa dalawa pero nag tawanan lang ang kambal at nahinto lamang sila ng makita nila akong papalapit. 

"BOSS!" sigaw nila pareho at agad na lumapit sakin. Kunot nuo parin ako dahil sa nakikita ko. Bakit sila nandito? 

Mag-isa namang bumaba si Star sa bangka at sinalubong siya nina Hakken at Kill. 

"Are you alright Miss Star?" Tanung ni Kill nang makababa na si Star. 

"I'm good." ani Star at nilingon sila Mhiya at Haldrin. 

"Pumasok na muna tayo sa bahay para makapag pahinga kayo." Tumango naman sila Mhiya at Haldrin at nag lakad na si Star papalapit sakin. Akala ko ay lalampasan lamang niya ako.

"I'll explain later." aniya bago ako tuluyang lampasan. Hinabol ko pa siya ng tingin at nakita ko ang kamay niya, kulay itim man at mahaba ang manggas ng suot niya ay kita ko ang umaagos na dugo mula doon. Nakaramdam ako nang pag-aalala at naisip ko agad na hindi niya bastang sinundo lang ang mga kaibigan ko, may masamang nangyari at siya ang nag ligats sa kanila. 

"She save us." bungad sakin ni Mhiya kaya nilingon ko siya. 

"She's hurt." hindi ko maiwasang hindi mag-alala. 

"Yes, pero sabi niya ay ayus lang siya kaya hindi na namin siya kinulit hanggang sa makarating dito." Paliwanag ni Mhiya. Nag lakad na kami at sumunod kila Star. 

Pag pasok sa bahay ay natataranta si Violet dahil sa umaagos na dugo mula sa braso ni Star. Kinuha naman agad ni Hakken ang first aid kit at ginamot si Star. 

"Daplis lang ito Violet. Please kumalma ka." Napapailing nalang si Star dahil umiiyak na si Violet dahil sa kalagayan niya. Si Hakken ang gumagamot sa kanya at ako naman ay nanunuod lang dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin at kung ano ang nararamdaman ko ngayun. Pag-aalala? Guilt? Awa? I don't understand it.

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now